13: Break Time Mash-up

8 2 0
                                    

"Good morning! Owemji! Tapos na ako sa lahat! YES!" Agad na sabi ko ng makita si Grace at kumapit sa braso niya.

"Wow, naman! May pa-lipstick si mayora. 'Yan ang good morning!" Nakangiting sabi niya.

"Thanks. Alam mo naman, na-reject ako months before kaya beke nemen time na for transformation."

"Keon, nagpaganda raw si Zera para sa'yo." Natatawang sabi ni Grace kaya naman maigi kong sinuri ang paligid at wala naman ang sinasabihan niya.

"Ano ba! Parang 'di ka kaibigan eh." Natatarantang sabi ko.

"Huy? 'Di mo sabihin 'yan sa ka-ibigan mo? Char lang." Tinaasan namin ng kilay ang isa't-isa at sabay na tumawa pagkatapos.

"Exam na natin in two days. Tapos umagang-umaga basic calculus agad. So much for finals!" Reklamo ko habang papunta kami ng canteen.

"Kinakabahan ako. Buti na lang pumayag si sir na gumamit tayo ng index card na may formulas. Kung wala 'yon? Nako. Pabili po."

"Eh, ba't hindi papayag si sir? Lahat ng equations mukhang lalabas na naman sa exam. Lalo na derivative ng trigonometric functions tsaka differential eq." Sabi ko at kumagat sa turon.

"Sabagay. Dami ko ng isipin, sumabay pa sila."

Kumain kami at nagkuwentuhan habang recess pa at nakasagap kami na walang teacher for next class kaya nauna si Grace para asikasuhin ang group work nila sa 21st Lit.

Nag-freshen up muna ako by wiping my face with tissue and then re-applying my waterproof, long lasting, matte liquid lipstick.

At dahil mag-isa naman ako, bakit 'di ko subukan mag-library? Tutal, naging best borrower of books ako no'ng grade 9... bakit hindi ko gamitin ang talent ko sa pagbabasa?

"Okay! Calculus time!" Kumuha ako ng tatlong libro sa majors ko na basic calculus, statistics, at general chemistry.

Sinubukan kong mag-solve ng differential equations pero parang 'di ko yata kaya. Lumipat ako ng stat, naduling lang ako sa z-table at t-value. Pagkabukas ko naman ng chem, parang naghihingalo ako sa formula at structures ng chemicals.

"Joke. Sleep time pala siya."

Ilang minuto na akong nakatungo sa lamesa, nakarinig ako ng malakas na kalampag na aking ikinagulat.

"Hindi ito tulugan."

"Keon? Good morning. Bakit ka nandito?" Tanong ko at inayos ang buhok.

Bagay talaga sa kaniya ang salamin!

"Para magluto, Zera. Good morning." Inirapan ko siya at binato ng nilukot na sticky note.

"Umalis ka nga rito. Lumipat ka na."

"Can't. Puno na."

Tiningnan ko ang paligid at puno na nga ang library at parang quiz bee elimination round ang pwestuhan namin. Magkatapat kami ni Keon sa parisukat na lamesa.

"Review tips: magbasa tuwing break time." Umarko ang kilay ko dahil binasa niya ang binato ko. "Magbasa tuwing break time? Balak mo ngang matulog."

Huli, pero 'di kulong.

"Ay, sorry naman, sir Keon. Kung 'di ka nanggulat, sana tulog na ako. 'Wag kang magulo." Sinamaan ko siya ng tingin at yumuko.

Umuga ang lamesa dahil bigla siyang nagbura sa papel niya pero binalewala ko na lang. Sobrang uga na ng lamesa na parang lumilindol kaya tuluyan ng bumusangot ang mukha ko.

"Itigil mo nga, Keon!" Malakas na bulong ko at pinisil ang kamay niyang may hawak na friciton pen.

"Maghanap ka ng ibang table na guguluhin mo, 'no. 'Kala mo dahil crush kita, papayag akong tumabi ka rito?"

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now