Chapter 5 - 6

29 0 0
                                    

Chapter 5 - 6

Nagising ako ng maramdaman ko ang pananakit ng ulo ko. Napaupo ako habang sapo-sapo ang ulo. Napatingin ako sa kinauupuan ko. Nasa kwarto ako. Ano bang nangyari at parang ang tagal kong tulog?

Hinilot ko na muna ang sintindo ko ng maayos hanggang sa maramdaman kong wala na yung pananakit ng ulo ko. Umayos ako ng pagkakaupo upang masuri ng mabuti ang buong loob ng kwarto.

It's like a master's bedroom sa sobrang laki. Para na nga syang bahay kung tutuusin. Kanino namang kwarto to at ang swerte ko nama't ako pa ata ang unang taong nakatulog dito ng walang bahid ng pag-aalinlangan.

Meaning to say, hindi ako natulog dito para sa isang cheap reason. Natulog ako dito dahil hinimatay ako kanina.

Right. Hinimatay ako kanina. Now what happened to me? Ilang oras na ba akong tulog? Wag naman sanang to the highest level. Yung mga 2 hanggang 3 oras. Nakapangako pa naman ako sa anak kong uuwi ako at magkukwentuhan kami.

Tumayo ako para suriin ang buong kwarto. Masyadong masculine type ang kwarto dahil sa kulay nito. Coffee bean ang color ng dingding at ang mga gamit ay matte type na black. Yun lang ang makikita mong kulay ng kwartong ito. Kung hindi brown, black.

Nakabukas ang CR at sinuri ko din yun. Napakalaki! Sino bang poncho pilato ang nakatira dito at halos kumanta ng ginto ang mga mwuebles dito.

"You're awake." Bungad ng taong nakapagpalingon sakin. Napatingin ako sakanya.

Hindi ko naman maaninag ang mukha niya. Unti-unti naman siyang naglakad palapit sakin. Ng matamaan ng ilaw ang mga mata nyang berde ay nakilala ko na siya.

"Kamusta na?" Tanong niya sa akin. Nangunot naman ang noo ko.

"Ang pakiramdam mo. Kamusta na?" Tanong niya. Bumalik naman sa dating ekspresyon ang mukha ko at inilibot ang paningin sa buong kwarto.

"Okay na ako. Salamat." Sabi ko. Tinignan ko naman ang mga picture frames na nakatayo malapit sa kama niya.

May isang lalaki dun na nakatingin sa malayo. Meron namang isa pang lalaki na may kasamang babae pero nasa shore. Parang nagpipicturan sila. Yun ang mas nakakuha ng atensyon ko.

Kinuha naman ni Cleoffe bigla sakin ang frame na iyon at itinaob. Napatingin ako sakanya. And there, I saw those pair of green eyes. Something tickles inside of me. And I don't know why.

"You should go home. It's getting late. Inaantay kana ni Calvin sa baba." Sabi niya at pinutol ang tinginan namin. Tumango naman ako at nagsimula ng maglakad palabas ng kwartong iyon.

Ngunit huminto ako ng hawakan ko ang doorknob ng kwartong iyon.

"Cleoffe?" Tanong ko at lumingon sakanya. Napatingin naman siya sa akin.

"Thankyou." Sabi ko.

Matagal naman niya akobg tinitigan na para bang isang mahika ang nasabi ko sakanya. Ako na mismo ang pumutol sa titigan na iyon at agad na akong lumabas ng kwarto. Inilapat ko ng maayos ang pintuan at sumandal doon.

I heaved a huge sigh.

**

Kinabukasan, nagluto ako ng agahan namin ng anak ko. Nandito na kami sa condo unit ni Calvin. Sabi ko nga sakanya, babawi ako sa mga utang ko sakanya. Wag syang mag-alala at hindi ko siya tatakasan. Tumawa naman ang baliw.

"Mommy?" Napalingon ako ng makita ko ang anak kong pababa ng hagdan at pungas-pungas pa. Napangiti ako kaagad.

"Goodmorning anak ko!" I exclaimed. Binitawan ko kaagad ang mga ginagawa ko at pumunta sakanya. Binuhat ko pa sya at pinaghahalikan sa pisngi.

"Hi mommy." Sabi niya sa akin. Tinitigan ko naman ang anak ko. Napakagwapo talaga.

"Hello anak ko. Kamusta ang tulog mo?" Tanong ko sakanya. Ngunit tinakpan nya kaagad ang bibig niya. Nagtaka ako.

"Oh bakit? Nabungi kaba? Patingin ako?" Sabi ko ngunit umiling sya at tinakpan na ang buong mukha niya.

"Badbreath." He murmured. Nanlaki naman ang mata ko at natawa ako sakanya.

"Anong bad breath ka dyan? Hindi kaya! Amoy gatas nga yung mouth mo eh. Tignan mo aamuyin ko ah." Pagbibiro ko ngunit lalo itong nagtago sa balikat ko.

Nagharutan pa kaming dalawa bago bumaba si Calvin na kagigising lang din at nakangiti pang nanunuod samin. Napahinto ako sa paghaharot sa anak ko at napatingin sakanya.

"Goodmorning. Kumain kana." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya at bumaba na ng tuluyan sa hagdan. Ibinaba ko naman si Christof at tumakbo naman siya papunta sa tito niya.

"Kamusta ang tulog ng pamangkin ko?" Tanong niya. Tumawa naman ang anak ko at nagkwentuhan sila.

Ipinagpatuloy ko na ang paghahanda ng kakainin namin. Nagluto lang ako ng bacon, egg, ham, hotdog, and pancake. Medyo naparami kaya ayun madami din akong naihatag sa lamesa namin.

"Mukhang sinipag ka ah?" Tanong sakin ni Calvin. Inalalayan ko naman si Christof sa lamesa at pinaghanda ng kakainin.

"Oo nga eh. I guess, maganda lang talaga yung gising ko." Ngiti ko sakanya.

"Halika at kumain kana bago ka pumasok." Sabi ko kay Calvin. Pinaghanda ko naman siya kaagad ng plato at ng kakainin niya.

Naghanda na din ako ng akin. Kinuha ko pa ang dalawang kape at isang gatas sa bar counter at inilapag iyon sa lamesa. Dinagdagan ko pa ang ulam ni Christof na siyang ikinatuwa niya. Ganun din si Calvin na nanunuod sa bawat kilos ko.

"Kamusta ka?" Tanong sakin ni Calvin.

"I'm fine. Bakit?" Ngiti ko sakanya. Hinawakan ko ang kubyertos nya at inilapag sa gilid niya ng hawakan niya ang aking mga kamay. Napatingin ako dun.

"Hm? May kailangan ka?" Ngiti ko sakanya.

"May naaalala kana ba?" Tanong niya.

Agad namang napawi ang ngiti na nakarehistro sa aking labi ng marinig ko ang tinatanong niya. Napatingin ako sa anak kong kumakain lang ng seryoso. Ibinalik ko ang tingin ko sakanya at hinila ng maayos ang mga kamay kong hawak-hawak niya.

"W-Wala pa naman, Calvin." Sagot ko. Tumango naman siya kung kaya't umupo na din ako at sinimulang kumain.

Nanahimik ang lamesang kinauupuan namin ng matapos si Christof sa pagkain at nagpaalam na aakyat sa taas at maglalaro. Pinayagan ko naman siya at ayun, nagmamadaling pumasok sa itaas.

Binalot ng matinding katahimikan ang kusina kaya nagpasya na akong magsalita.

"Pupunta ka ba sa mga Falcon ngayon?" Tanong ko kay Calvin na nagpakunot sa kanyang noo.

"Bakit mo naitanong?" Saad niya. Yumuko naman ako at inikot-ikot ang tinidor na hawak ko. Humugot ako ng malalim na hinga tsaka nagpasyang sumagot.

"Sasama ako."

DF2: Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon