1: Gusto Kita

49 6 16
                                    

Breathe in. Breathe out.

"Gusto kita, Keon."

Tiningnan ko siya sa mata at iniabot ang letter ko, dahil isang buwan akong nag-ipon ng lakas ng loob para dito. 'Di ko pwedeng sayangin ang pagkakataon.

Nakatingin kami sa isa't-isa at hindi ko maitatangging bagay sa kaniya ang uniform namin.

"Hindi kita gusto."

At least honest siya.

"Okay. Salamat sa oras." Did I make my confession right? It's my first time doing such risky move, but nevermind.

I watched him as he walk away and put his hand to a pocket.

Fashionista.

Habang papunta sa hagdan, ang dami na rin palang nakakita at nakarinig sa'kin. Nilagay ko na lang ang love letter sa bulsa ng palda ko.

Malapit ng mag alas-siete.

"Wow, ang tapang ni Zera."

"Na-reject naman."

"Nakaamin siya, eh ikaw? Duwag."

Hindi ko na pinansin ang mga nagbubulungan tungkol sa'kin. Sino nga naman ang magco-confess sa lobby ng school? Natatawa na lang ako kapag naaalala ang sinabi ko.

'Di bale, he looked handsome while rejecting me. Okay lang. 'Di naman masakit.

"Si Zera? Nag-confess kay Keon? 'Di ba E1 'yon tapos E5 siya?"

"Top one overall sa ranking natin si Keon ah? Bakit naman siya tatanggap ng taga-E5?"

Natawa ako sa pinag-uusapan ng dalawa sa harapan ko habang paakyat.

"Hindi ako tumatanggap ng opiniyon ng taga-E10." Sabi ko ng hindi lumilingon.

Pamilyar 'yong boses nila sa'kin at hindi ako nakakalimot ng mukha. Katanggap-tanggap naman ako, hindi lang talaga ako gusto no'n.

Bawi sa next life.

"Narinig tayo."

"Ikaw kasi."

Sinubukan kong hindi isipin 'yong ginawa ko kanina, ngunit palpak. Lahat sila nag-uusap, bulong, o tumatawa sa tuwing nakakasalubong nila ako. Hindi ko na rin naman sila mapipigilan sa pagkuwento nito sa iba.

Masaya ang mabuhay. Masaya ang mabuhay.

"Zera, alam mo na ba—"

"Grace, tama na. Oo na, ako 'yong nag-confess sa lobby." Sagot ko ng hindi siya pinatatapos at tumungo sa desk ko.

"Ano namang pakialam ko kung nag-confess ka ro'n kay Keon? Mas importante 'tong bas cal natin. Alam mo na ba'ng group mo?" Natatawang tanong niya na nagpamulat sa'kin.

"Ay, hala! Hindi pa!"

"Aga-aga inuna landi."

"Wow ha, sabi ng may ka-LDR."

Hinanap ko ang president namin sa basic calculus dahil sa kaniya lang naman 'yon ibibigay ni sir Kenneth.

Please, 'wag ka munang pumasok sa faculty!

"Yo, na sa'yo raw list sa bas cal. Pwedeng tingnan kung anong group ko?" Buti na lang hawak pa niya ang papel.

"Here."

"Zera Millarte, group 1!?" Napatingin sa'kin ang mga estudyanteng naglalakad pati na ang teacher na palabas ng faculty.

"Sorry po."

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now