2 (2): STEMS and Matches

34 6 6
                                    

I'd like you to welcome E1.

"EH!?" Hindi ko mapigilan ang gulat at sigaw ko.

"Bakit Ms. Millarte, may problema ba?"

"Wala po. Akala ko po kasi E3 ang kasabay namin."

Hala, owemji, wtf.

Hinanap ko si Grace at sinamaan ng tingin. Kinindatan lang ako ni accla. Sa lahat ng section, E1 pa talaga. Kinakalimutan ko na ngang nag-confess ako.

"Good morning to all. Before we properly begin our activity today, kindly greet their P.E. instructor, sir Mark."

Binati naman namin ang teacher nila at gano'n din sila kay ma'am Sabando.

"Combining the two sections, meron tayong twenty reprrsentatives. Magsitayo kayo." Hindi ako lumilingon sa kabilang panig. Nakakahiya.

"Singles muna. Draw lots tayo kung shots or strokes. Group one reps, nasaan kayo?"

Nagtaas ako ng kamay.

"Alright, dito kayo sa harap. Reminder, first to seven points lang 'to dahil marami kayo."

EH!? SIYA NA NAMAN!!!???

Napa-face palm ako sa desisyon ng tadhana. Binitbit ko ang raketa ko papunta sa harap. Pinabunot na kami ng papel.

Kinakabahan ako.

"Shot." Sabi ko at ipinakita sa teachers ang nakuha.

"Stroke." Hindi ko tinitingnan ang magiging kalaro ko. Hinagisan ako ni ma'am ng shuttlecock.

"Good luck." Bulong ni Keon at nilagpasan ako para pumunta sa kabilang side.

"Shake hands." Nagdulot ng kantiyaw at sigaw ang sinabi ni sir sa'min.

Inilahad niya naman ang kamay niya at tinanggap ko 'yon.

"Game! First to seven, service by Zera." Pumito ang teacher ko.

Kaya mo 'yan, Zera.

Pumikit ako at nag-serve na. Bumalik bigla ang shuttlecock sa panig ko pero hindi agad ako naka-react sa kaba.

1-0

Kainis. Pinanood ko ang shuttle na papalapit sa'kin at hinampas 'yon sa kabilang side upang hindi niya mapalo.

Mabilis ka pala.

Nang makabalik iyon sa'kin hininaan ko ang palo dahil nasa may likuran siya. Mukhang nag-expect ng smash.

"Drop shot. One all." Yay! I need to enjoy this game.

I made my service and immediately followed by his hits that are fast and compacted. He is purposely hitting it to my opposite side para paghabulin ako. Does he think I can't do the same?

Nakatingala ako dahil ang layo pa ng shuttle, tumalon ako at saka hinampas 'yon pababa.

"Smashed." Napangiti ako sa komento ng teachers na nanonood.

1-2

"Sorry." Ipinakita ko ang kamay ko kay Keon dahil tumama sa dulo ng net ang shuttle kaya sa side ko bumagsak. Tumango lang siya. Lumapit naman ako upang ibigay sa kaniya 'yon.

2-2

Habang naglalakad ako pabalik, bigla siyang nag-serve.

Gago ka ba?

Dali-dali akong pumwesto at malakas na pumalo pabalik na may kasamang gigil. Siya naman ang naghina ng shot para mahirap paluin dahil malapit sa net.

Overhand, Zera.

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now