Chapter 7 - 8

13 0 0
                                    

Chapter 7 - 8

Nakatayo ako malapit sa sasakyan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gusto kong sumama sa lugar na ito. Actually, hindi ko talaga trip dito. Hindi ko gustong pumunta dito. Sabi kasi ng isip ko, lubayan ko na kung ano tong iniisip ko. Pero sabi ng puso ko, sundin ko kung anong ipinipintig ng puso ko.

At yun ay ang pumunta sa Falcon Company.

Kanina ko pa tinatadyak-tadyak ang sahig ng mahina lang. Natetense ako. Pakiramdam ko, isa akong teenager na makikipagkita sa isang prinsipe. Ilang beses kong tinignan ang itsura ko sa salamin at ilang beses din akong nagparaikot-ikot dito sa basement.

Nababaliw na ako! Jusko!

"Ris?"

"Ay kalabaw!" Nalaglag ko bigla ang mga gamit ko sa bag. Jusko naman Ris! Ano kaba naman!

Agad kong pinagpupulot ang mga gamit ko at isa-isang inilagay sa bag. May kumuha naman ng lipstick ko kaya agad akong napatingin dun. Magmula sa paa nyang balat ang sapatos, sa pants nyang mahirap hawakan dahil sa klase ng tela at sa suit nyang sumisigaw ng ginto sa mahal patungo sa mukha niyang ibinagsak ng langit dito sa lupa.

"What are you doing here?" May ngiti sa labi niyang tanong. Napanganga ako.

Bakit ang gwapo naman ng nilalang na ito? Is this Adonis from another world? Or Thor from Azgard? Or Captain America from Marvels? Or..

"Christine." Nagulat ako ng baritonong boses na ang sumalubong sa akin. Ipinikit ko pa aking mga mata at tinitigan syang maigi.

Hindi sya nakangiti.

Seryoso sya.

Seryoso syang nakatingin sa akin.

Sa akin!

"Cleoffe!" Agad akong napatayo at inayos ang mga gamit ko. Pati na ang damit kong dalawang oras kong pinaghandaan. Ngumiti ako sakanya pero hindi niya iyon pinansin at iniabot ang lipstick sa akin. Kinuha ko kaagad yun.

"Nasaan ang kapatid ko?" Tanong niya in a flat tone. Pumikit-pikit ulit ako.

"Aah. Ano. Nasa ano. Nasa...." God Ris! Anong nangyayari sayo??

"Are you okay?" Tanong niya. I shut my mouth. Wala akong sasabihing matino bukod sa pagkabulol ko. Jusko Ris! Dinaig mo pa ang teenager talaga.

"Cleoooooofy!" Nabaling ang atensyon naming dalawa sa tumawag kay Cleoffe. Napatingin din ako dun.

"Hi Fafa! Kanina kapa hinahanap ni Asumerang Bea-- Ooooooh! Who is this pretty young lady?" Maintriga nyang sabi kay Cleoffe. Napangiti naman ako sakanya.

"Hi." Sabi ko. Ngumiti naman sya sakin.

"Hello. I'm Cally." Sabay lahad ng kamay. Nakipagshake hands naman ako.

"Cally. Susunod na ako. Umakyat kana." Sabi bigla ni Cleoffe. Tinaasan naman ng kilay ni Cally si Cleoffe at tinitigan ako mula ulo hanggang paa tsaka ibinalik ang tingin sa mga mata ko.

"You must be Ris? Christine Sandoval? Right?" Ngiti nya sabay angkla ng mga kamay sa braso ni Cleoffe. Ngumiti naman ako.

"How did you know me?" Tanong ko sakanya ng may ngiti sa labi. Ngumiti naman siya sa akin at tinignan si Cleoffe na umiba naman ng direksyon ng tingin.

"Stalker mo kasi ako." Sabi niya sabay tawa. Ngumiti naman ako.

"Why don't you take her as your model?" Tanong ni Cally kay Cleoffe na nakapag-pakunot ng noo ni Cleoffe. Even mine.

"I-I don't..."

"Come on Ris. You have the looks and the body so I can't see why not? Just one try." Ngiti ni Cally sa akin. Nag-alangan akong ngumiti sakanya. Tinitigan ko naman si Cleoffe. Mata sa mata syang tumingin sa akin at para bang sinasabing wag?

Umangkla naman bigla sakin si Cally kaya napatingin ako sakanya. Walang sabi-sabing hinila nya ako at hindi na ako nakapalag pa. Kinuha nya ang bag ko at iniitsa kay Cleoffe. Agad naman niya itong nasalo at tinitigan ng masama si Cally. Ngumiti naman si Cally atsaka ako hinila papunta sa loob ng kompanya.

"You know what? Namiss kita." Sabi niya sakin at hinigpitan ang hawak sa braso ko. Napatingin naman ako sakanya.

"Namiss?" Tanong ko. Nginitian naman niya ako.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ay agad na nakaagaw ng pansin ang pagpasok namin. Halos mabali sa pag-ikot ang mga ulo ng mga taong nasa dadaanan namin. Nakaramdam ako bigla ng hiya.

"C-Cally..." bulong ko. Napalingon naman sakin si Cally and gave an assuring smile.

"Don't get nervous, mkay? You'll get used to it." Sabi niya at binilisan naman sa paghila sakin papuntang elevator. Tinitigan ko pa kung kasunod namin si Cleoffe ngunit hindi ko siya nakita kaya kinabahan ako.

"Si Cleoffe. Baka nagalit." Sabi ko ng makapasok na kami sa loob ng elevator. Marami pang bumati kay Cally bago niya ako nakausap.

"Wag mong intindihin ang gunggung na yun. Kaya nya sarili nya and besides, sya naman may ari ng kompanyang ito kaya-" i stopped him.

"ANO? SYA ANG MAY-ARI NG KOMPANYANG ITO?" Sigaw ko. Inirapan naman ako ni Cally na para bang ang tanga-tanga ko.

"Kung wala ka lang sakit, inumpog na kita." May binulong sya pero hindi ko marinig.

"Ano sabi mo?" Tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Ay. Hehe. Wala. Ano ka ba. Baka bubuyog lang yung narinig mo." Sabi niya. Tumango naman ako.

Nakarating kami sa 14th floor at nagbukas kaagad ang pintuan ng elevator. Sumalubong kaagad sa akin ang mga model na nag-gagandahan. Mga lalaking topless din. Napanganga ako.

"Oh my goood." Bulong ko ngunit humalakhak si Cally sa tabi ko. Tinignan ko naman siya.

"Wag masyado kung ayaw mong may magalit." Sabi niya. Nangunot naman ang noo ko.

"Sinong magagalit?" Tanong ko. Ibinaba niya naman ng bahagya ang salamin niya at tinitigan ako sabay nguso sa likod ko.

Sinundan ko naman ng tingin ang nginuso niya at nakita kong bumukas ang elevator. Iniluwa naman dun si Adoni- si Cleoffe na sambakol ang mukha at hawak-hawak ang bag ko.

Nagtama ang paningin naming dalawa at ngumiti ako sakanya. Ngunit inisnob naman niya ako at dumiretso ng lakad papunta sa akin at ibinigay ang bag ko. Napahawak agad ako sa bag ko at sinimangutan sya. Umalis naman siya kaagad sa harapan ko at sinundan sya ng tingin.

"Sungit." Bulong ko. Tumawa naman si Cally at tinitigan ko sya.

"Sayo lang naman darling. Sayo lang." Sabi niya.

DF2: Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon