Chapter 23

800 33 0
                                    


ART EVEREST

DAHAN-DAHAN ko inimulat ang mga mata ko at parang walang pumapasok sa isip ko, wala akong maalala na kahit ano. Dahan-dahan kong iginalaw ang katawan ko at dahan-dahan akong bumabangon kahit nakaramdam pa ako ng panghihina.

Napanganga nalang ako nang mapagtantong nasa loob pala ako ng kwarto ko. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito at nagulat nalang ako nang may basang towel pala sa noo ko. Ngayon ko lang napagtanto na may lagnat pala ako dahil may kunting init pa mula sa noo at leeg ko at ang sama pa ng pakiramdam ko.

Nakarinig ako ng tatlong beses na katok mula sa pintoan pero hindi ako sumagot. Nang magbukas ito ay nakita kong si Lola pala ito. "Oh apo, gising ka na pala...? Kumusta pakiramdam mo?" Pag-aalalang tanong niya pero hindi ko magawang sumagot dahil hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyari.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. "Mabuti nalang hindi ka niya iniwan..." nakaturo ang labi niya sa bandang gilid ko.


Sa labis na pagtataka ay lumingon ako sa gilid ng kama ko at ikinagulat ko nang makitang nandito pala si Sky natutulog habang nakaupo sa maliit na upuan. Ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat.

Naalala ko na ang mga nangyari nong gabing magkasama kami. Naaawa ako sa sarili ko dahil bawat gising ko nalang laging nag-aabang ang sakit, sana nalang pala hindi na ako nagising.

Pero mas naaawa ako para kay Sky. Nakakaramdam ako ng lungkot habang nakatingin sa mukha niyang nakadapo sa kama at mahimbing ang tulog. Nasasaktan ako dahil sa katotohanan nadadamay na siya sa problema ko. Siya na paulit-ulit kong tinataboy, pero nanatili pa rin sa tabi ko.

"Grabe ang pag-aalagang ginawa niya sa 'yo, hindi 'yon matutumbasan ng mga taong nakapaligid sa 'yo ngayon. Mula gabi hanggang sa mag-umaga, nanatiling dilat ang mga mata niya mabantayan ka lang. Ayaw niyang matulog hanggat hindi masiguradong bumaba ang lagnat mo. Siya ang nagbihis sa 'yo, at makailang-ulit niya pinupunasan ng maaligamgam na tubig ang iyong noo. Hindi siya umalis sa tabi mo, talagang napakaalaga niya sa 'yo." Tugon sa akin ni Lola.


May mga luha ang nagbabadya sa mga mata ko habang nakatingin ako kay Sky. Biglang tumabi sa 'kin si Lola. "Apo, ano palang nangyari? Alam mo bang nataranta kami nong inuwi ka niya ditong wala ng malay..." ramdam ko ang pag-aalala ni Lola.

Pinigilan kong pumatak ang mga luha ko at umiwas ako ng tingin. "Ayaw ko po muna ng maraming salita ngayon, gusto ko muna magpahinga. Sana po maintindihan niyo ako." Naging mababa ang tuno ng boses ko at tumango naman si Lola. " S-Sige apo, naintindihan ko." Dahan-dahan na siyang lumakad ngayon palabas ng kwarto.

Habang nililingon ko ang paligid ng aking kwarto ay tuloyan ngang pumatak ang mga luha kong kanina pa nagbabadya, bumabalik na naman ang lahat ng sakit. "Sana nalang pala hindi na ako nagising, wala na sanang sakit ang maramdaman ko ngayon..." napahawak ako sa ulo ko habang umiiyak, napanghihinaan na ako ng loob.

Habang umiiyak ay napansin ko ang dahan-dahan na paggalaw ni Sky mula sa gilid ko. "Art, gising ka na pala—" natigilan siya. "Art, umiiyak ka na naman...pakiusap huwag ka ng umiyak, dahil nasasaktan ako tuwing nakikita kang nagkaganyan..." halata ang lungkot sa mukha at tuno ng boses niya.


Agad ko siyang nilingon. "Eh anong gusto mo, ikakatuwa ko ang sakit na 'to?! Pasensya na ha! Pasensya na kung hindi ako kasing lakas niyo, pasensya na kung umiiyak ako, pasensya na kung napaka-sensative ko, pasensya na kung hindi niyo na nakikita ang dating ako na masaya...dahil sa tuwing masaya ako lagi nalang may sakit na kasunod, sakit na paulit-ulit nalang bumabalik at parang ayaw na matapos..." humahagolhol ako, tila ayaw ng tumigil sa pagpatak ang mga luha ko.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now