Chapter 9 - 10

9 0 0
                                    

Chapter 9 - 10

"Hindi ko talaga kaya, Cally. Wag nalang." Pagmamakaawa ko.

Kanina niya pa kasi pinapasuot sakin yung bathing suit. Although may balabal namang kasama, nahihiya parin ako. Hindi naman na kasi ako teenager. May anak nako for pete's sake!

"Please do this for me! Ayoko kasing si Bea Asumera ang maging model nanaman ng kompanya. Nagsasawa na ako sa retokadang yun eh. Dali na kasi." Sabi niya. Natawa naman ako pero ayoko parin talaga.

"Pwede bang pag-isipan?" Sabi ko. Tinitigan naman ako ni Cally at pagkatapos ay bumuntong-hininga.

"Just this shoot lang. Pagkatapos nito, hindi na talaga mauulit." Sabi niya. Tinitigan ko naman siya.

"Please? Eto na ang una at huli mong shoot. Promise." Sabi niya pa.

Hindi ko talaga alam kung papayag ba ako o hindi eh. Pinag-iisipan ko ang offer niya. Billboards, magazines, advertisement, and whole wide world makikita ang mukha ko. Ano yun? Pagkauwi palang ng pilipinas, sikat na ako agad? May mga dapat pa akong tapusin at hindi ko balak ang magpa-advertise.

Masisira ang lahat ng plano ko.

Bigla namang pumasok ang isang nakaheels na 4 inches at kulay black, nakaskirt na kinulang ata sa tela, tank top na black at nakashades din na black na may maikli at wavy na buhok sa loob ng dressing room. Napatingin ako sakanya. Hindi sya kasing puti ko. Pero maayos na magdala ng damit.

Para syang home wrecker? Ganun.

"Hoy bakla. If you think na mapapalitan mo ako sa billboards and magazines and over-all, magbalot kana ng mga gamit mo at lumayas kana sa kompanyang ito. Hindi ko kailangan ang katulad mong nagmamagaling." Sabi niya sabay lapag ng gamit sa table at umupo sa swivel chair. Napataas ang kilay ko.

Parang may something na pumitik sa akin at agad kong inisnatch sa kamay ni Cally ang isang papel na pipirmahan kasama ang bathing suit. Napanganga naman siya sa ginawa ko at agad ko iyong pinirmahan ng hindi binabasa ang kasunduan tsaka tumingin kay Cally na hanggang ngayon ay nakanganga sa ginawa ko.

"Eto lang ba ang gagawin ko? Magpapalit nako okay? Toodles." Sabi ko sabay labas ng dressing room.

Pumunta ako ng Comfort Room atsaka nagbihis. Wala naman akong ikakahiya dahil makinis ako at hindi pabaya sa sarili. May hinaharap at may ibubuga. Hindi nga lang ako masyadong showy dahil pakiramdam ko ay hubad ako sa mga ganitong suot. Parang wala akong pera at nagkulang ang mga damit ko sa tela. Ganun.

Inayos ko ang bathing suit ko upang hindi ako makitaan. Itinali ko ang balabal sa bewang ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. Inilugay ko ang buhok kong kulay brown na medyo wavy. Bumagsak iyon hanggang sa bewang ko. Ngumiti ako sa salamin.

Mula ng magkaanak ako ay lumaki ang pangangatawan ko. Although athlete type naman parin ang katawan ko ay hindi maiwasang lumaki ang dibdib ko pati na ang pwetan ko. Ganun talaga siguro kapag nagkakaanak.

"Ris you don't have to do this kung napipilitan- OH MY GOD!" Sigaw nya ng dire-diretsong pumasok sa loob ng comfort room. Napatingin ako sakanya at agad na pinamulahan ng mukha.

"Is it ugly?" Tanong ko. Nanlaki ang mga mata ni Cally na tinitigan ako pababa hanggang paa at pataas hanggang mukha.

