TIAN MARTELL
GABI na at kakatapos lang ng aming taping, kaya nandito ako ngayon sa malawak na parking lot at kasama ko si Rifah. Napakarami ko na nakwento sa kanya tungkol sa buhay ko at sa pagiging artista. Nakikinig naman siya ng mabuti at parang interested talaga siya sa mga sinasabi ko. Pero sana interested din siya sa 'kin.
Naagaw ang attention namin nang biglang magbukas ang window ng kotse na nasa gilid ko, nilingon namin ito at nakita namin ang seryosong mukha ni Haku na kanina pa nasa loob naghihintay. "Pumasok ka na, aalis na tayo. May gagawin pa tayo sa bahay." Nakatingin siya sa 'kin habang sinasabi 'yon.
Okay lang sana sa 'kin 'yong sinabi niya pero pagkakita kong nagulat si Rifah na napatakip pa sa bibig ay alam kong sinadya na naman ito ni Haku para mang-asar, kaya nilingon ko siyang nagbakas ang inis sa mukha ko. "Hoy, ayos-ayosin mo nga 'yang pinagsasabi mo...mag pa-practice lang tayo sa bahay, 'yon lang!" Nasisigawan ko na siya.
Kalmado pa rin siya tignan. "Practice nga, 'yon nga ibig ko sabihin. Bakit, ano bang nasa isip mo?" Bigla siyang napangiti. "Wait, mukhang maganda 'yang nasip mo...gawin kaya natin..." nakangiting sabi niya na parang nang-aasar.
Nainis na ako dahil pinapahiya na niya ako sa harapan ni Rifah, kaya nakakuyom ngayon ang mga kamao ko at gustong-gusto ko na siya suntokin pero hinahawakan ako ni Rifah para hindi ako makalapit. "Hoy diputa, hindi porket mas sikat ka eh gaganyanin mo na ako! Tandaan mo, nasuntok na kita dati at pwedeng-pwede ko gawin ulit 'yon sa 'yo! Gigil mo ako, busit kaaa!!"
Habang nakikipag-away ako sa kanya ay inaawat naman ako ni Rifah dahil kunti nalang papasok na ang kamao ko sa loob ng bintana para masuntok si Haku. Hindi ko alam kung may problema ba sa pag-iisip ang lalaking ito dahil nakakalito siya, minsan mabait, minsan bwesit!
Pero sa kabila ng pakipag-bardagulan ko kay Haku ay ngumi-ngiti lang siya sa 'kin na parang tuwang-tuwa pa makita akong bwesit sa kanya. "Tama na 'yang kaka-drama mo, nagsayang ka lang ng oras kaya pumasok ka na dito. Hindi ba gusto mo i-practice sa guitar ang mga kanta ng Coastline? Bilisan mo na dyan bago pa magbago ang isip ko." Kalmadong sabi niya sa 'kin.
Diputangina...mukhang alam niya talaga paano kunin ang loob ko. Sa simpleng pagsabi lang niya ng Coastline ay unti-unti akong kumakalma. Napabuntong hininga nalang ako at pinipilit kong alisin ang galit dahil makakasama ko pa ngayong gabi si Haku, baka kung anong magawa ko sa kanya mamaya paggalit pa rin ako.
Nilingon ko si Rifah na nakahawak pa rin sa likod ko. "Rifah, gusto ko pa sana makasama ka, pero kailangan ko na talagang umalis dahil may practice pa ako..." paliwanag ko sa kanya.
Nakangiti siya ngayon. "Okay lang walang problema sa akin 'yon...magkikita pa naman tayo bukas, kaya sige na pumasok ka na, kanina ka pa hinihintay ni Haku..." sagot niya kaya napangiti din ako dahil ramdam kong napaka-bait talaga niya.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at dahan-dahan na umupo sa front seat kung saan katabi ko si Haku na siyang magmamaniho. Nakatingin lang ako sa labas ng window kung saan nakatayo si Rifah at nakangiti pang kumakaway sa 'kin, sa kanya lang ako nakatingin hindi ko kayang tignan si Haku dahil maiinis lang ako.
"Tian, galingan mo..." sabi sa 'kin ni Rifah at naging abot tenga ang ngiti ko. "Oo para sa 'yo 'to...dahil gustong-gusto—" napigilan ang nais ko sanang magtapat kay Rifah dahil biglang nagsara ang bintana ng kotse.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1
RomantizmTian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despite the condition he become one of the biggest actor in the country. His career began to fall when fans discover how scandalous he is. He cons...