Chapter 15 - 16

13 0 0
                                    

Chapter 15 - 16

"MyGosh! Sandoval you are totally a beast!" Puri ni Cally sakin. Yumuko naman ako.

"A pure beast." Saad ni John habang nakatingin sa mga pictures namin.

"Kailangan nyo ba talagang titigan iyan?" Tanong ko sa dalawang tao na nasa harap ko.

Nasa loob kami ng studio. Ang ibang models ay nagsiuwian na. Kahapon kasi halos hindi maipinta ang mukha ko sa sobrang tensyon na nararamdaman ko sa pagitan namin ni Cleo. Kaya nagpasya akong ipagpabukas nalang ang pagtingin sa mga kuhang litrato. At heto kami ngayon.

"Ano pa bang itatago mo, Ris? You're beautiful and you're awesome. Walang maipipintas sayo at maging sa katawan mo. You are a goddess for goodness sake!" Papuri ni Cally sa akin. Sinubsob ko naman ang kamay ko sa mukha niya. Natawa naman siya.

"Alam mo Ris. Kakaiba nga ang hulma ng katawan mo eh. You should be proud of kasi unlike sa mga co-models mo, you're beauty is stunning." Paliwanag ni John sakin. Tinitigan ko nalang naman siya.

"Baka naman part ng pagiging photographer mo ang pangbobola ng mga models para hindi mahiya?" Sabi ko. Tumawa naman siya sabay iling.

"Ang hirap mo naman paniwalain." Ngiti niya sakin. Ngumiti naman ako pabalik.

"Mas bet ko ito." Cally pointed his fingers sa picture namin ni Cleo na parehong nakangiti. We look like a couple.

Ay ano ba itong iniisip ko! Erase!

"You two look like a newly wed." Suggest ni Cally sa picture naming dalawa although summer theme iyon at hindi kasal, nagmukha parin daw kaming newly wed. Is it possible?

"Bagay kayo!" Cally exclaimed. Nagulat naman ako sakanya at halos mabulunan ako sa sinabi niya.

"Nagsisimula ka nanaman sa match-making mo Cally." Punang biro ni John kay Cally pero hindi nya iyun pinansin.

"Cally." Napalingon naman kaming lahat ng may matigas na boses ang dumagundong sa loob ng studio. Napalingon kami dun at nakita namin si Cleo on his suit standing at the back of the stage. Inaayos niya pa ang kanyang tie at parang nahihirapan sya dun. Lumapit ako sakanya.

"Here. Let me fix it." Offer ko tsaka hinawakan ang tie niya. Akala ko nung una, magagalit sya at itataboy ako ngunit nagkamali ako. He let me fix his tie at tinitigan niya lang ako habang ginagawa ko iyon. Naiilang ako sa totoo lang.

"Err. Done." Sabi ko ng may kaunting ngiti sa labi at tinitigan sya. Poker face lang ang mukha niya at para akong nakikipag-usap sa manikin na sobrang gwapo. Bumalik nako sa pwesto ko ng bigla syang magsalita.

"Part ba ng trabaho nyo ang magdaldalan at magpurian?" Singhal niya. I stood frozed.

Siniko naman ako ni Cally na para bang humihingi ng tulong sakin. Napatingin naman ako sakanya at maging kay John. Tinitigan lang nila ako. I mouthed anong gagawin ko but they just look at me na sinasabing kaya mo na yan. I sighed.

Humarap ako sa taong dinaig pa ang bulkang mayon sa pag-aalburuto. Ke aga-aga nagagalit na sya agad.

"Tinignan lang namin yung mga pictures. Pasensya na." I explained. Nakakunot parin ang noo niya ng lumapit sya samin.

"Hindi ako tanga para hindi ko makita kung anong ginagawa nyo. But is it part of your job na magdaldalan at dito pa sa loob mismo ng studio ko?" Singhal nya. Nakatayo na sya sa harapan ko at halos manliit ako kapag ganito sya kaseryoso.

"Hindi naman nakasulat sa kontratang pinirmahan nyo ang magbiruan at magpurian habang tinitignan ang mga pictures dito. Sa labas kayo magkwentuhan wag dito." Matalas na tingin ang ipinataw nya saming tatlo. Napayuko naman ang dalawa but not me.

Sumusobra na ang lalaking ito.

"Ano bang problema mo? Kahapon kapa mainit ang ulo ah? Bawal na bang mag-usap ang mga empleyado mo kapag nasa loob ng kompanya mo? Ginagawa mo silang alipin. Nagtayo ka ng kompanya para sa mga taong nangangailangan sa buhay at hindi ang mangolekta ng aalipinin. Papaano ka nakakapasok sa trabaho ng hindi mo kinakausap ang mga aplikante mo?" Singhal ko pabalik. Mukhang hindi inaasahan ni Cleoffe ang pag-aoutburst ko.

"Baka nakakalimutan mo kung sinong kinakausap mo ngayon, Ms. Sandoval?" Sarkastiko nyang tanong sakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Kung gusto mong galangin kita, ayusin mo yang ugali mo. Dinaig mo pa ang tinakasan ng asawa sa paghihimutok mo araw-araw eh." Sabi ko. Biglang nagbago ang ekspresyon nya. Kahit ako ay nagulat ng hawakan niya ng madiin ang braso ko at ilapit sakanya iyon.

"Don't. You. Ever. Say. That. Again. Hear me?" Madiin na sabi niya tsaka ako binitawan.

"Get out of this studio. Now!" Sigaw niya. Napahawak naman ako sa braso ko at tinignan siya ng masama.

"Halika na, Ris." Hawak sakin ni Cally. Ngunit hindi natinag ang tingin ko kay Cleoffe na ngayon ay nag-aalab sa galit ang mga mata.

"Tara na, please." Hila ng pilit ni Cally. Nararamdaman kong umiinit na ang sulok ng mata ko kaya bago pa ito bumagsak ay mabilis kaming umalis ni Cally at ni John sa studio.

Agad na tinahak ng mga paa ko ang elevator. Pinindot ni Cally ang GF. Ng sumara na ang elevator ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko at ang paghikbi ko.

"Tama na Ris. Pagpasyensyahan mo na si Cleo. Mainit lang talaga ang ulo nun, pero mabait yun." Pag-eexplain nya sakin pero umiling ako.

"He's a monster." I whispered habang hinahagod nito ang likuran ko.

Ng bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Nakasunod naman si Cally at si John sakin. Lumabas kami ng Falcon Company at agad na sumakay ng kotse. Hindi naman ako makausap ng matino ni Cally dahil ayoko ding magsalita. Nakatingin lang ako sa labas habang nagdadadrive si John.

Itinuro ko ang condominium unit ni Calvin. Ng makarating kami dun ay agad akong bumaba at nagpasalamat. Nagpaalam ako tsaka pumasok na sa loob. Habang nasa elevator ay hindi ko makalimutan ang galit na nakarehistro sa mukha ni Cleoffe. Pinikit ko ang mga mata ko.

Ng dumating sa tamang palapag ay agad akong dumiretso sa unit ni Calvin. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko ang anak kong nakahiga sa sofa. Ang yaya nya ay nagliligpit ng mga laruan niya. Tinanguan ko naman siya at lumapit sa anak ko.

Pinagmasdan kong maigi ang anak ko atsaka hinalikan sa noo.

"He's a monster, anak. He's a monster." I whispered.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DF2: Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon