Chapter 13 - 14

14 0 0
                                    

Chapter 13 - 14

"Okay ka lang ba?" Suri ni Cally sa braso ko.

"I'm fine. Don't worry." Sabi ko. Sumimangot naman si Cally sa harapan ko.

"Pasensyahan mo na si Cleo ha? Tarantado kasi yun eh." Sabi niya. Ngumiti naman ako.

"Okay lang ano ba." Sabi ko. Tinitigan naman niya ako.

"Uhm. Hindi kana ba nahihilo?" Tanong niya sakin. Umiling naman ako.

"You sure? Pwede naman nating hindi ituloy ang photoshoot." Sabi niya. Hinawakan ko naman ang mga kamay nya at ngumiti.

"I'm okay, Cally. Promise." I assured him with my sweetest smile. Tumango naman siya.

"Ano bang nangyari bakit ka nahilo bigla?" Tanong niya sa akin.

"May naalala lang ako." Sabi ko sabay tingin sa mirror na nasa harapan namin.

"Naalala?" Tumango naman ako.

"Gaya ng?" He asked.

"Hmm. Camera and pictures tapos may nag-uusap. But it's blurred." Sabi ko. Tumango naman si Cally after nun.

"Cally?" Biglang may kumatok sa pintuan kaya napatingin kami dun. Pumasok naman yung photographer kanina ng may ngiti sa labi.

"All set. Pinapatawag kana ni Cleo." Sabi nung photographer sakin. Tumango naman ako.

"Mainit parin ba ulo, John?" So, John pala name ng photographer na ito. Mahanap nga sa facebook.

"Oo. Hindi nga makausap ng maayos eh." Sabi niya.

"Pwede na lang natin ito i-move." Suhestyon ni Cally. Umiling naman si John.

"Gusto mong masesante? Pagkatapos mo syang paghubarin, hindi matutuloy?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hubad syang kasama ko?!" Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin naman si John sakin at natawa.

"I mean, pagkatapos ko syang i-dare na magpakita ng katawan with his short only, ipopostpone bigla ang shoot?" Sabi niya. Napahinga naman ako ng malalim. I'm safe.

"Bakit kaba kinakabahan sa presensya ni Cleo?" Tanong Cally. I shrugged my shoulders.

"Naiintimidate ako." Sabi ko. Pero parang hindi sya naniwala sa sinabi ko.

"Halika na bago tayo mabulyawan pare-pareho." Sabi ni John.

Lumabas kami ng dressing room at para akong binuhusan ng tubig sa nakita ko. Literal na napangaga ang bibig ko sa nakikita ko. Likod palang, ulam na. Paano na kapag humarap? Jusko mahabaging langit. Nagkakasala na ako.

He's wearing nothing but his short short na kulay black! May tattoo sya sa collar pero hindi ko maintindihan. Nakaupo sya at seryosong nakatingin sa direksyon ko. Para akong pinagpawisan ng malagkit. Pwede ng gumawa ng biko. Gosh!

"Ris. Okay kalang? Namumutla ka?" Sabi ni Cally sakin.

"H-Ha? No. I-I'm okay don't worry." Shemay ka Ris. Umayos ka ngang gaga ka! Pambihira ka.

Lumapit na kami ng husto sa stage at halos malusaw ako ng nasa harapan ko na si Cleo. Ilang mura at santo na ba ang natawag ko sa isipan ko, kumalma lang ang sistema ko. Dinaig ko pa ang puppy love susmaryosep!

"Okay let's start." Sabi ni John. Tumungo naman ako. Pareho kaming pumunta sa studio ni Cleo. Aksidente pang nadikit ang balikat ko sa balikat nya at agad akong lumayo. Para akong napaso na nakuryente.

"I'm amazed at napa-oo kita sa pagmomodel ng wala halos na damit. Is it right timing o sadyang anghel lang talaga si Ris kaya napapayag kita?" Pang-aasar ni John kay Cleo pero parang ako yung natatamaan. Napamura ako ulit.

DF2: Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon