2.

412 7 1
                                    

Chandra

"I am Giovanne and I am the headmaster of this academy. May I know who I am speaking with" ramdam ko ang otoridad sa boses nya pero hindi naman iyon masungit, bagkus ay muka pa syang mabait sa paningin ko

Naka upo ako kaharap ng headmaster ng akademyang ito, nasa loob kami ng opisina nya.. Pagkatapos kong kumain kanina ay agad na kaming nag tungo dito dahil gusto na daw ako makausap ng headmaster. Muka na syang matanda pero muka parin naman syang malakas, pormal ang kanyang suot at may nakaka intemida na aura

Naka upo ako ng maayos sa harap nya, pinahiram din pala ako ng damit ni Hara kanina bago ako humarap sa headmaster para mapanatili ang kapormalan

"Ako si Chandra" pormal kong sabi, hindi ko na alam ang idudugtong ko kaya nanatili nalang akong tahimik

Para namang nag aantay pa sya ng sasabihin ko pero ng dumaan ang ilang segundo at nakatingin parin ako sa kanya ay naintindihan nyang wala na akong masasabe pa. Agad syang bumuntong hininga "Saan ka nanggaling binibini? Ang sabi sa akin ng estudyante ko na naka hanap sa iyo ay nakita ka daw nila sa daanan papunta sa akademya, kakaiba ang iyong kasuotan at puno ng dumi ang iyong katawan"

Nanatili akong tikom, hindi ko alam ang isasagot ko. Malamang ay hindi ko naman maaaring sabihin sa kanya ang pinanggalingan ko, I felt akward by his stares but I remain looking straight at him, maybe becuase I am once a Goddess so I don't feel intimidated by this simple gestures of him

"Hindi ko po alam" yan ang sagot ko, magalang at maikli. Yan ang pinaka safe na sabihin para sa kanya

"What do you mean, Miss?" Ramdam ko ang pagtataka sa boses nya. Randam ko ang pagtaas ng kuryosidad nya

Nananatili parin ang kaseryosohan sa muka nya pero may halo na ng pagtataka. "I can't tell you" natigilan ito sa paraan ng pananalita ko "alam kong nag iingat kayo dahil nakapag papasok kayo ng hindi kilala sa paaralan ninyo kaya gusto ninyong malaman ang nakaraan ko ngunit patawad. Hindi ko maaaring sabihin kung saan ako nanggaling.. But I can assure you that I mean no harm in your academy" totoo ang bawat binibigkas ko na salita sa kanya, ang problema ko ay hindi abot sa kanila "maraming salamat sa pag papatuloy at pagtulong nyo sa akin ngunit hindi ako maaaring mag tagal dito, may kailangan pa po akong hanapin"

Tumayo ako at balak na sanang maglakad ng bigla syang mag salita

"Alam mo ba kung nasaan ang taong hinahanap mo?" Tanong nito, nabalik ang paningin ko sa kanya. Napaawang ang labi ko at parang ngayon lang rumehistro sa akin na.. hindi ko nga alam ang eksaktong lokasyon ng taong balak kong hanapin

Saan ako mag uumpisa? Hindi ako masyadong pamilyar sa mundong ginagalawan ko dahil parang nag iba na ito nung huli kong panonood sa mga binabantayan ko sa mundong ito dati.. Paano ko sya mahahanap

Nadinig ko ang pagbuntong hininga nya "Kung wala kang matutuluyan ay maaari ka munang tumuloy dito, Binibini.. Hanggang sa malaman mo na ang eksaktong lokasyon ng hinahanap mo"

Napatanga ako "bakit?" Yan ang unang lumabas sa bibig ko matapos ang mahabang katahimikan dahil sa gulat ko.. Bakit sya mag papatuloy ng isang hindi kilalang nilalang sa teritoryo nya? Kung saan narami syang dapat protektahan na mga estudyante

Lumayo ang tingin nito sa akin, tumingin sya sa bintana ng kwarto at nagpatuloy sa pagsasalita "I don't know.. I just had this feeling that I need to protect you, your words is soothing and I feel your sincerity so I know you mean no harm in my school, I also had this thing inside me, that I need to follow your order no matter what... Hindi ko alam kung ano o sino ka pero.." muli syang sumulyap sa akin, mas seryoso na kesa kanina "may roong kung ano sayo na makakapag pasunod sa iba"

Moonlight Rays [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon