Chapter 5

25 1 0
                                    

Busy siya sa pag aayos ng schedules sa hotel, may wedding event sa event hall nila every week at gusto niyang maayos ang lahat para maganda ang experience ng kanilang mga customers. Clarissa can't handle the work, madalas ay late ito sa pagpasok at mainit ang ulo.

Sa dami ng gagawin ay napagod din siya. Sa sobrang pagod ay natutulog na siya sa isang room sa hotel, normal room lamang ang pinili niya, kung saan pwede siya magpahinga at maligo o magbihis.Isa lang ang rule ng kanyang papa, no man allowed pagginamit nila ang mga rooms sa hotel. Nakikipagdate si Clarissa sa restaurant ng hotel, sa swimming pool or sa spa. Samantalang siya ay naghihintay lamang ng pagkakataon para makita ang first love niya.

Sa dami ng papel sa harapan niya ay tumayo siya konti at umupo sa kanyang maliit na sofa sa office. Kumatok ang kanyang sekretarya saka pumasok.

" mam you have a call from Mr. De Castro." Sabi nito.

Agad siyang tumayo at kinuha ang tawag. " yes, Mr. De Castro. I've been waiting for your call." Matamis niyang sinabi dito.

" well, I'm considering your business proposal, my collegue and I are planning to stay in your hotel nextweek., two days perhaps?"

" great, just send me the full details of your arrival then I will arrange everything for you, this is our chance to show you how we take care of customers in our hotel." Sagot niya dito.

Saka sila nagpalitang ng phone number. Gusto niyang asikasuhin ito ng personal. Di nagtagal ay may dumating itong message para sa booking nito sa hotel. Balak niyang ireserve ang room pag malapit na ang araw. Gusto niyang sorpresahin ang kapatid. Ngumiti siya, nasa ayon pa rin ang kanyang plano. Ang makita ng kapatid niya na kasama niya si Xander ay malaking bagay na dito. Alam niyang si Xander ang tinutukoy nito sa huling pag uusap nila kasama ang kanyang papa pero malalaman niya lamang ang totoo pagnakita niyang talagang pakakasalan ng kapatid niya ito.

Sa dalawang araw na lumipas ay balewala sa kanya ang pagod. Parang hindi siya napagod sa dami ng trabaho. Masaya siya pagmasaya ang mga customers na umaalis at masaya din ang mga staff. Pagkabook niya sa reservation ni Xander ay agad niyang hinanap si Clarissa pero wala ito. Nagsick leave at babalik daw sa susunod na linggo. So hindi nito makikita si Xander. Di bale na. Alam ng assistant nito ang mga galaw ni Clarissa. Alam niyang sasabihin nito lahat ang galaw niya.

Dumating si Xander at kaibigan nito sa kanilang hotel. Kinikilig lahat ang mga staff na nakakasalubong ng mga ito. Nag uunahan ang mga staff sa pagassist sa mga guest. Pero balak niyang siya ang magtotour kay Xander sa kanilang hotel, gusto niyang makita ng lahat na magkasama sila ni Xander. Inaral niya lahat ang sasabihin at gagawin pagVIP ang guest nila kaya alam niyang walang problema. Naorient na rin ang mga staff sa kanilang trabaho pag may importanteng bisita.

Sinalubong niya si Xander sa lobby at ngumiti ng matamis ngunit matipid ang ngiti nito samantalang alam niyang nabighani ang kasama nito sa kanya, sa titig nito sa kanya. Sa itsura palang mukhang playboy ang kaibigan ni Xander.

" pleasure to have you here sir, I will show you your suites." Bati niya sa mga ito.

" I'm James, nice to meet you" pakilala nito.

Masaya naman niyang inabot ang kamay nito at ngumiti.

" I'm Samantha, but call me Sam, General manager of this hotel." Sagot niya.

Xander just looking at them, especially to her, hindi niya alam kung galit or nabobored.

" shall we go?." Sabi niya saka naunang naglakad, sumunod naman si Xander at James. Pumunta sila sa elevator at siya ang pumindot. Sa top floor ang pinindot niya. James just keep on smiling to her while Xander is just observing the surroundings at patingin tingin sa relo.

Eto ba ang type ng kapatid niya?, like he's so boring and like a stone, no emotions. She can't stand being with him. Naiintimidate siya. Pagdating sa top floor ay una ang room ni James saka sa sumunod ay room naman ni Xander.

" you can relax, I will show you around tomorrow, is ten oclock in the morning will be fine?" Tanong niya kay Xander.

"Can you join us tonight for dinner then a drinks after?, let's relax in here Xander." Sabat ni James sa pagtatanong niya.

" ten in the morning is fine.. yeah join us for dinner if you're free." Yaya nito sa kanya.

"My pleasure to join you guys, is Seven o'clock fine?" Yun ang sinabi niyang oras para may sapat siyang oras mag ayos.

Tumango si Xander at sumagot naman si James." Perfect time, see you downstairs." Sabi nito.

Saka siya nagpaalam at pumunta sa elevator. Oh my! Kabado siya sa boung oras na kasama si Xander kung wala si James ay baka umalis na siguro ito. Mukhang hindi ito naiimpress sa kanya. Pagdating niya sa kanyang office ay agad niyang pinareserve ang dinner meeting nila saka pumunta sa sariling room. Naligo siya saka nagpalit. Dinner meeting ang pupuntahan niya pero gusto niya pa rin magpaimpress sa mga ito. Nagsout siya ng body hugging dress na kulay black, off shoulder ito at hanggang tuhod ang haba. Kitang kita ang kurba ng kanyang katawan saka siya nagmake up ng kaunti at hinayaan niyang nakalugay ang kanyang buhok. Nasiyahan siya sa nakita sa salamin. Kinuha niya ang kanyang purse saka umupo sa sofa. After fifteen minutes ay lumabas siya at bumaba sa restaurant ng hotel.

Sanay ang mga staff na nakikita siyang nakabusiness attire kaya lahat ng nakakasalubong niya ay pinupuri siya. Xander and James are in the table.

" I apologized for being late." Sabi niya sa mga ito.

" you are worth waiting for." Sabi ni James at tinulak pa ang kanyang upuan. Xander seems didn't mind kung dumating na siya, tiningnan lamang siya pero di nagsalita.

Dahil round ang table ay nasa gitna siya ni James at Xander. Dumating ang waiter at agad silang nagorder ng pagkain. Lively si James kausap, friend pala nito galing cebu for business at nagkataong may business ito sa Manila. Xander is just talking when it comes only about the hotel.

Suddenly We Are Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon