Chapter 3

26 0 0
                                    

Four months ago..

"you're sister wants Xander so much."kwento ni Claire sa kanya while they are having dinner in their hotel.

" and who is this Xander?" Tanong niya.

Nagsearch sa cellphone nito si Claire, her bestfriend. Binagay nito ang cellphone sa kanya. Inabot niya ito saka tiningnan. The guy is handsome, serious ang mukha sa larawan but it's give him more charisma, tall and looks authoritive, mukhang iba sa mga nakakadate ni Clarissa. Binasa niya ang information sa baba ng larawan.

Alexander De Castro II, the CEO of AC shipping company also owner of two cruise ships. Bukod sa personal information ay may isang larawan lamang ito na may kasamang babae. The woman is elegant at nakayakap kay Xander.

"Is this woman his girlfriend?" Tanong niya saka pinakita ang larawan.

" baka, nobody knows. Rich people need to hide their relationships. Ang alam ko lang is that he's perfect guy, not a womanizer, rich and most of all nakakalaglag panty ang itsura. No wonder your sister is crazy to him."

" not my type but I want to meet him." napangiti niyang sinabi.

" at ano na naman ang plinaplano mo? Kahit anong gawin mo. I think your dad will blame you pagsinaktan mo si Clarissa"

" I know that. But I just want to tease her, I mean I don't find him handsome, you know my type." Determinado niyang sinabi. She wants to play. Hindi kelangan makita ng kanyang papa kundi si Clarissa ang gusto niyang makita siya kasama ang Xander na kinalolokohan nito sa ngayon. May nabubuo na siyang plano sa kanyang isip. All she needs is to do it perfect. Hitting two birds with a one stone. Flirting with him is not bad at magagamit pa niya ang connections nito in promoting their Hotel. Napangiti siya.

Kinaumagahan ay agad niyang inutusan ang kanyang secretary to contact AC shipping company. She wants to have a proposal. Buong araw na inasikaso ng kanyang sekretarya pero hindi sila makakuha ng appointment. Ang binibigay na appointment sa kanila ay sa susunod na buwan pa. Hindi siya maghihintay ng ganong katagal. She needs it now, earlier the better.

Kilala niya ang kanyang half sister. Santa sa harap ng kanyang papa at madrasta pero masama ang ugali nito. Ilang beses na ba siyang nabiktima. Pero this time sisiguraduhin niyang siya ang mananalo. Siya naman ang magiging maldita sa pagkakataon na ito. Nangingiti siya sa plano sa kanyang isip. Saka pinagpatuloy ang trabaho.

Lumipas ang dalawang araw pero hindi pa rin sila makakuha ng appointment para makausap niya ng personal si Xander with an earlier schedule, she needs to be fast, anyway Men are all the same. Konting haplos, ngiti at malambing na salita ay alam niyang hahabulin na siya ni Xander. Alam niyang pagdating sa itsura at pananamit ay panalong panalo siya kumpara sa kanyang half sister. Her sister wears all the expensive brands in the world, naging maluho mula nang sila ang namamahala sa hotel. She's the assistant executive officer dahil ang papa pa rin nila ang president ng hotel, chief manager naman ang kanyang kapatid. Her dad got married again when she was fourteen. Three years after her mom died. She was his world hanggang nakilala nito ang step mom niya. Si Marissa. She's kind to her, wala siyang masabi dito pero ng makilala niya ang anak nitong si Clarissa ay alam niyang iba ang ugali nito. Clarissa is two years older than her. Wala siyang angal ng magpakasal si Marissa at ang kanyang papa.

Nang lumipat sa bahay nila ang mag ina ay napansin niya agad ang inggit sa mga mata ni Clarissa. Nung una ay mabait ito at nakikipagkaibigan sa kanya. They went to same school. Delay sa pag aaral si Clarissa kaya ito ay third year highschool at siya naman ay second year high school. She's trying to be friends with Clarissa para sa kanyang papa. Pero hindi nagtagal ay lumabas ang ugali nito. Lahat ng gamit meron siya ay pinabibili rin sa kanyang papa. She doesn't care dahil kahit pareho man sila ng suot at gamit dahil iba pa rin ang dating pagsiya ang nagsuot.

Inggit ito dahil popular siya sa school nila, nasa top ten sa kanyang klase at maraming nagkakagusto sa kanya. Sabay silang pumapasok sa eskwelahan, pinapakita nito sa lahat na close sila pero lahat ng nagiging kaibigan ni Clarissa ay nakakaaway niya. Isang araw ay gusto nitong lumipat sa ibang eskwelahan. Pinagbigyan ng kanyang papa. Mabait ang step mother niya,hindi mapagsamantala at maluho. Parating humihingi ng tawad sa kanyang papa pag may nagagawang hindi maganda si Clarissa.

Minsan ay nag away sila dahil bigla nitong sinout ang damit niya ng hindi nagpapaalam. They are already college that time. Nagalit siya dito pero nagulat siyang kinampihan ito ng kanyang papa. Inunawa niya na lamang hanggang madalas ay ginagawa na nito. Naramdaman niya ng nagbago ang kanyang papa. Mas pinapasyal ang kanyang kapatid at sobra sobra ang bininigay dito. Pag wala ang kanyang papa ay ibang umasta si Clarissa. Minamaliit ang mga katulong at inaaway siya. Pero takot si Clarissa na saktan siya dahil alam niyang lalaban siya.

Nagpapasensiya ang mama ni Clarissa at sinusuway ito mga ginagawa pero mas madalas mag away ang mag ina dahil sa mga masamang ginagawa ni Clarissa. Pagnalaman ng kanyang papa ang ginawa nito ay kinakampihan pa rin nito si Clarissa. Minsan kinausap niya ang kanyang papa kung bakit ganon na lamang ang pag aalaga nito kay Clarissa. Katwiran nito na naawa siya kay Clarissa dahil lumaki itong kapos at ngayon lamang maginhawa ang buhay. Pagkatapos ng paguusap nila ay nagulat siyang nakikinig pala si Clarissa sa gilid at nakangiti. Ngiting nagpapakita ng pagkapanalo.

Hinayaan niya na lamang ito at umalis. Nagtuloy tuloy ang buhay nila na madalas nadadawit sa gulo si Clarissa at panay ang pagpapabili ng gamit gaya ng gamit niya. Nagsasawa na siyang kausapin ang papa niya at umusbong na rin ang inis niya kay Clarissa. Nilalabanan niya na rin ito at minsan ay pasadyang inaasar. Nasanay na siya ang mali sa paningin ng kanyang papa.

Suddenly We Are Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon