Chandra
Kakadating lang ng uniporme sa kwarto namin at ngayon din ang unang araw ng pasok ko. Saktong sakto sa akin ang sukat nito, kulay puti ang vest nito at kulay itim naman ang palda na hanggang sa gitna ng hita ko lang, mataas naman ang medyas nito na aabot sa taas ng tuhod ko at may isang stripe sa taas na itim. Itim din ang necktie nito at puti ang long sleeve sa loob, may logo din ng school sa may banda ng dibdib ko
Simbolo ito ng isang lobo at sa likod nito ang malaki at bilog na buwan
Buwan..
Napangiti ako ng mapakla ng maalala nananman ang kwinento sa akin ni Hara kagabe tungkol sa buwan, nakakalungkot lang dahil sila ang nagdusa dahil sa kakulangan ko bilang dyosa ng buwan.. Kaya pala tingin ko ay nagbago na ang mundo na noon ay binabantayan ko
"Bakit ganoon ang buwan, Hara?"tanong ko dahil parang tila ata nagbago ang buwan sa paningin ko, hindi pa buo ang buwan at lumiliwanag ito pero may kung ano dito na para bang wala na itong buhay
Para nalamang itong ilaw. Walang buhay at wala akong marandaman na kahit ano
"Ah? Yan ba?" Nawala nanaman ang ngiti ni Hara. Kung kanina ay naging seryoso sya ngayon ay may lungkot na sa muka nya "Ang sabi nila ay tinalikuran na daw tayo ng Diyosa ng buwan kaya ganyan"
Agad akong natigilan at napalingon sa gawi nya . Tinalikuran? Hinding hindi ko magagawa iyan sa kanila.. Bumilis ang tibok ng puso ko hinihintay pa ang sasabihin nya
"Isang dekada na ang nakakalipas simula ng magka ganyan ang buwan, humina kaming mga sumasamba sa Diyosa ng buwan. Para bang kinuha ang kalahati ng lakas namin ng mawalan ng buhay ang buwan.. Madaming namatay noong araw na iyon, lalo na ang mga bata na nabigla ang katawan sa biglaang panghihina. Simula noon hanggang ngayon ay ganyan padin ang buwan, at nagkaganito nadin kami. Kung dati ay malakas kami ngayon naman ay humina ang kalahati ng kakayahan namin" tumingin sya sa buwan na may mumunting ngiti "kaya kami nagtatago ngayon, dahil mas malakas na ang panig ng mga hunter, hindi na namin sila kaya ng magisa kami.. Kaya ang sabi ng lahat ay tinalikuran na kami ng Diyosa ng buwan.. Dahil hanggang ngayon, hindi padin sya bumabalik"
Tumingin sya sakin, may luhang pumatak sa gilid ng mata ko, naguguluhan ako sa mga sinasabe nya pero mas nangibabaw sa akin ang lungkot.. Ano ba ang ginawa ko?
"Pero hindi ako naniniwala doon, alam ko.. Babalik ang Diyosa namin, alam kong babalikan nya kami. Alam kong hindi nya kami tinalikuran"
"Kyaaahhh! Ang ganda mo po! Muka ka talagang Diyosa, Chandra!" Nabalik ako sa ulirat ng madinig ko ang matinis na boses ni Hara mula sa likuran ko. Suot na nya din ang uniporme nya, ang ganda nya din sa suot nya, mas lumalabas ang ganda nya
"Thanks, ang ganda mo din" balik papuri ko sa kanya
She tuck her hair in her ears "Ano ba! Maliit na bagay" natatawa nitong sabi "tara na nga, baka mahuli tayo sa agahan ayoko pa naman maparusahan"
Nagpahila nananan ako sa kanya, oo ng pala, kasabay ng uniporme ko ay may kasama itong card. Ang sabi ni Hara ay credit card daw ang tawag sa bagay na iyon, allowance daw namin ito para sa akin ng headmaster dahil wala naman akong pera pang gastos sa pagtuloy ko dito.. Gayon pa man ay nagpapasalamat ako, dahil walang wala talaga ako ngayon
Mag trabaho kaya ako?
Sobra sobra nadin kasi ang binibigay nila sa akin, to the point na hindi ko na kayang tanggapin.
"Medyo late na pala tayo" sabi ni Hara "mukang nandoon na ang lahat at tayo nalang ang wala" napangiwi pa ito nasa harap na namin ang malaking pintuan ng bulwagan.. Hawak hawak nya ito bago sya huminga ng malalim, nanatili lamang akong tahimik sa likod nya
Huminga nanaman sya ng malalim bago buksan ng malaki ang pinto, dahilan para madaming tao ang mapatingin sa amin.. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, sanay ako sa atensyong binibigay sa akin pero hindi ko alam sa taong nasa harap ko
Muka syang kinakabahan na ewan, bahagya pa itong yumuko. Kaya ako na ang humila sa kanya papasok, sinarado ko na din ang pintuan buti nalang at nakita ko si Jhomer ang kasintahan ni Hara kaya doon ko hinila si Hara sa pwesto nya.. Ramdam ko padin ang tingin ng iba pero hindi ko nalang iyon pinansin, nasa isang tao ang atensyon ko
Medyo namumutla si Hara na animoy kinakabahan talaga.. Akalain mo nga naman, ang madaldal na babaeng ito ay marunong palang mahiya.. Natawa ako ng bahagya ng makitang agad yumakap si Hara sa kasintahan nya at sinuksok ang muka sa leeg nito. Nginitian lang ako ni Jhomer bilang pagbati bago ibalik ang buong atensyon sa kasintahan
May tumikhim sa harapan, kaya napatingin ang lahat sa kanya "Let's eat" yun lang ang sabi ng headmaster kaya nagsimula na ang pagkain ng lahat
May mga pagkaing nakahilera sa lamesa namin ngunit tinapay at gatas lang ang kinuha ko, kung maaalala ko ay ito ang pangatlong kain ko ngayon, una ay yung sa hospital, pangalawa ay kagabi at ngayon ang pangatlo
Napangiti ako ng malasahan ko ang pagkain sa aking bibig, ang sarap.. Hindi ako makapag hintay na makatikim pa ng maraming pagkain
"Kain ka lang, Chandra" nilagyan ako ng bacon at egg ni Hara sa plato ko. Napatingin ako sa kanya, mukang hindi na sya nahihiya
Ngumiti ako "salamat"
"Ang ganda mo talaga, pinakulayan mo ba yang buhok mo o natural yan?" At nagsimula nanaman syang mag daldal, mukang di na nga nahihiya
Napahawak ako sa mahaba at puti kong buhok "Natural na ito" sagot ko. Kung dati ay lumiliwanag ito ngayon ay hindi na, mukang yun lang naman ang nagbago sa akin
My eyes is still the same, it was gold. Medyo matangkad din ako, mas matangkad kay Hara, my hair has a wavy volume at puting puti ang buhok ko na hanggang bewang at maputi din ang aking balat
"Ang lambot pa ng boses mo, I wonder kung paano ka sumigaw o kaya ay magalit.. Siguro ay para kang nag o-oyayi" pagpapatuloy nya
Namula ako dahil doon "grabe ka na mag buhat ng bangko ko, Hara" pagbibiro ko
Nanlaki nama ang mata nya "Ha?! Anong buhat bangko? Totoo lahat ng iyon. Di ba babe?" Tumingin pa ito sa lalaking nasa tabi nya, tumingin sa akin si Jhomer at bahagyang tumango
"Tama, parang galing sa ibang mundo ang ganda mo, Chandra"
"Oh diba?, Kahit itanong mo sa iba ay ganoon padin ang isasagot sayo!"
Napa iling iling nalang ako at hindi na sumagot, sinubo ko ang bacon sa bibig ko, at napaka sarap nito
Susubo pa sana ako ng maramdaman nanaman na may nakatingin sa akin. I mean kanina pang may nakatingin sa akin pero hindi ko na ito maignura.. It looks like it's piercing to my whole system. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa magtama ang paningin namin
There, I saw a deep dark blue almost black set of eye. Napakurap kurap ako, kahit na nagtama na ang paningin namin ay hindi nya padin ito inaalis sa akin
Tinignan ko ang kabuoan ng may ari ng matang iyon, and I literally lost my breath when I saw how beautiful he is

BINABASA MO ANG
Moonlight Rays [Completed]
Fantasy"In order to become full you need to be empty first" Written in Tagalog and English ** Date Started: Jan 1,2023 Date Ended: Jan 9,2024