Chapter 17

1K 35 0
                                    

ART EVEREST

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ART EVEREST

HABANG naglalakad sa loob ng campus ay straight lang ang tingin ko sa daan kahit may naririnig pa akong students na pinag-uusapan ako. Wala akong paki sa kanila. Akala siguro nila nadadala ako sa mga pakipot nilang ginagawa. Naiinis ako sa mga oa, feeling, dramatic at maarte na tao.

Seryoso lang akong naglalakad at sa sobrang bilis ng lakad ko ay narating ko na ngayon ang Arts & Design Building 1. Isa ang Arts & Design sa maraming buildings, meron itong 10 buildings at halos magkalapit lang sa isa't isa na parang mga bahay na nasa iisang nayon lang.

Ang mga buildings na ito ay exclusive for Senior High Arts & Design students sa Heartful Academy. Kaya hindi na kapagtaka-taka na lahat ng classroom dito ay artistic tignan mula sa labas hanggang sa loob. Halos makukulay ang mga buildings ng Arts & Design dahil sa mga paintings and designs na gawa mismo ng mga students dito, kasali na ako do'n.

Tinatawag na mga artists ang mga students dito, magagaling at merong iba't ibang talents. May mga magagaling sa multimedia arts kaya kadalasan sa task nila ay paggawa ng mga ads and animation. Nandito din ang mga students na gusto pa mag improve sa fine arts, filming, editing, music, dance and more.


Nagpatuloy na ako sa paglakad at sa first floor palang ay nakita ko na ang gulat ng mga students na nakatambay sa labas ng kanilang room. Halos kilala ako sa buong campus ng HA dahil ako ang All Time Arts Champion, ibig sabihin lagi akong panalo sa mga arts contest mula elementary hanggang senior high.

Hanggang ngayon makikita pa rin sa labas ng HA ang mukha ko kasama ng iba pang HA Representative. Pero wala akong paki sa kasikatan na 'yan, dahil ang akin lang naman is maibahagi ko 'yong talent and skills ko na siya namang nagawa ko.

Narating ko na ang classroom namin at sa labas palang ng pinto ay nakita ko na ang labis na pagkagulat ng mga classmates ko, lahat pa sila ay napahinto sa mga ginagawa.

Nagpatuloy lang ako sa paghakbang papasok at hinayaan ko lang sila tignan ako. Iba't ibang klase ng gulat pa rin ang nagbakas sa mukha nila, may nakanganga, napatakip ng bibig at nanlaki ang mga mata.


"Gosh...ilang weeks ka din nawala Art, buti nakabalik ka pa, alam naman nating strict ang senior high department when comes to absents..." hindi makapaniwalang sabi ng ilang babae, halos hindi ko na tanda ang mga pangalan nila, dahil mula nong nawala ako wala na rin akong paki sa mga ganap dito.

"Syempre nag-iisang Art Everest 'yan, ang All Time Art Champion ng HA. Kaya hindi talaga siya sasayangin ng school dahil marami na siyang na-contribute dito..." nakangiting wika naman ng isang lalaki na sa pagkatanda ko ay Jake ang pangalan.

Biglang may pumalakpak mula sa likod. "Guys, nagbalik na si Art!" Sigaw ni Mig, siya 'yong super close ko sa classroom dahil kami naman dalawa ang magkatabi ng upuan kaya siya madalas ko nakakausap.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now