Chapter 3 - 4
Pumasok nako sa loob ng bahay nila. Tumambad agad sakin ang malaking frame sa sala. Picture iyon ng pamilya nila. Lima silang lalake. Sa gitna ay ang papa nila at ang kabilang side naman ng papa nila ang napakagandang mama nila. Tinitigan ko maigi ang magkakapatid, nakita ko dun si Calvin. Ang magkakapatid ay pare-parehong berde ang kulay ng mata. Nakuha siguro nila sa mama nilang napakaganda.
"Maganda si Mommy." Lumapit ang isang lalake sakin. Tumingin ako sakanya. May pagkahawig sila ni Calvin. Nangunot ang noo ko. Tumingin sakin yung lalaki at ngumiti.
"Clifford Tolentino. Cliff nalang ang itawag mo sakin." Pahayag nya at naglahad ng kamay. Inabot ko naman yun. Nang matapos ang batiang nagaganap ay tumingin ako ulit sa magkakapatid na nasa malaking frame.
"Si Kuya Calvin ang pinaka-panganay. Pangalawa si Kuya Corgi na nasa states." Tinuro niya yung lalaking nasa side ng mama nila. "Pangatlo si Callix." Turo nya sa kabilang side ng papa nila. "Pang-apat ako." Sabay turo nya sakanyang sarili sa frame katabi ng lalaking nasa gitna. Tumingin ako sa gitna kung saan yung lalaki ay nakangiti abot hanggang tenga at para bang walang problema.
"Sino siya?" Turo ko sa lalaking nasa gitna. Lumingon ako kay Cliff na ngayon ay pinagmamasdan ako. Bahagya syang huminga ng malalim bago nagsalita.
"Bunsong kapatid ng mga Falcon." Saad niya. Tumingin ako ulit dun. Pagkuwa'y umalis nako.
"Teka." Pigil ni Cliff sakin. Lumingon ako sakanya.
"Bakit?"
"Hindi mo ba tatanungin kung anong pangalan niya?" Sambit niya. Napatingin naman ako sa malaking frame at sa mukha ng lalaking itinuro ko kanina. Ibinaba ko ang tingin ko kay Cliff at umiling.
"Hindi na kailangan." Saad ko. Nangunot ang noo niya.
"Bakit? Kilala mo na ba siya?" Tanong niya. Tinitigan ko naman siya. Umiling ako.
"Hindi ko naman kailangan malaman ang pangalan nila para makilala o matandaan ko sila. Kung alam ko at pakiramdam ko na kilala ko na sila noon pa lang, okay na at kuntento na ako dun." Iksplika ko tsaka nagsimulang maglakad papunta sa kinatatayuan ni Calvin na ngayon ay nanunuod saming dalawa ni Cliff. Ngumiti ako sakanya.
"Ready kana?" Tanong niya. Tumango ako. Lumapit naman si Cliff sa likuran ko.
"Halika na." Sambit ni Cliff sa likuran ko. Ngumiti ako.
Nagsimula na kaming maglakad sa isang carpet na maroon patungong kusina. Nakailang hakbang kami ng bigla akong kabahaan. Huminto ako dahilan para huminto din ang dalawang lalaking nasa magkabilang gilid ko. Hindi ko alam bakit ako huminto pero tumingin ako sa gate kung saan dumating ang isang itim na fortuner papasok sa garahe kung saan ipinark ni Calvin ang sasakyan niya nung bumaba kami. Tinted ang bintana ng kotse na nagdire-diretso iyon hanggang sa dulo kung saan nandun ang pool at biglang huminto. Tumingin si Calvin at Cliff sakin pabalik sa fortuner na sasakyan pabalik ulit sakin.
"May problema ba?" Tanong ni Cliff sakin habang nagkakatinginan sila ni Calvin. Hindi ako umimik. Inantay kong bumaba ang nasa sasakyan pero hindi siya bumaba. Nagambala ang iniisip ko ng biglang magsalita ang isang lalaki na sumalubong samin. Napatingin ako sakanya.
"Kuya." Bati ni Callix. Napatingin sya sa akin at para bang nabigla. Umuwang ng malaki ang bibig nya.
"Bakit?" Ako na ang nagtanong kung bakit tinawag ni Callix si Calvin. Lumingon naman ang dalawang nasa tabi ko kay Callix. Umiling pa si Callix para lang matauhan. Pagkuwa'y biglang nagsalita.
"Dumating na si Cleoffe." Bati nyang tinignan ang ekspresyon ng mukha ko.
Ngunit wala akong naging reaksyon. Sa halip..