Chapter 1 - 2
"You ready?"
Napalingon ako kay Calvin. Nag-aayos kasi ako ng damit namin mag-ina dito sa bahay na binigay ni Calvin. Nung una, ayaw kong tanggapin. Pero dahil nga'y umuwi kami para sa recovery ko, hindi narin ako naka-hindi. Bukod kasi dun, hindi ko na kabisado ang pinas. Maaaring may nga naaalala akong mga lugar dito, pero hindi na ang lahat. Kailangan ko pa ng GPS track kung saka-sakaling gusto kong umalis o mamasyal kasama si Christof.
"Yes. Hindi ba nakakahiya sa magulang mo?" I asked.
Napagpasyahan nya kasing dumaan sa bahay nila. Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan kasama pa ako. Gusto ko din sanang isama si Christof pero sabi niya, sa susunod nalang daw siguro. Sa ngayon, ay ako na muna ang isasama nya sa pagpapakilala sa magulang niya.
"Mas matutuwa sila kapag nakita ka nila. Meron din akong inimbitahan na ibang kaibigan mo dati kaya dapat lang na sumama ka." Pahayag niya. Tumango naman ako.
"Bakit hindi natin isasama si Christof?" Lumingon naman sya bigla sakin. Mata sa matang tinignan at pagkuwa'y huminga ng malalim.
"Unti-untiin natin, Christine. Okay lang ba yun? I promise, isasama na natin si Christof sa susunod na bisita." He explained. I sighed.
"Bakit ba kasi wala akong maalala?" Natatawa kong tanong.
Natigilan naman si Calvin sa pag-aayos ng damit. Tinignan ko naman siya.
"I'm sorry, Calvin. Naiinis lang kasi ako sa sarili ko. It's been 5 years since that fatal operation pero hanggang ngayon? Literal na hanggang ngayon ay wala parin akong maalala. Wala na ata akong pag-asa." Tumawa ako ng mapait. Hindi ko alam kung bakit ganito ang sitwasyon ko.
Dali-dali namang lumapit si Calvin sakin at lumuhod. Sinikap niyang hanapin ang mga mata kong nagtatago. Ayokong makita nyang natatakot ako. Natatakot sa posibilidad na hindi ko na maalala ang lahat. Ang lahat-lahat ng bahagi ng buhay ko. Pakiramdam ko, pati sarii kong alaala ay tinakasan ako. Umiling ako.
"Don't say that. Pareho nating alam na biktima ka lang. Walang dapat sisihin sa nangyari kasi ito ang tama." Tinignan ko siya. Maraming nagtatalo sa isip ko pero hindi ko magawang itanong sakanya iyon.
"Alam mo, natatandaan ko pa kung papaano ka umiyak nang araw na umalis tayo para iwan mo siya." Napatingin ako sa sinasabi niya. Kumunot ang noo ko.
"Sobrang mahal na mahal mo siya, Ris. At sa sobrang pagmamahal mo sakanya, nagawa mo syang iwan para sana magpagaling. Para sana bumalik sa maayos ang lahat. Ganun ka katatag at katapang noon Ris. Kaya kung iisipin mong gusto mo ng sumuko at pinanghihinaan kana ng loob ngayon, hindi ikaw ang Christine Sandoval na kilala ko." Pahayag niya.
Uminit ang sulok ng mata ko habang naninikip naman ang dibdib ko. Hindi ko alam bakit hindi ko natatandaan ang lahat ng iyon. Bakit? Ano bang ginawa sakin ng tadhana at nagkaganito ako? Bakit?
"Hindi ako si Christine Sandoval na kilala mo, Calvin." Sagot ko. Tumingin siya sa akin.
"Kase kung ako ngang tunay ang taong sinasabi mo, sana hindi ganito ang pakiramdam ko ngayon. Na sana, naaalala ko ang lahat at hindi ako nangangapa. Na sana kilala kita dahil alam kong bahagi ka ng buhay ko. Pero wala ni isa sa lahat ng sinabi mo ang natatandaan ko. Bakit? Ganun ba katindi ang tadhanang nakalaan para sakin?" Tumakas na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Sshh. Wag mong sabihin yan, Ris. Matapang ka. Alam ko yun. Pinamumugaran ka lang ng takot na hindi kana makaalala pa. Please? Nandito ako sayo hanggang dulo. Hindi kita pababayaan. Para kay Christof, sakanya, at para sayo." Paliwanag niya. Umiyak na ako. Bakit ba kasi ganito ang nangyari sakin?