Chapter 9

31 2 0
                                    

Naganap ang kasal nila sa hotel, pili ang mga bisita. In three weeks ay naiplano nila lahat with the help of a wedding planner. Their wedding was in the rooftop of the hotel. Flowers everywhere, the food the cake, lahat ay perfect. Even Xander, he's so handsome in his black suit. Siya naman ay nakasuot ng lacey mermaid gown, gawa ng famous designer. They pretended well in their wedding, the kiss, the dance and even their vows. So romantic yun ang madalas sabihin ng mga bisita lalo na ang mga friends nila.

Sino ang magaakala na ikakasal sila ni Xander. She can't breathe anymore sa mga nangyayari, sa mga oras na yun si Clarissa ang mas napapaiyak. Kulang na lang ay pigilan ang kasal pero alam nitong wala itong magagawa. Pagkatapos ng reception ay binuhat pa siya ni Xander papunta sa suite nila at bukas ay pupunta sila sa Paris for their honeymoon.

Pagkababa ni Xander sa kanya sa bed ay agad siyang tumayo.

" we need to sleep in different room, I'm sure magagawan mo ng paraan." Sabi niya dito.

" We are married, having sex is a part of it." Sabi nito sa kanya habang angtatanggal ng coat and ties.

" do you think i'm joking? get another room or ako ang aalis." Banta niya dito.

" then do it my wife, you can sleep anywhere you want." Sagot nito saka pumunta sa banyo para maligo.

Naiwan siyang natulala, napahiya sa kanyang pagiisip. It's true hindi naghahabol ng babae si Xander but she doesn't care. Gagawin niya ang lahat para si Xander ang gagawa ng paraan para maghiwalay sila. Hindi magtatagal ay maiinis ito sa kanya.

Umupo siya sa gilid ng kama habang naghihintay, saka na siya maliligo pagkatapos maligo ni Xander. Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Xander, wearing a casual clothes. Black shirt and a jeans. Bihis na bihis ito. Gusto niyang magtanong kung saan ito pupunta pero pinigilan niya ang sarili. Ni hindi nagpaalam si Xander at umalis sa kanilang suite.

She was alone, ni walang isang salita si Xander na umalis sa suite nila. Ayaw niyang mastress kaya nagbabad siya sa bathtub at nakinig ng music para marelax siya. Halos dalawang oras siya sa banyo at hindi pa rin bumabalik si Xander. Madaling araw ng bumalik ito sa kanilang suite. Lasing at agad humiga sa sofa. Alam niyang hirap ito sa pagtulog sa sofa but she doesn't care. Puro galit na rin ang nasa puso niya sa pagpapakasal nila ni Xander. Kinaumagahan ay nagising siya dahil sa sikat ng araw. Hinawi ni Xander ang kurtina kaya tumama ito sa kanya.

" prepare now, let's have breakfast at diretso na tayo sa airport."

Tumayo siya at agad pumunta sa banyo para maligo at mag ayos. Paglabas niya ay may pagkain na kaya umupos siya sa upuan para sabayan si Xander,he looks fresh, hindi mukhang puyat. Pagkatapos nilang kumain ng breakfast ay inayos nila ang kanilang gamit. Ang suot nila sa kasal ay maiiwan. May staff si Xander para kukuha dito. Agad silang tumuloy sa airport. Walang imikan. Madalas may kausap si Xander sa telepono, work related calls. Siya naman ay nakapagpaalam ng maayos sa kanyang trabaho. Isang linggo sila sa Paris.

Mahaba ang byahe pero they act like stranger to each other. Inaalalayan siya ni Xander minsan pero hindi siya kinakausap. Pagdating nila sa Paris ay nagpahinga sila sa hotel. The suite is big. Two beds at kitang kita ang view ng Eiffel Tower. Romantic sana kung masaya sila ni Xander.

" you want to check the tourist spots? We have no choice but to enjoy our fake honeymoon." Tanong ni Xander while looking in the window.

"I can roam around alone and Why paris?" tanong niya.

" I have some business meeting here, ayokong malaman pa nila papa at mama that you trapped me." Sagot nito.

" ok Just go to your meetings, I can take care of myself." Sagot niya dito.

" if that's what you want then take care, don't make a mess."

" excuse me? I Don't make a mess." Sabi niya dito at umalis.
Iniinsulto pa siya, she hates Xander, pakiramdam niya si Xander ang pinakamayabang na tao sa buong mundo dahil sa pagpapakasal nila. It's only his benefit, his name, his assets and his position. She walks alone in the streets of Paris. Pumasok siya sa Louvre. Tiningnan ang mga paintings. She enjoys being alone.

Pagkatapos ay kumain siya ng Crepe, famous food sa Paris. Saka siya pumunta sa arc, Paris is really a romantic place. Kinagabihan saka siya pumunta sa Eiffel tower. Gusto niyang makita ito sa gabi na kumikinang sa ilaw. Nakaupo siya sa isa sa mga bench doon ng biglang may umupo sa tabi niya. Aalis sana siya pero biglang hinawakan siya nito. Pagtingin niya ay si Xander.

" I know you're here, let's have dinner. Nagpareserve ako ng table natin upstairs." Yaya ni Xander.

" you almost killed me, bigla kang sumusulpot!, I already have eaten, ikaw nalang."

" stop being a brat. Why don't we just enjoy our time here."

" I'm not a brat and I'm enjoying by my own."

" let's have dinner then after that hindi na kita kukulitin."

Tumayo siya bilang pagsang ayon. Pagtaas nila sa Eiffel Tower ay nasiyahan siya lalo sa view. They ate calmly, minsan she's taking pictures at ganon din si Xander. The waiter even took a picture of them sa pagaakalang hindi sila makakuha ng maayos na anggulo. They smiled both in their picture. Nagkomento pa itong "lovely couple". Most of the time seryoso si Xander. Pagkatapos nilang magdinner ay ang enjoy muna sila sa pagtingin sa view, kitang kita ang buong city ng paris. Saka sila umuwi.

Suddenly We Are Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon