2: HEADLINE

25 6 8
                                    

BREAKING GENDER NORMS: STEM-E5 STUDENT PROFESSED HER LOVE IN THE SCHOOL LOBBY

Joke ba 'to?

Hindi ko napigilan ang matawa sa nakita ko. I made it through the campus' bulletin board. May 'breaking news' sticker pa sa gilid.

"Sinong author?" Tanong ko sa mga nasa table dahil may copies sila ng this week's newspaper.

Front page pa talaga ako. Sikat yarn?

"Si Krizty Fermin po from E1 ang author."

She must have heard it directly from him.

"A student from E5 breaks gender norm by bravely confessing to the campus' topnotcher, Keon Lasistona, yesterday. With the quarter almost ending, a new love story might blossom." Binasa ko ang nilalaman ng papel. Bakit hindi yata siya informed na na-reject ako?

Sadly, she was turned down by Mr. Lasistona because he plans to focus on his studies and doesn't want any disturbance for the school year. A lot of preparations are being done by him with the thought of entering medical school.

"Aba! Mukha ba akong disturbance sa'yo!? Sino ka ba!?" Nalukot ang papel sa higpit ng pagkakahawak ko at napatigil sa paglalakad paakyat sa hagdan. I am offended!

"It's not like ikaw lang ang may planong magpatuloy sa college 'no! Nakakainis!"

But we never know what may happen.

"Doesn't want any disturbance, ano 'yon!?" I stomped my feet in annoyance. Ako? Panggulo? Hello? And that closing line was such a cliff hanger! Pwede ba'ng ganito sa editorial team? Pinayagan 'to ng editor in chief?

"We never know what may happen. Sinasabi nito?" Napahinto ako sa pagrereklamo ng maalalang nasa hagdan pa pala ako. Ang dami na namang nakatingin sa'kin.

I saw a familiar person leaning his back against the railing on the second floor.

Shet. Apat na hakbang lang nasa taas na ako. Narinig ako no'n! Shet!

Umiling-iling ako at umakyat na lang 'di ko talaga siya dapat pansinin. Inis na ipinasok ko ang babasahin sa bulsa. Basher niya na ako simula ngayon.

Luh, na-reject lang, ganiyan na ugali.

Siyempre joke lang. Choice niya naman na hindi ako tanggapin edi dapat respetuhin ko rin desisyon niya. Inilabas ko ang panyo ko para takpan ang mukha.

I'm just passing by. 'Wag lilingon.

"That rant was quite a handful." Keon just said that to me, right? Hindi ko siya pinansin at pumunta na sa room namin dahil may flag cerrmony pa.

"Nakakainis!" Ibinagsak ko ang bag sa upuan. Kinapa ko ang bulsa upang basahin ulit ang article ukol sa'min.

Nawawala 'yong love letter ko!

"Shet! 'Di ko napansin!" Nakakahiya kapag may nakabasa no'n! Dali-dali akong tumakbo palabas ng room habang nakatingin sa sahig. Maluluha na ako sa kaiisip kung nasaan na ba 'yon.

Wala rin sa hagdan! Nakatakip lang ang isang kamay ko sa bibig dahil sa kaba.

"'Pag pasok ko tumingin ako sa bulletin board kasi maraming tao, kumuha ako ng papel, umakyat, huminto, nag-rant— hindi ko maalala!" Natataranta na ako! "Umakyat ako, huminto, nag-rant... umakyat ulit ako tapos may sinabi si Keon."

Ano bang nakalagay sa bulsa ko!? Wallet, love letter ng kahapon, panyo, ballpen, tapos 'tong babasahin.

Panyo...

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now