Chapter 11 - 12

8 0 0
                                    

Chapter 11 - 12

Hindi nanaman ako mapirmi sa pwesto ko. Ang galing nilang magproject. Parang pinagsisisihan kong umoo ako sa ginawa ko. Tanga ka talaga Ris. Ang tanga-tanga mo talaga kahit kelan.

"Hey." Tinignan ko ang humawak sa balikat ko. It was Calvin. Ngumiti ako ng pilit pero parang naplastikan lang ako sa sarili ko.

"You nervous?" Tanong niya. Tumango ako. Ngumiti naman siya.

"Don't worry. Okay? Maganda ka Ris. Kaya mo yan." Sabi niya. Ngumiti nalang ako.

Hindi ko talaga maexplain yung nararamdaman ko. Para akong kinikiliti na hindi maintindihan. Pakiramdam ko, natatae ako na nasusuka na nauutot na ewan. Basta halo-halo. Parang gusto kong sumigaw at mawala sa kinatatayuan ko kasi alam kong hindi mangyayari yun kaya wag nalang.

"Bachelor!" Sumigaw yung photographer pero parang intensyon nyang sabihin sa akin yun kasi sa akin sya nakatingin at may ngiti sa labi. Ngunit natigilan kaming lahat ng biglang pumunta si Bea sa studio at hinubad ang polo niya.

Kahit papaano, maganda ang katawan ni Bea. Slim kung tawagin. Sakto ang dibdib at saktong pwet. Makinis kahit papaano. Sexy sya. No wonder walang makapalit sakanya. Maganda din ang bathing suit nya. Parang daring type. Mas lalo akong kinabahan. Black ang kulay ng bathing suit nya at masyadong madrama ang make up niya.

Nilapitan sya kaagad ng dalawang models na lalaki. Topless at may maikling shorts. Tinitigan ko ang bawat galaw nila. Para alam ko ang gagawin ko kung saka-sakaling ako na ang susunod.

Nakaheels si Bea na parang demon type. May ibinabang hawakan at dun sya humawak. Tatlong shot ang gagawin. Ang unang shot nya ay ang nakahawak sya sa lubid na nakababa sa gilid nya hanggang paa. Iniikot nya ang lubid sa paa nya at hinila nya iyon upang magmukhang masikip.

Ang isang lalaki ay humawak sa braso at bewang nya samantalang ang isa ay halos nakahalik na sa hita nya at nakahawak sa paa nya. Silang tatlo ay mata sa matang tumingin sa camera.

"OA." Bulong ni Cally sakin. Natawa naman ako.

Pangalawang shot ay nasa gitna aya ng dalawang lalaking nakatingin sakanya habang sya ay nakahawak sa dibdib nung dalawang lalaki na para bang inilalayo nya sakanya. Matalim ang tingin niya sa camera. Napatango-tango ako.

"Better." Bulong ko. Napalingon naman sakin si Cally kaagad.

"Ang chaka kaya!" Apila nya. Natawa naman ako sakanya.

"Ayaw mo talaga sakanya no?" Sabi ko. Todo-todo naman siyang umiling.

"Masama ugali ng hayop na yan eh." Sabi niya. Napailing naman ako.

Napalingon ako sa likod namin at nakita ko si Cleoffe na nakatingin sakin. Nginitian ko sya pero seryoso parin siyang nakatingin sakin kaya humarap nalang ako ulit sa studio.

Pangatlong shot ay dalawang lubid na ang ibinagsak sa gilid ni Bea at hinawakan nya iyon pareho. Ang isang lalaki ay hinawakan siya sa bewang habang ang mukha nun ay parang nakahalik sa leeg. Ang isa nama'y nasa harapan nya at nakaupo. Ang paa nya sa kanan ay nakaangkla sa balikat ng lalaking nasa harapan niya. Lahat sila nakatingin sa camera.

"Done!" Sigaw nung photographer. Binuksan ang ilaw at agad na nagpalakpakan ang mga ibang models. Pati ako ay pumalakpak ngunit pinigilan ako ni Cally.

"Mas beast kapa sakanya." Sabi niya. Ngumiti naman ako.

"Christine?" Tawag sakin nung photographer kaya napatingin ako sakanya.

"Ikaw na." Sabay turo sa stage. Napalunok naman ako. Lumapit din sa stage ang dalawang lalaki na makakasama ko sa bachelor shoot. Kinabahan ako bigla.

"Go for it girl." Sabi sakin ni Cally. Tango nalang ang naisagot ko.

God. My son will kill me kapag nalaman nya ang bagay na ito.

Pumunta ako sa table malapit sa photographer. He smiled at me kaya ngumiti din ako. Hinanap ng mata ko si Calvin at biglang umalis ito kasunod ni Bea na nagmamadali ding umalis. One last turn at nakita ko si Cleoffe na seryoso paring nakatingin sakin. He was standing malapit ng konti kay Cally at nakacrossed ang mga kamay malapit sa dibdib. I gulped.

Bakit parang mas kinakabahan ako na nandyan siya?

I inhaled then exhaled. Kaya ko to.

Hinubad ko ang polo sa aking katawan. Agad na nanuot ang lamig ng studio sa balat kong nakaexposed. Bigla namang nawala ang ingay sa loob ng kwartong iyon na para bang may nabasag na gamit kaya lahat ay napatingin.

Ipinatong ko ang polo sa table at hinubad ang tsinelas tsaka naglakad sa studio. Ng matamaan ng ilaw ang buong katawan ko ay halos iba't ibang comment ang narinig ko sa mga taong nasa loob ng kwartong iyon.

"You're really a beast, Sandoval." Bati nung photographer sakin. Ngumiti lang ako.

Ang tema ng bathing suit ko ay Bolder Red. Masikip ang pangtaas na bahagi nito at may design na parang bulaklak type sa gilid ko. Parang yung mga tela na ginantsilyo? Masikip din ang boxer panty type kaya hindi ako mababastos. Kinabahan ako ng harapin ko ang mga tao na nakatingin sakin.

Despite na madami sila ay agad kong nakita ang hulma ng mukha ni Cleoffe na parang nagtatagis ang bagang. Sandalian lang yun dahil biglang tumining ang liwanag ng ilaw na nakatutok samin kaya hindi ko na makita ang mga nakatingin samin.

"I'm Josh." Sabi nung nasa gilid ko.

"And I'm Klyde." Sabi naman nung isa.

"Bading kami. Wag ka mag-alala. And for the record? You look stunning than Bea Berdos." Sabi nung Josh. Namula naman ako aa sinabi niya.

"T-Thankyou." Saad ko.

"Start na tayo okay?" Sabi nung photographer. Tumango naman ako.

"Asaan na yung pole?" Sabi nung photographer.

"Pole?! What do you mean Pole?" Nagulat ako sa lakas at dagundong ng boses na iyon. Hindi ko makita kung sino yun pero parang boses ni Cleoffe yun.

"Sa pole sya. Wala naman ng ibang models eh. Unless you'll take your shirt off." Sabi nung photographer. Natahimik naman ang paligid.

"Okay we'll star-" Naputol ang sasabihin nung photographer ng magsalita ulit yung kaninang boses na narinig ko.

"Deal." He said.

Namatay kaagad ang ilaw kaya napapikit ako. But that was a wrong move dahil something flashed in my mind. Something na parang camera, and then pictures, and then may nag-usap. Hinawakan ko ang ulo ko.

"Ris. Ris. Are you okay?" Napamulat ako ng hawakan ako ni Klyde sa bewang at sa braso. Naramdaman ko din ang dibdib niya dahil lumapat ang braso ko dun. Tumango ako.

Pero mukhang hindi naging okay ang sitwasyon ng bigla nalang bumulagta si Klyde mula sa pagkakahawak sakin. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari.

"Klyde!" Sigaw ko. May humila naman sakin kaagad at napatigin ako dun.

"Cleoffe?" Tanong ko sa sarili ko ng makitang hinahabol niya ang paghinga at halos hindi maipinta ang mukha. Nagtatagis ang bagang nito at mahigpit ang pagkakahawak sakin.

"You go get your own kung ayaw mong masisante sa kompanya ko!" Turo nya kay Klyde na dinaluhan kaagad ng ibang models. Nakita ko naman sa gilid ko si Cally.

Bigla naman akong itinulak ni Cleoffe kay Cally. Mabuti nalang at nasalo ako ni Cally. Tinignan ko si Cleoffe na ngayon nag-aalab sa galit na nakatingin sakin.

"Takpan mo yan at ayokong lalabas ng dressing room yan hangga't hindi ko sinasabi, naiintindihan mo ba ako?!" Sigaw ni Cleoffe kay Cally. Agad naman itong tumango-tango.

"At walang ibang models na lalapit at makakapartner nya kundi ako lang, naiintindihan nyo bang lahat?!" Sigaw nya ulit. Sabay-sabay naman na tumango ang mga ito. Humarap naman si Cleoffe sa akin pagkatapos ng pagsigaw niya.

"Ako lang, Ris. Ako lang." Hatol nito sa harapan ko.

Hindi ako nakapagsalita.

DF2: Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon