11 (2): Double Trouble

15 3 0
                                    

LOVE WINS: Zera Millarte and Keon Lasistona Dominates The First Day of Mixed Doubles Badminton Tournament

The assumed couple gained victory thrice yesterday on the first day of the annual city meet. All their hard work and efforts surely paid off as they bring pride and joy to the school's name. They must have not won only by having confidence and trust to themselves, but also with love for each other.

Krizty, ano na naman 'to? Siguro tuwang-tuwa ka sa'kin dahil kung wala ako wala kang ginagawang trabaho! Ako na naman eh! I appreciate the way you want to congratulate me pero bakit naman kasi may kasamang pakikiusyoso?

Ang ganda ko at ang gwapo ni Keon sa picture.

Naka-receiving stance kami parehas dahil service siya ng first school na nakalaban namin. Naka-A3 ulit siyang poster sa bulletin board at mga one-page booklet na crosswise ang laki. Back to back ang print ngayon?

Blank lang dati, ah?

"Excuse me po. May ididikit lang." Tiningnan ko ang ID ng lumapit sa board at may pin 'yon ng editorial team.

Alagad ni Krizty.

Umiling ako sa naisip at kaagad na nagulat sa nakitang nakadikit. Malaking breaking news sticker at picture namin ni Ian sa canteen kanina!

ZERA MILLARTE, NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG?

Natagpuang kumakain ng agahan si Zera habang kasama si Ian Hidalgo, ang pangulo ng kanilang klase sa kantina ng eskuwelahan. Maraming nagtataka kung sino nga ba ang totoong ninanais ng puso niya gayong umamin siya ng pagkagusto kay Keon Lasistona, dalawa't kalahating buwan na ang nakakaraan.

Wow. I totally bring out some talent to the editorial team. Kumuha ako ng babasahin as souvenir dahil one side ay english at ang kabila ay tagalog.

Para kaming mag-jowa ni Ian sa shot na 'to, ah? Ang ganda namin tingnan.

"Dalawang article na po ang meron sa iisang papel! Kung ikakalat niyo lang po, 'wag na kayong kumuha!" Paalala ng editorial team member.

Aakyat sana ako ng hagdan pero nakita kong nagbabasa si Ian at Keon ng balita pababa ng hagdan. Agad akong tumalikod at nakihalo sa mga papuntang canteen dahil recess namin.

"Grabe na 'to, naiinggit na ako diyan kay Zera. Nakaka-duo na nga si Keon, nakakasabay pa kumain ang crush ko!"

"May mga suwerteng tao lang talaga sa mundo, girl. Anyway, sino mas bet mo? Si Ian o si Keon?"

"Girl, tinatanong pa ba 'yan? Siyempre team Ian ako."

"Ay, weh? Kay Keon ako."

"Ikaw, teh? Sinong bet mo?" Nagulat ako sa paglitaw ni Grace sa tabi ko.

"Parehas po. Eme lang." Maharot na sagot ko at nagtakip ng bibig. "Hindi na ako natutuwa sa peer pressure na 'to."

Umupo kami sa nahanap naming bakanteng upuan.

"Grace, ayoko na nito. Legit." Panimulang emote ko. "Simple lang pamumuhay ko dati ngayon kinakabahan na ako mamaya may camera ulit tapos pagdikit sa bulletin board, kabit na kita."

Bigla siyang humalakhak kaya natawa na rin ako. "Alam mo ba, maraming nag-aasam ng ganitong popularity, 'no. Overnight princess, sino ka diyan sofia the first?"

"Nami-miss ko lang na hindi ako napag-uusapan. Gusto kong bumalik 'yong may privacy ako sa ganitong mga bagay."

"Bakit hindi mo kausapin si Krizty Fermin?"

Parang nagningning ang mata ko sa sinabi niya. I really need to do that. Hindi 'to matitigil hangga't hindi kami nagkakaharap. Dati naman, kahit anong gawin ko, wala silang pakialam. Ngayon, kumain lang ako kasama si Ian, namamangka na sa dalawang ilog?

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now