Chapter 12

18 1 0
                                    

Xander's POV
Nagising si Xander sa kama ni Sam. Ilang beses na ba siyang nagigising doon tuwing lasing. Everytime he sees Sam naiisip niya ang panggigipit ng ama nito, his parents believed that he's inlove with Sam kaya gusto niyang pakasalan ito agad. His dad liked Sam right away pagkakita sa kanya but not his mom, mas boto pa rin ito kay Ivy but she is civil with Sam. Sam is stubborn to him, Madalas sumagot si Sam sa kanya before she agrees to him or to follow him she's only submissive when they are on bed. He hates the feeling that Sam satisfies him in bed, maybe it's been a long he didn't had sex kaya he thinks that way.

It's been four months that they are married. Sam doesn't ask anything from him, he pays the bills sa bahay at never itong bumili ng luxurious bags, shoes or even clothes. He can remember the time he asked for prenuptial agreement and Sam signed it in an instant. Hindi nagdalawang isip. She already knows how to cooked well, nasasarapan siya sa mga niluluto nito but his anger never changed. Sam maybe great in pretending pero ang kapatid at ama nito ay hindi. Her sister flirts with him and her father uses his name para mas makilala ang hotel nila.

Tumayo siya at sinuot ang boxer shorts na nasa gilid ng kama, his old clothes ay alam niyang inayos na ni Sam. Bumalik siya sa sariling kwarto. Nag ayos para sa pagpunta sa opisina. Pagbaba niya sa kusina ay amoy na niya ang ulam, tocino. He likes filipino breakfast. Tinuro ni aling Adora kay Sam. Sam is wearing a pajama ang a shirt with an apron on top. Pero hindi nakakabawas sa ganda nito ang itsura. He admits Sam is gorgeous, having a nice body, that body he can't get enough of. Pero yun lng wala ng iba. She's smart but all pretenders do that. Pare pareho lang ang mga babae.

Umupo siya sa dining area at nagsimulang kumain saka umalis. Sanay silang hindi naguusap ni Sam. Nasanay na sila sa kanilang set up, ang mga kasambahay ay tikom bibig pagdating sa kanilang relasyon.

Sam's POV
" bakit di ka pa kumakain?" Sita ni aling Adora sa kanya habang nilalaro lamang ang kanin at tocino sa kanyang plato.

" wala akong ganang kumain nay, bukod sa masama ang pakiramdam ko ay nahihilo pa ako." Sabi niya dito.

Tiningnan siya ng matagal ni Aling Adora, nakakunot noo ito.

" aba'y pumunta ka na sa doktor, eh madalas ka kasing di kumakain ng maayos. Halatang pumayat ka ng kaunti."

" bukas nay pag ganito pa rin ang pakiramdam ko eh pupunta ako sa doktor." Sabi niya dito.

" dapat lang, kahit hindi maayos ang pagsasama niyo ni Xander eh alam kung maayos na bata yang si Xander, kung hindi siguro dahil sa ama mo eh baka nagustuhan ka niya." Katwiran nito.

Ngumiti lamang siya ng maikli. 'Kung hindi sa kapilyahan ko eh sana di ko siya nakilala, sana hindi ako kasal sa kanya ngayon.' Gusto niyang isagot kay Aling Adora.

Buong araw na masama ang pakiramdam niya, matamlay siya at madaling mahilo, baka kulang siya sa tulog. Ilang beses may nangyari sa kanila ni Xander kagabi. Tulog lamang ang katapat ng nararamdaman niya. Halos tulog siya buong araw at kahit gabi na ay wala siyang lakas para magluto ng panghapunan, baka mapagsabihan siya ulit ni Xander kaya pinilit niyang tumayo.

Pagbaba niya sa kusina ay kasalukuyang nagluluto ang mga katulong. " magpahinga ka na, kami na ang bahala dito" sabi ni aling Adora sa kanya.

Bumalik siya sa kanyang kwarto at agad nakatulog. Nagising lamang siya sa katok sa pintuan.

" hinahanap ka ni Xander sa baba, sabi kung masama ang pakiramdam mo."

" salamat nay, baba na po ako." Sagot niya.

Nakasuot siya ng pajama at malaking tshirt. Nakaupo si Xander sa mesa, umupo siya sa tapat nito.

" They said you're unwell today, you need to go to the doctor." Sabi nito sa kanya.

" baka pagod lang." Sagot niya. Pero nahihilo siya sa pabango ni Xander.

" excuse me" sabi niya sabay takbo sa banyo at nagsuka. Nataranta naman si Aling Adora at sinundan siya.

" anak ayos ka lang ba? Naku parang daig mo pa ang buntis sa galaw mo." Sabi nitong inabot sa kanya ang tuwalya para punasan ang sarili.

Natahimik siya sa narinig. What if? Ilang beses na ring may nangyari sa kanila ni Xander, hindi man madalas pero pwede pa rin mabuntis siya. Naghilamos siya ng mukha saka babalik sana sa kusina pero nakita niya si Xander sa sofa at nagkakape.

" I will bring you to doctor tomorrow morning" sabi nito.

" I can go, kaya ko."

" I have time. " sabi nito saka nilagpasan na lamang siya at pumunta sa library.

Masama ang kanyang pakiramdam pero hindi naman siya makatulog. Sana ay mali ang akala niya. Sana ay pagod lamang o kaya anemia ang kanyang nararamdaman. Napahawak siya sa tiyan ng di oras.

Nagising siya ng alas siyete ng umaga, umiikot ang kanyang paningin at nasusuka kaya agad siyang pumunta sa banyo. Kumatok sa kanyang pintuan si Xander pero ng hindi siya sumasagot kaya nagtatawag na ito sa kanya.

Naghilamos siya at hinarap ito.

" are you ok?, just eat breakfast then we will go to the hospital" sabi nito sa kanya.

" parang hindi ko kayang kumain." Sagot niya.

" prepare yourself then we will go. " sabi nito.

Kahit masama ang kanyang pakiramdam ay pinilit niyang nagpalit ng damit saka lumabas sa sariling kwarto.

Xander is waiting and drinking coffee in the sofa ng bumaba siya. Nang makita siya ay nauna itong lumabas at pumunta sa sasakyan. Nagpaalam naman siya kay aling Adora saka sumunod kay Xander.

Suddenly We Are Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon