" ano bang sinabi niya sa iyo?" Balik tanong ni aling Adora.
" nay, wala akong panahong makinig sa mga paliwanag niya. Ang importante sa akin eh maghiwalay kami ng maayos." Sabi niya saka tumayo at pumunta sa kanyang kwarto. Hindi siya nagdalawang isip na pinirmahan ang dokumento. Umiling iling nalang ang matanda.
Sa kwarto niya ay natutulalala siya,ni ayaw niyang basahin dahil pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya. But this is best for them. To let go each other. Alam niyang hindi nila pababayaan si Mike bilang magulang. Pinirmahan niya lahat ang mga pwedeng pirmahan saka binalik sa envelope at nilagay sa kanyang mesa. Pwede nitong kunin ang dokumento pag dadalawin nito si Mike.
Naguguluhan siya dahil lumipas ang dalawang araw na walang message si Xander na dadalawin si Mike. Baka busy yun ang nasa isip niya. Alam niyang marami itong ginagawa. Lumipas pa ang ilang araw. Halos buong linggo itong hindi nagparamdam. Ang dokumento ay nasa condo palang nila. Bakit ba siya umaasa? Samantalang ang anak ay ni hindi man lang nagtatanong tungkol sa ama, sinabi kaya nito kay Mike kung bakit hindi dadalaw? Tatanungin niya kaya ang anak?
" Tahimik ka na naman?, you miss him?" Tanong ni Ted habang nagkakape sila. Naghilom na ang pasa nito sa gilid ng labi at naiintindihan nito ang naging asal ni Xander. Xander talked to Ted pero hindi siya naniniwala sa sinabi ni Ted sa mahal siya ni Xander.
Ang fiancee ni Ted ay simpleng babae, mabait at agad silang nagkabagayan, ni hindi ito nagseselos paglumalabas sila ni Ted.
" hindi ko siya namimiss, naiisip ko lang si Mike, ayokong baka mamaya eh masanay ang bata na nandiyan si Xander."
" naghanap ba ang bata?"
" hindi, kaya nagtataka ako." Sagot niya kay Ted.
Ngimiti si Ted.. " mukhang iba ang nakakamiss kay Xander, hindi ang anak kundi ang ina." Asar nito.
"Excuse me, hindi ko siya namimiss."
Tumango na lang si Ted. Saka nila inubos ang kanilang mga kape at hinatid siya. Nagpapatulong na ito para sa planong kasal ng dalawa.
Kinabukasan sa office ay halos busy siyang nagtatype ng mga dapat niyang ifax ma dokumento para sa mga customers nila.
" miss Bautista, may bisita ka sa entrance." Sabi ng receptionist nila.
" si Ted ba? Papasukin mo." Sagot niya.
" hindi, matandang babae, maybe your mom?"
Napatigil siya, imposibleng ang step mother niya. Pero baka ito kaya tumayo siya para tingnan kung sino. Pagdating niya sa entrance ay nagulat siya. Ang mama ni Xander. Anong pakay nito? Or should she say anong gusto nito? Magdidivorce na sila ni Xander.
" iha, are you busy?, kung pwede sana kitang makausap? Tanong nito.
"Saglit lang ho." Sagot niya saka bumalik sa kanyang mesa, inayos ang iiwang trabaho at kinuha ang kanyang wallet. Kung may sasabihin man ang mama ni Xander ay sa labas nalang sila magusap. Nakiusap siya sa katrabaho para lalabas saglit at pinuntahan ang mama ni Xander na naghihintay sa reception area.
" pwede po tayong magcoffee sa labas." Sabi niya dito.
Ngumiti ito saka sumunod sa kanya. May mga cafe malapit sa workplace niya kaya dinala niya doon ang mama ni Xander. Nagorder siya ng cappucino at cheese cake, nag order naman ang mama ni Xander ng coffee with cream saka isang cupcake.
Habang hinihintay ang kanilang order ay nagtanong siya dito.
" ano po bang sadya niyo?" Diretsong tanong niya.
" iha, I want to say sorry, I mean ang laki ng kasalanan ko sa iyo, sa apo ko, I am really sorry, I was so blind and selfish."
" It's all in the past, nagka ayos na po kami ni Xander at nag usap na po kami ng maayos." Sagot niya.
" but it's not what my son wants, he really loves you."
" ok po ako at ang anak ko, sapat na ang karapatan na ibibigay ko sa kanya parang maging ama sa anak ko." Matigas niyang sabi dito. Nagsisimulang uminit ang ulo niya. She's not a puppet na kung gusto Xander ay papayag na lamang siya.
" Xander had an accident in America, three years ago, he had an amnesia, he can't remember you, he just remembered the time when he was dating Ivy."
Nagulat siya sa sinabi nito, dumating ang waiter para ibigay ang kanilang order, uminom ang mama ni Xander saka nagpatuloy sa pagkwento.
" we used that situation with Ivy, to change the situation, I'm sorry Iha, sana patawarin mo ako, when Xander's memory came back two months ago, he flew right away to see you. He never forgive me, I know that pero sana kahit ikaw man lang. I'm asking for forgiveness." Sabi nito saka napaiyak.
Hindi niya magalaw ang kape niya at cake sa natuklasan, so Xander had an amnesia, kaya pala kahit hirap na hirap siya sa kalagayan niya noon at panay ang pasaring sa kanya ni Clarissa, dahil sa mga nakikita nito sa news na magkasama si Ivy at Xander na nagdadate ay wala pala itong maalala. Hindi niya alam ang gagawin, will she try to talk to Xander? Pero anong sasabihin niya.
" maghihiwalay na po kami."
Umiling iling ang mama ni Xander, " please, give Xander a chance, he loves you so much, kayo ng anak niyo, I heard na pinaayos niya sa family attorney ang annulment paper niyo kaya naglakas loob akong kausapin ka."
" I already signed the papers po at kinuha niya ngayon."
" please, talk to him for the last time, I know you love him, bilang inang nagkamali, alam kung mahirap akong paniwalaan but you are his everything, he hates me so much dahil sa nagawa ko."
Tahimik lamang siyang nakatingin dito, anong sasabihin niya, nasaktan at nahirapan siya sa nangyari and she loves hims so much.
Pinunasan nito ang luha. " just hear him out for the last time, pakinggan mo siya at kung talagang maghihiwalay kayo, I will respect it." Pakiusap nito.
Hindi na siya sumagot pa. She was shocked.
![](https://img.wattpad.com/cover/328037904-288-k181572.jpg)
BINABASA MO ANG
Suddenly We Are Meant To Be
Любовные романыShe's smart, confident and beautiful, she's on top of her career, but a simple silly idea ruined her, she wants to tease her halfsister,she wants her to be jelous but she failed, now she's married, a loveless marriage, he is a ruthless man, authorat...