Chapter 28

753 35 0
                                    


TIAN MARTELL

UMUWI kaming magkasama ni Haku. Ang gusto ko umuwi na siya sa kanila dahil walang tao do'n, pero mas gusto niyang dito siya sa akin umuuwi. Humiling siya ng isa pang gabi na kasama ako at pinagbigyan ko nalang siya dahil naipanalo naman niya ang pagent.

Pagkapasok namin sa bahay ay agad niya ipinagtabi ang trophy niya sa mga awards kong nakadisplay sa living room. Nilingon niya ako na nasa gilid ng pintoan. "I'm The HA King of Hearts, but I hope naghahari din ako sa puso mo." Habang sinabi niya 'yon ay dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya pero napaka-seryoso ng mukha niya, pero pinilit ko nalang matawa para hindi halatang kabado. "I-Ikaw talaga Tol, palabiro ka talaga..." medyo awkward kong tawa.

Pero habang tumatagal ay hindi ko na alam anong gagawin ko, ito na naman ako sa pagiging tulala, pati pagsara sa pinto nakalimutan ko na dahil nanatili lang ako sa kinatatayoan at parang hinihintay siya makalapit.

Pagkalapit niya'y nakatingin lang siya sa mga mata ko. "Tian..." napakalamig ng boses niya habang binanggit niya ang pangalan ko, ayaw ko naman manatiling freeze dito kaya pinilit kong magsalita. "T-Tol..." medyo nauutal kong sabi.

Dahan-dahan niya hinaplos ang mga pisngi ko at nagtagal din ng ilang minuto ang aming titigan bago ako bumigay at tumawa. "Ano ba naman 'to Tol, nababading na 'ata tayo dito..." habang tumatawa ako ay napaka-seryoso naman niya, kung hindi ako tumawa ay malamang hinalikan na niya ako.


Nagutom ako kaya nagluto ako ng midnight snack namin. Pariho kaming hindi pa inaantok kaya nagsama muna kami sa kwarto ko at magkatabing nanuod ng anime movie na Spirited Away.

Nilingon ko siya na payapang nanunuod. "Dito ba sa Spirited Away kinuha ang pangalan mo, Haku?" Tanong ko.

"Maybe. Pero hindi ko alam sa mga magulang ko." Nilingon niya ako. "Pero may isang special na tao ang nagbigay sa 'kin ng nickname na gustong-gusto ko, Hakunamatata." Dagdag pa niya at nagkunot-noo ako. "Hakunamatata...? Ang bantot naman no'n..." sabay tawa ko.

May ngiti sa labi niya habang parang may inaalala. "Ganyan din ang sabi ko no'n. Pero habang tumatagal nagugustohan ko na, lalo na ayon ang first time ko magkaroon ng nickname. Gustong-gusto ko tinatawag niya akong Hakunamatata." Napaka-simple lang ng reaction niya kapag kinikilig.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. "Sino ang special someone na 'yan? Sige na spill the tea, tayo-tayo lang makakaalam." Excited kong sabi, dahan-dahan siyang lumingon sa 'kin kaya nagkalapit ang aming mga mukha at muntik pa kami magkahalikan kaya nawala ang ngiti ko sa labi at napalunok nalang ako.

"Hindi ito ang tamang panahon para malaman mo ang tungkol dyan. Basta ang mahalaga malapit lang ako sa kanya." Habang sinasabi niya 'yon ay lalong lumalalim ang aming titigan, kumakaba ang dibdib ko kaya umiwas nalang ako ng tingin at nagfocus nalang sa pinapanuod.



Pagmulat ng mga mata ko ay si Haku bigla ang pumasok sa isip ko. "Good morning Haku..." nakangiti akong bumangon, pero pagkakita kong wala siya sa tabi ko ay nawala ang ngiti ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang may na-realized ako. "Gago bakit siya agad ang hinahanap ko...eh hindi naman siya pwede matulog dito sa tabi ko dahil do'n nga siya sa guess room..." nagmukha na akong balyo na pinapagalitan ang sarili.

Nakita ko sa alarm clock kong nakapatong sa drawer na malapit ng magtanghali, mabuti nalang wala akong taping ngayon. Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto para magkape. Napakatahimik ng sala at kusina, hindi ko man lang nakita si Haku.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now