Chapter 22

895 39 0
                                    


HAKU MONTERIVER

PAGKARATING ko sa quadrangle ay nakita ko nga si Tian kasama ng ibang cast at crew sa movie nila. Nagbabasa siya ng script at napansin ko rin na nakasuot na siya ng senior high uniform na talagang bagay na bagay sa kanya.

Nakita kong lumipat siya ng pwesto na malayo sa mga kasamahan niya kaya saktong-sakto ito para lumapit ako at magkausap kaming dalawa. Pagkalapit ko sa kanya ay naglakas loob akong bumati. "H-Hi..." nahiya ako dahil nalate ako sa usapan namin.

Nag-angat siya ng tingin at nakatingin lang sa akin ang mga mata niya, napaka seryoso niya kaya alam kong naiinis siya. Hindi ko na hinintay na sigawan niya ako, agad ako nagpaliwanag. "Pasenya na, late ako...sobrang traffic lang talaga pag ganitong oras, sorry..." pagpaliwanag ko at napakamot pa ako sa ulo.

Nakatitig pa rin siya sa 'kin at bumuntong hininga. Ilang sandali pa ay bigla siyang natawa. "Natatawa ako sa 'yo, ang cute mo pala humingi ng sorry...pero para sa kaalaman mo, kakarating ko lang din..." dahil sa pagtawa niya ay nawala ang kaba ko.

Napangiti ako nang masabihan niya akong cute, hindi pala cringe pakinggan pag siya na nagsabi nito sa 'kin. At napaka cute niya rin tumawa ng may ngiti, lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. "Tara, sa Enchanted Park tayo mag practice." Sabi ko sa kanya.

Umiling siya. "Huwag na dito nalang tayo, ilang oras nalang daw kasi magsisimula na kami. At tsaka maganda na dito tayo para hindi mo ako mapagalitan dahil maraming tao. Baka kasi strict ka rin magturo." Sagot niya.

"Hindi ko gagawin 'yan. I'd promise to be the best coach for you. Magiging magaling ka at magugustohan mo rin mag gitara." Nakangiting sabi ko sa kanya.


Kumuha ako ng bakanting upuan at tumabi ako sa kanya habang hawak-hawak na namin ang aming mga gitara. "May tanong lang ako. Paano ka tinuturoan ni Sky?" Tanong ko. "Nagbibigay siya agad ng kanta na may basic chords at gawin ko daw..." napakamot siya sa ulo.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano?! Kaya ka pala nahihirapan eh...beginner ka pa kaya hindi ka pa dapat bigyan ng kanta na pag praktisan. Dapat alam mo muna ang pasikot-sikot ng gitara, dapat may alam ka sa music theory like pitch, harmony, rythm and more. Also the notes, how to strum the string and of course the chords. Kung gusto mo kasi maging magaling sa bagay hindi dapat hindi 'yan minamadali. Step by step mong alamin ang lahat bago tumugtog ng gitara. Tulad ng ginawa ko, para kapag nandyan ka na hindi ka malilito sa gagawin." Tugon ko sa kanya.

Nakabusangot siya ngayon. "O bakit parang kasalanan ko pa? Chill ka lang dyan, okay? Now, pwede mo na ba akong turoan?" Tanong niya at handa na talaga siya habang hawak-hawak ang gitara niya.

Bumuntong hininga muna ako at kumalma, nainis lang ako sa ginawa ni Sky. "Ipaparinig ko sa 'yo ang tunog ng bawat 6 na string notes. Ang E, A, D, G, B, E, at gusto ko i-memorize mo talaga sa isip ang tuno at pagkakaiba nila." Wika ko.

Sinimulan ko na ini-strum isa-isa ang mga string notes at inuulit ko sila bago lumipat sa isa para masigurong ma-memorize niya ang tuno. Inilalapit pa niya ang kanyang tenga sa gitara ko at tumatango pa siya na parang nagegets na niya.

Tumigil na ako sa pag strum ng notes. "Ngayong narinig mo na ang sounds nila, punta tayo sa chords. Let's do first sa 5 basic chords. Ang C, A, G, E, D, and they are all major chords." Pagkatapos kong sabihin ito ay pinakita ko na sa kanya ang hand position sa bawat 5 basic chords.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now