TRLS 3

1.2K 72 5
                                    



[Scarlette's POV]

"Carleey, can we talk?" Rinig kong salubong sa akin ng kapatid ko pagkababa ko ng kotse ko. Tinignan ko lang siya.

"Please? Apat na araw na akong nakabalik dito pero hindi mo parin ako kinakausap. Yung mga pasalubong ko pinasauli mo raw sa kwarto.." Pagsusumamo niya sa akin at umiling lang ako.

"Pagod ako sa trabaho, better luck next time." Pang-aasar ko sa kanya at nilampasan siya. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nung hawakan niya ang braso ko.

"Carleey please. Let me make it up to you." Napapikit ako dahil sa inis at dahan dahang hinarap siya. Tinanggal ko rin ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Look, Sharmaine. Wala akong oras makipagdaldalan sayo okay? Maraming mas importante akong dapat gawin kesa makipag-kwentuhan sayo. Kaya pwede ba?" Asar kong sagot sa kanya.

Kita ko kung paano siya yumuko pero agad ding nag-angat ng tingin. Pilit siyang ngumiti sa akin. "S-Sige, 'wag kang magpapuyat masyado." Pagpapaalala niya sa akin at umirap naman ako.

"The hell you care." Sagot ko at tinalikuran nalang ulit siya.

Naglalakad na akong papasok ng bahay nung sa di malamang dahilan ay napatingin ako sa taas. I saw my mother looking at me intently. She smiled pero may kung ano sa ngiti niya ang hindi ko maintindihan. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagmadaling pumasok na.

Pagkadating ko sa kwarto ay agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos kong i-blower ang buhok ko ay dali dali akong pumunta sa walk in closet ko. Malaki ito at punong puno ng mga gamit ko. Mabilis kong tinungo ang pinakasulok ng kwarto at binuksan ang isang cabinet kung saan andoon ang mga painting materials ko.

Agad kong pinatayo ang easel at nilagay ang isang small empty canvas. I mixed paints in my wooden palette. Nanginginig pa ang mga kamay kong naghalo nito. I tied my hair first and immediately sat down on my chair.

Mahigpit ang hawak ko sa brush habang unti unti kong sinimulan ang magpipinta. Kung anu ano ang pumasok sa isip ko.


"Hey, Dad. What are you doing po?" Tanong ko sa tatay ko nung makita ko siyang kaharap ang isang empty na papel. Hindi ko alam kung anong tawag doon.

He smiled at me. "Hey, Sweetie. I'm going to paint. Will you watch me?" Nakangiti niyang tanong sa akin at halos magningning ang mga mata kong tumango.

I watch him paint. Every stroke of his brush. Every mixed of his paints. It was perfect...

I clapped my hands. "Wow, Dad! You're so magaling po! Wow!" Mangha kong sabi sa kanya at tumalong talon pa. Ngumiti naman siya habang pinagmamasdan ang natapos niyang obra.

"Do you want me to teach you, Scarlette?"


Nahinto ang kamay ko sa ere ng maalala ko ang sandaling iyon. I was 11 years old that time and I admire my Dad so much for being a great painter. Sabi niya sa lolo ko daw niya namana ang kakayahang yun. And he wants me to inherit it from him.

Napatingin ako sa ginagawa ko. Every space was clear white except for the long stem black rose na nasa pinakagitna ng canvas. It was wonderfull... yet dead. I sighed, matagal tagal na rin pala nung huli akong puminta. And unlike any of my paintings before, this one is dull. Walang kabuhay buhay.


*


The following days ay wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa coffee shop na pagmamay-ari ko. Yes, I own a coffee shop, it's been 2 years nung ipinatayo ko ito at plano ko pang mag-expand. It's been a week simula nung first attempt ng pakikipag-usap sa akin ng kapatid ko and ilag pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

The Real Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon