Chandra
Tapos na ang festival pero nakatatak padin sa akin ang nangyare noong gabing iyon, ilang araw na ang nakalipas pero may ngiti paring hatid nito sakin
Idi-nisplay ko din ang mga premyong nakuha nya para sa akin, hindi ko alam kung paano nadala ang mga ito sa kwarto pero hindi nalang ako nagtanong. Mostly mga stuff toy ang mga ito pero meron din namang tasa at souvenir pero ang pinaka nagustuhan ko doon sa lahat ay ang turtle stuff toy na una nyang napanalunan
Napapangiti ako ng kusa habang nagbabasa ng libro dito sa ilalim ng puno sa may garden, kaharap ang isa sa naging paborito ko nang bulaklak. Sunflower. Kinailangan ko pa ulit tuloy basahin ulit ang binabasa ko dahil kahit nagbabasa ay walang rumerehistro sa utak ko
Wala ngayon si Fabian na sadyang nakakagulat dahil may gagawin daw sya sa palasyo ngayon.. Well open naman ako sa mga bagay na ito kaya kahit miss ko na sya agad ay naiintidihan ko kung bakit wala sya ngayon sa tabi ko. Ang sabi nya din kase ay mabilis lang sya doon at babalik agad kaya inaantay ko din sya
Masyado ding magulo ngayon sa akademya at himalang walang pasok kaya nga libre ako ngayong araw at hindi nakokonsensyang mag skip sa klase. May mga importante daw kasing bisitang dadating, alam ko namang wala akong matutulong kaya dito nalang muna ako sa garden
Nagtagal ako sa pagbabasa at ramdam kong umiinit nadin sa pwesto ko kaya alam kong malapit nang magtanghalian. Nagdesisyon akong iligpit na ang gamit para makabalik na ng dorm at makapag bihis para makakain na sa cafeteria.. Iba kasi ngayon, dahil may bisita ngayon ay required ang lahat ng estudyante na magsabaysabay kumain kasama ng importanteng bisita ng akademya
Wala namang kaso sa akin iyon dahil palagi naman akong kumakain sa cafeteria kasi mas mura ang pagkain doon. Nagpagpag na ako ng palda dahil nadumihan sa pagupo ko sa lupa pero agad din akong natigilan
Mabilis kong igilid ang ulo ko hanggang sa maramdaman ko ang isang matulis na bagay na biglang dumaan sa gilid ng ulo ko, I fel a small sting in my ears, pero hindi natapos doon ang lahat. Kita kong may kasunod pa iyon
Isa--no tatlo. Tatlong magkakasunod na kutsilyo ang bumubulusok sa direksyon ko.
Walang pagdadalawang isip kong iinaas ang kamay ko at kasabay noon ay ang paghinto ng tatlong kutsilyo ilang pulgada nalang mula sa palad ko
Sumeryoso ang muka ko, inilibot ang paningin sa paligid at kita kong hindi na ako magisa dito sa graden. May mga nakita akong mga estudyanteng nakatingin sa direksyon ko, pero ang mas nagpa agaw ng direksyon ko ay ang dalawang taong nasa harap ko
Kumunot ang noo ko ng makita ko ang lalaking kahawig na kahawig niya pero alam kong hindi sya ito. Pareho sila ng paraan ng pag ngisi, ng muka at medyo kasing laki ng katawan ng prinsepeng kilala ko ang lalaking ito pero mas halatang mas batak at mas lamang ng kaunti ang isang ito. Sunod akong napatingin sa babaeng nasa tabi nito. Her beauty can compare to a goddess
Her long golden hair shines brightly under the sun, her dark brown eyes reflects bravery and authority, her long lashes and pointed nose looks proud, her red lips and white porcelain skin is so natural.. Everything is perfect to her, wala kang maipipintas
She is like a sunflower..
Ibinaba ko ang kamay ko at sumabay na bumaba ang mga naka angat ng kutsilyo sa ere.
She look at me seriously, ganoon din ako sa kanya pero halata sa itsura kong naguguluhan ako, naka kunot ang noo ko habang may mga posibilidad na pumapasok sa utak ko kung sino ang dalawang taong nasa harap ko
"Hey there, sweetheart. Are you perhaps a girl who named Chandra?" The woman speaks first, her soft small looks brighter napalilibutan kami ng mga sunflower at hindi nga ako nagkakamali na kasing ganda sya ng mga bulaklak na ito. She look at me from head to toe when I didn't answer "You really are beautiful,huh?" May nahihimigan akong pangungutya sa paraan nya ng pagsasalita
![](https://img.wattpad.com/cover/330249702-288-k39363.jpg)
BINABASA MO ANG
Moonlight Rays [Completed]
Fantasy"In order to become full you need to be empty first" Written in Tagalog and English ** Date Started: Jan 1,2023 Date Ended: Jan 9,2024