Chapter 17 Starting again

31 2 0
                                    

After three years

Katatapos niyang paliguan si Mike at tulog na ito sa katabi niyang crib. Ang likot na nito at may nasasabi ng salita. She's contented habang tinitingnan ang anak na nakatulog. He's calm and sweet.

Nahiga siya sa kanyang kama, napagod siya dahil galing siya sa trabaho, she's a clerk in a law firm, swerte niya at nakita niyang naghahanap ng office clerk ng minsang napadaan siya sa isang lawfirm malapit sa kanyang condo at balak magtanong tungkol sa annulment pero ang nangyari ay nag apply siya ng trabaho, natanggap naman siya agad, hindi kalakihan ang sweldo niya gaya nung nasa hotel siya pero kelangan niya ng pera sa pangangailangan nila ni Mike.

Hanggang ngayon ay hindi siya kinakausap ng kanyang papa, ilang beses niyang binisita ito sa bahay nila at sa hotel pero parating umiiwas ang kanyang papa. Now she needs to work all by herself. Mahirap sa simula, hindi tinatanggap ni aling Adora ang pasweldo niya dito, kahit anong pilit niya, minsan ay bumibili pa ito ng pagkain nila paglumalabas. Ilang beses niyang pinagsabihan pero tumatanggi ito. Her stepmom was very supportive. Ang swerte niya sa mga kasama niya ngayon.

She never heard anything from Xander, even from Xander's family. Clarissa is mocking her everytime she visits in the hotel to see her father. She already accepted it that Xander is happy with someone else. Iniwasan niyang tumingin sa balita para hindi na siya masaktan.

Nagtuloy tuloy ang buhay niya kasama si Mike. Then recently Ted came back. Her first love, she likes him now as a friend. She meets him with friends, she doesn't want to go to one of her friend's birthday dahil paguusapan lang nila ang paghihiwalay nila ni Xander. Pero mapilit si Ted kaya nag oo siya this time. Tumayo siya at naligo. Susunduin siya ni Ted mamayang alas otso ng gabi. May oras pa siyang mag ayos.

The music is loud, everyone is having fun, siya si Ted and their friends. Nageenjoy ang mga itong sumayaw, uminom ng mga alak. Pero her feeling this time is different. Napaparanoid ba siya, pakiramdam niya someone is looking at her, tinitingnan ang kanyang bawat galaw. Why does she feel this way?

She's wearing a tight white jeans and a crop top na kulay white and a nude sandal with three inches heels, Kita ang kanyang pusod, her skin is fair kaya mas lalo siyang gumanda sa suot. Her figure went back after pregnancy kaya nakakapagsuot pa siya ng crop top. Ayaw niya sana pero ayaw niya namang kill joy sa mga kaibigan minsan lang naman siya sumasama sa mga ito. She set aside her feelings but still she's not comfortable. Tumingin tingin siya sa paligid. There's a dark side of the club na hindi niya makita ang mga tao. Nawala siya sa muni muni ng magsalita si Ted.

" all the guys here wants you." Bulong ni Ted sa kanya dahil sa lakas ng music. Napatawa naman siya at tumingin sa paligid. Almost all single guys are looking at her pero wala siyang magustuhan. Ang mga kaibigan nila ay may nahanap ng partner. Sila ni Ted ang naiwang magkasama sa table nila.

" no one caught my interest" biro niya dito habang umiinom ng cocktail drink.

" tell me, do you still love him?" Tanong nito sa kanya.

" technically my friend, I'm still married. I'm waiting for him to send me an annulment papers then I can be free."

" is that the real score?" Tanong ulit ni Ted.

" let's say mas mature na ako so it's not easy to date when you have a kid, ngayon palang eh iniwan ko ang anak ko and it's so hard."

"You're a perfect woman" puri nito. "And thank you for joining me today." Habol nitong sinabi.

" sa dami ng atraso mo sa akin naku pag ako hihiling ako pabor sayo huwag na huwag kang hihindi." Banta niya dito.

" I will do everything for you, kahit pumunta sa buwan gagawin ko para sayo, ganon ka kahalaga sa akin." Sagot nito sa kanya na may halong biro.

Nagtawanan na lamang sila. Saka pinagpatuloy ang pag inom at pagsayaw. Hindi nila namalayan ang oras hanggang pauwi na sila ng bandang alas dos ng umaga. Hinatid siya nito. Laking ginhawa niya paguwi. Pero pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanila ni Ted kanina.

Napangiti siya pagtingin sa anak. Agad siyang natulog sa kama niya, tinabihan niya si Aling Adora. Sa umaga ay inasikaso niya si Mike, dahil sabado ay naglaro sila at lumabas. They enjoyed the whole day. Paguwi ay nakatulog ulit sa pagod.

She has an angel. Habang nag aayos siya ng mga laruan ni Mike ay lumapit sa kanya si Aling Adora. May hawak itong sobre.

" ano to nay?" Tanong niya.

" nakita ko.kahapon sa mailbox natin, lumabas ka naman kagabi kaya di ko naibigay." Sagot nito.

Nagmadali siyang binuksan ito.

" let's talk, meet me in our house." Yun ang nakasulat sa papel. Namutla siya.

" bakit anak?" Tanong nito saka pinulot ang papel na nahulog niya. Binasa nito.

Umupo siya sa sofa, so he's back. She has mixed feelings, anger, pain lalo na sa kanyang anak. Mike is still young pero minsan nasasabi nito ang daddy. Pinapakita niya lamang ang picture ni Xander.

" darating at darating ang araw na ito anak"

" alam ko, haharapin ko siya. Bukas ay pupunta ako doon." Sagot niya.

Alas otso ng umaga ay paalis na siya ng kanyang condo. Gusto niyang maayos na nila ang lahat. Nagtaxi siya dahil matagal ng naibenta niya ang sasakyan. The house is still the same, walang nagbago sa labas. Nagdoorbell siya ng ilang beses at may lumabas na kasambahay. Bago ito at hindi niya kilala.

Pero pinapasok siya agad.. Binilin siguro ni Xander. The furnitures are new, napalitan ng mas modern na design, the sofa, the dining table pero nandoon pa rin ang kanilang wedding picture.

" hello.. my wife." Bati ni Xander. Lumingon siya at nagtitigan sila..

Suddenly We Are Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon