6 (2): What Matters Most

29 3 1
                                    

"Sorry, I'm late."

Ibinaba ko ang bag sa may entrance ng outside court. Galing akong remedial class at nabigyan ako ng compliment ni sir. I figured na mahina ako kapag iba 'yong defiition sa exam kaysa sa ni-review ko kaya pati glossary binabasa ko na rin.

Kapag naka-fifty points kami within three days, tapos matataas ang scores sa ni-retake na activities, magkaka-grade na kami sa card.

I have thirty-eight points.

"Zera!" Tumakbo palapit sa'kin si Yel at napayakap. Tinawag din ako ni ma'am upang kumustahin.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tumango ako.

I feel the warmth and comfort again.

"Sorry po, kung masyado akong naging negative." Mahigpit kong hinawakan ang raketa ko habang nakatingin kay ma'am.

"Akala mo ba hindi ka namin hahanapin?" Kinurot niya ang tagiliran ko. Kumamot ako sa hindi makati.

"Baka po na-disappoint kayo sa'kin dahil may bagsak ako."

Pakiramdam ko maiiyak ulit ako.

"Zera, you already did me a favor by accepting my offer." She was rubbing my shoulder to comfort me. Lumapit naman sa'min si coach Fiel.

"Hindi pa tapos ang task mo. May isang araw ka pa." Ginulo niya ang buhok ko. Third training namin 'to pero pangalawa ko palang dahil hindi ako pumunta kahapon.

"Tatapusin ko po."

"Akala ko magba-back out ka." Umiling ako at inayos ang buhok na ginulo ni coach. Nagpaalam ako sa dalawang mentors ko para sana makausap si Keon pero naglalaro sila ni Tia.

Mamaya ko na lang kakausapin.

Parang naka-engrave ang sinabi iya kahapon sa'kin. That was the nicest thing I ever heard about me.

"May rematch tayo." Inabutan ako ni Yel ng tubig at nginitian.

"Ngayon na agad?"

"Hintayin natin silang matapos."

Hinila niya ako upang maupo at may ibinulong sa'kin.

"Eh!? Weh!?"

"Kaya nami-miss namin ingay mo eh." Tatawa-tawang sabi niya dahil ang sinabi ay sinubukan nilang i-partner si Keon sa ibang babaeng players para sa mixed doubles training kahapon pero hindi raw siya masanay.

Kung assumera pa rin ako, iisipin kong may crush din sa'kin 'yan.

Pero dahil change person na 'ko, hindi na. Tinawanan ko siya.

"Akala kasi namin hindi ka na babalik kaya pinares siya sa iba."

"Ay, bawal po 'yon. Ang akin ay akin lamang." Nagtawanan kami pagkatapos ko 'yong sundan ng charot. Well, nagka-quality time naman kami kahapon after niya mag-training.

He looks good in a black dry fit shirt.

Tiningnan ko ang scores na nakuha ko sa retest at natuwa sa result. 21 over 30. Kaunti pa. 15 lang kasi una kong nakuha eh. Sinara ko ang bag upang ayusin ang sarili.

"I think siya talaga ang may pinakanaka-miss sa'yo kahit isang session ka lang um-absent." Kwento ni Yel.

"Absent lang pala sa training ang kailangan para ma-miss niyan. Siya, 'di na 'ko a-attend."

"Hindi namin tino-tolerate ang tamad na athletes dito." Napatayo kami parehas sa comment ni coach na galing sa gilid namin kung nasaan ang water dispenser.

UnpremeditatedWhere stories live. Discover now