"Damn you Sandoval! Kahit bading ako, tinayuan ako sayo!" Sigaw nya. Nanlaki ang mata ko at halos pumutok sa pagkapula ang mga pisngi at tenga ko sa narinig ko.

"Cally! Your mouth!" Sabi ko sakanya at tinakpan ang mukha ko. Agad naman akong hinila ni Cally palabas ng comfort room at pinapasok sa isang dressing room.

May kaliitan yun pero nandun ang dalawang bading na nagulat ng pumasok kami. Napatingin sila samin at biglang sumigaw yung isang bading ng masuri kung sino ako.

"CHRISTINNNNNNNNNNNE!" Sigaw nung medyo maliit na bading at tumakbo sa akin para yakapin ako pero agad na pinigilan iyon ni Cally.

"Jes. Not now. Ayusan muna natin siya para sa ganun mapatalsik na ang asumerang bea na yan." Paghuhumindik ni Cally. Tumango kaagad si Jes at hinila ako at pinaupo sa upuan.

Hindi ko nasudan ang mga ginawa nila sa akin. Pero makaraan ang ilang minuto ay hindi ko nakilala ang sarili ko sa salamin.

"Nostalgia." Sabi ni Cally sa likod ko. Ngumiti ako sakanya.

"What does it mean?" Tanong ko pero ngumiti lang sya atsaka ako hinila palabas.

"Here." Sabay suot sakin ng polo na hanggang hita ko. Kulay black iyon. Tinitigan ko naman siya.

"Dapat surprise." Sabay kindat sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Ngumiti naman ako sakanya.

Ng hilain niya ako palabas ng dressing room patungo sa studio ay hindi ko alam kung papaano ako mglalakad.

"Guys!" Sigaw ni Cally kaya lahat ng nasa studio ay napatingin samin. Even Calvin and Cleoffe na parang seryosong nag-uusap ngunit ng makita ako ay parang napako sa kinatatayuan nila.

Also Bea na nasa upuan at minemake-upan ay napatayo at napatingin sakin. Tinaasan niya ako ng kilay and she even crossed her arms beneath her chest. Katulad ko, nakapolo din syang black. Hindi ko sya pinansin.

"Oh. Looks like may anghel kanang nakita dito sa lupa Cally. Perfect timing for our Bachelor." Sabi nung photographer habang nakatingin samin lalo na sa akin. Ngumiti lang ako.

"Yes. Matagal ko na syang nakita kaso nakawala. But then again, hindi ako nauubusan ng tiwala sa sarili and still, I found her." Sabi ni Cally. Ngumiti parin ako.

"What's her name?" Tanong nung photographer kay Cally.

"Christine Sandoval." Sabi ko. Tumingin naman sakin ang photographer at biglang ngumiti. Ang gwapoooo!

"Let's start!" Nagulat kami ng biglang sumigaw si Cleoffe. Agad namang nataranta ang mga models pati na ang mga stylist at photographers but not Cally. Hinila ko ang kamay nya kaya napatingin siya sa akin.

"Line up na kaya tayo?" Tanong ko kaya Cally but he just smile.

"Baka magalit si Cleoffe. Halika na." Pangungulit ko.

"Dear Ris, hindi ka pipila for your information." Sabi niya at tumingin na sa harap. Nangunot naman ang noo ko habang ang mga tao sa paligid ko ay natetense na.

"Bakit? Model ako diba?" Tanong ko. Lumingon naman si Cally sa akin at nginitian ako.

"Yes model ka." Sabi niya.

"Oh edi dapat nag-aayos nako." Sagot ko. Umiling naman siya.

"Model ka ng Bachelor. Hindi ka candidate." Sabi niya. Ano daw? Hindi ko nagets.

"What do you mean?" I ask. He grinned. Kinabahan ako bigla.

"Model ka ni Cleoffe Falcon. Sya lang, wala ng iba." He uttered.

I frozed.

DF2: Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon