Chapter 7

1.4K 49 0
                                    


TIAN MARTELL

TAHIMIK akong naglalakad dito sa quadrangle o tinatawag nilang event center, pauwi na rin ako ngayon dahil kakatapos lang ng klase namin. Wala pa akong mga kaibigan at hindi naman ako 'yong tipo ng tao na mahilig makipag-socialize, kaya syempre diretso agad sa bahay.

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigawan ng mga students na nandito sa event center, karamihan sa mga ito ay mga babae. Kung titignan ay para silang mga fans na nakasalubong ang kanilang idol.

Hindi ko makita kung sino ang pinagkagulohan nila dahil ang dami nilang nagpapa-picture kaya natatakpan ang taong ito. Pero 'di bali na, wala naman akong paki sa kanila, ang mahalaga makauwi na ako.

Nakita kong pakunti na sila nang pakunti, siguro dahil tapos na sila makipag-selfie sa tao na 'yon kaya nagsi-uwian na sila. Kaya wala na masyadong tao at makakadaan na ako ng maayos.


Nagpatuloy ako paglalakad at biglang nag ring ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha sa bulsa, nang makita kong si Mama ito ay kaagad kong sinagot. Masaya kong ibinalita kay Mama ang pagkapanalo ko sa essay contest na sinalihan ko, may ngiti sa labi ko habang tinitignan ang hawak na trophy.

Dahil nakayuko ang ulo ko at nasa trophy ang tingin ko habang kausap sa cellphone si Mama ay hindi ko na natignan ang dinadaanan ko, bagay na nagpahinto sa 'kin nang bigla ako makabangga ng tao sa harapan ko.

Naging kabado ako dahil kasalanan ko ang nangyari at baka kung ano pang gagawin sa 'kin ng taong nabangga ko.

Napaatras ako para makita kung sino ang taong nabangga ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan nang isang babae pala ang nabangga ko. Kung titignan ang mukha niya ay halatang inis na inis siya, salubong ang mga kilay niya habang naka-crossed arms.


Pandak siya kaya nagmumukha siyang minions na galit. Pero kailangan ko humingi ng tawad dahil kasalanan ko palang nabangga siya. Pinatay ko muna ang tawag dahil ayaw kong marinig ni Mama ang pag-uusap namin, baka ano pang iisipin niya ayaw ko siya mag-alala.

Nagyuko ako ng ulo. "S-Sorry po Miss, hindi ko sinadyang mabangga ka..." paghingi ko ng tawad sa babae.

"Hey low creature! Tignan mo ako, huwag kang bastos!" Tinaasan niya ako agad ng boses.

Kahit kabadong-kabado ay dahan-dahan pa rin ako nag-angat ng tingin at napalunok ako nang makita ang nangangalit niyang mukha. "S-Sorry ulit Miss, pa-pangako, titingin na talaga ako sa daan, hindi na mauulit..." halos pinagpapawisan ako sa harapan niya.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh my gosh, hindi mo ba ako kilala? Sa susunod kilalanin mo ang binangga mo. Ako lang naman si Natasha Amante, the one and only Reyna Dyosa of Heartful Academy." Ang talim ng tingin niya sa 'kin mula ulo hanggang paa.

Naku ano ba naman ito, sa dami ng pwede ko mabangga bakit siya pa? Kahit wala ako masyadong alam sa kanya ay lagi ko naman naririnig ang pangalan niya dito sa school. Kahit ang mga classmates ko ay lagi siyang pinag-uusapan, hinahanggan siya nila dahil sa pagiging confident niya.


Mas lalo nga akong natakot, halos manginig na ang katawan ko dahil siya pala si Natasha Amante. Napapikit ako ng mata nang dahan-dahan niya ngayon hinawakan ang suot kong reading glasses.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now