Chapter 18 Friend

39 3 0
                                    

Ang sakit ng ulo niya the next day dahil hindi siya nakatulog kaiisip kay Xander. Ang daming ang nasa isip niya.. tanong na walang sagot. Masaya kaya ang naging buhay nito sa New York? Sila ni Ivy? Hindi kaya may pamilya na silang sarili?. Bakit naghahabol ito ngayon sa kanila ng anak niya?, nakokonsensiya ba ito sa pagabandona sa kanila?.

Monday ulit at trabaho ulit ang focus niya. Di naman siya naeexcite ngayong may communication sila ni Xander but part of her wants know something, pakiramdam niya si Xander ang lalaking minahal niya ng husto kahit hindi ito nagkagusto sa kanya. Ngayong bumalik si Xander ay napapaisip siyang ipakita dito na she's enjoying her life. Gusto niyang ipakita dito na naging maayos sa mga ilang taon hindi ito nagpakita at nagparamdam sa kanya.

" Is Sam inside?". Dinig niya sa door na kanilang office.

"Yes sir, pasok kayo.". Sanay na ang receptionist nilang nakikita na dumadalaw si Ted sa kanya. May dala itong bulaklak. Masugid na manliligaw ang tawag nila kaya Ted.

Bumati si Ted sa lahat ng nakakikita nitong katrabaho niya hanggang makapunta ito sa kanyanabg desk.

"Nandito ka na namam para utuin ako, wala akong time samahan ka today." Sabi niya dito habang palapit si Ted.

" flowers for you, kaya nga ako nandito. I can't live without you." Sabi nito sa kanya saka umupo sa isang upuan sa harap niya.

Kinuha niya ito saka inamoy, she likes white roses.

" puro ka bola!." Sagot niya ditong may halong galit.

" eh kung sagutin mo na ako para di na ako tumingin sa iba" asar nito.

" Ted, ayan ka na naman, let's go to the cafe." Yaya niya dito. Magbrebreak siya konti. Tumayo sila at pumunta sila doon. Umupo si Ted sa isang upuan saka naman kumuha siya ng inumin nila na kape.

" bakit ka nandito?" Tanong niya dito habang naghihintay ng kape.

" napadaan ako dito from my meeting, can we have dinner tonight?"

" at bakit?" Kunwaring taray niya dito.

" well, I think I found the one." Sabi ni Ted.

Nagliwanag ang mukha niya, Ted found his love, she's happy for him.. oo first love niya si Ted but her love to Xander was stronger.

" I'm happy for you, may balita din ako sayo.. Xander is back."

Nagulat ito sa sinabi niya. " are you ok? Did you had a talk with him?" Tanong nito.

Tumango siya saka ngumiti ng matipid. Tiningnan niya ang kanyang oras, almost fifteen minutes na siyang nakabreak.

" five pm ang tapos ng trabaho ko, see you later." Sabi niya.

" ok, yes, I will pick you up." Sagot nito saka umalis.

Dumaan ang oras na mabilis dahil sa dami din ng trabahong pinagawa sa kanya, tamang tama na alas singko ng hapon ay lumabas siya sa building nila. Hindi siya naghintay ng matagal dahil dumating agad Si Ted. Habang naghahapunan sila ay naikwento niya dito kung paano sila nagkita ulit ni Xander. Ang paghingi niya ng annulment dito at ang pagkikita ng mag ama.

" I'm proud of you, alam mo ba yun, if other woman will be in your shoe, baka ginamit ang bata para magkapera."

Napaismid siya. " pagdating sa anak ko, ayaw kong gumawa ng gulo, Xander knew my pregnancy so I Can't hide that."

" so why asking for annulment?" Tanong nito sa kanya.

" hihintayin ko pa bang ihabol sa akin ni Xander yun? Mas magandang ngayon palang eh ako ayusin na namin, we never know, baka may pamilya na siya sa Amerika, nagkataon lang na may kelangan siyang ayusin ngayon dito, I don't even know kung magtatagal siya." Explain niya dito.

" I understand you. But you need to ask kung ano nangyari? Kung may pamilya na ba siya.. I think You really love him kaya hindi mo kayang bigyan ng chance, natatakot ka bang masaktan sa mga sasabihin niya?"

" ayan ka na naman, hindi na ako masasaktan. Umuwi na tayo at baka hinahanap na ako ni Mike." Yaya niya dito para umiwas sa mga sinabi ni Ted.

" tara, bili tayo ng pasalubong, miss ko na rin ang baby Mike natin." Sagot nitong naintindihan agad ang pag iwas niya.

Dumaan sila sa isang donut shop, kumuha ng isang dozen ng donut saka hinatid niya. Nag aasaran silang papasok sa condo niya pero napatigil sila ng makita si Xander, playing with Mike, they are sitting both on the floor, Xander was wearing a gray slacks and a white polo.  Tumingin naman si Xander kay Ted.

" Mommy, tito dada. " bati ni Mike sa kanila.

" may pasalubong ako sa big boy" sabi ni Ted saka binigay ang donut kay Mike. Nagtatakbo naman palapit sa kanila para kunin ang donut. Xander was left on the floor sitting down. Bumalik si Mike sa tabi ni Xander.

" I have a donut,tito dada gave me." Bida nito kay Xander.

Ngumiti si Xander saka ginulo ang buhok ng anak.

" mommy, can I eat this tommorrow after breakfast?" Tanong nito sa kanya.

" oo.naman, pero not all."

" share lola, you, tito, daddy." Sabi nito at binigyan sila isa isa ng donuts.

" thank you anak."  puri niya dito.

" I have to go big boy, hinatid ko lang si mommy mo and to see you." Paalam ni Ted saka umalis.

" see, see my dad?"sabi nito at tinuro si Xander. Napatawa sila sa pabida ni Mike.

"Yes, have fun. Goodnight." Sagot ni Ted kay Mike.

Hinatid niya ito sa parking lot saka tumaas sa condo. Pagbukas ng elevator ay nakasalubong niya si Xander.

" so Ted is back?" Seryosong tanong ni Xander.

" oo, nakita mo naman." Sagot niya.

" is it him? Why do you want an annulment?" Tanong nito.

Gusto niyang sumigaw sa galit, sa sakit, it's not him, it's you, ayoko ng masaktan at umasa. Gusto niyang isagot dito pero tumango na lamang siya. Mas magandang isipin nitong gusto niyang maging malaya para kay Ted.

" I see, so how long is your relationship?"

" we still don't have a formal relationship, I want to be legally single before I will say yes to him"

" do you love him?, sorry, of course you are." Sinagot nito ang sariling tanong.

She can't guess Xander reaction, is it sadness? Disappointment? Imposibleng nasasaktan ito.  He left them, walang pasabi at ngayon pinakilala niya ito kay Mike, walang sumbat.

Suddenly We Are Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon