TRLS 21

850 34 23
                                    

[Scarlette's POV]


To: Alexander Aguilar

Hi, are you busy? Can we meet at my coffee shop later? It's about work. :)


I sighed as I send the text message. This will be the first time I contacted him since we haven't seen each other the past few days. I kinda, kinda miss his silliness. I always remind myself to stop waiting for lunch time where he usually visits his condo and brings food. So I settled for food deliveries and whatever. 

From: Alexander Aguilar

Ok.


Kumunot ang noo ko nung mabasa ko ang reply niya. 

Ok? 

Ok as in O at K? 

OK lang?!

Ni hindi man lang siya nag-abalang sagutin kung busy ba siya o hindi? Nag-smiley face pa ako tas ok lang talaga ang reply niya? Effort ah! Masasapak ko na talaga tong abnormal na lalaking to. Hindi ko kinakaya ang ka-weirduhan niya! 

To: Alexander Aguilar

6pm, sharp. Pag late ka, susunugin ko condo mo.


Huling text ko sa kanya at hindi na ako nakatanggap pa ng reply. Anak ng tuta talaga tong, Amerikanong hilaw na 'to! Bahala siya mamaya. Matitikman niya talaga ang hinahanap niya. 


"Miss S-Scarlette?" Napalingon ako nung biglang pumasok ang secretary ko sa office ko. Agad namang kumunot ang noo ko nung makita kong namumutla at mukhang kinakabahan siya.

"Bakit, Sally? May problema ba?"

"E-Eh kasi po..." Utal niyang sabi pero nahinto din agad nung may narinig akong sumigaw.

"Where is your manager?! I need to fire this clumsy stupid waitress!" 

"Is that a costumer?" Tanong ko at tumango naman siya, mukhang naiiyak.

Agad akong napatayo at tumungo sa labas. Ang una kong nakita ay ang nakayuko kong empleyado, sa harap niya ay mukhang magkasintahan at ang babae na dinuro-duro pa ang empleyado kong si Ivy. 

Napailing nalang ako at lumapit sa kanila. 

"Excuse me, Ma'am?" Awat ko at binalingan naman nila ako ng tingin. "Do we have a problem here?" Patay malisya kong tanong at inirapan naman ako ng babae.

Aba! 

"Obviously," she stated with full sarcasm, the nerve! "Are you the manager? I want this stupid girl fired!" 

Napatingin naman ako kay Ivy na ngayon ay umiiyak na. Napahawak ako sa batok ko nung ma-realize ko na nasa amin na ang atensyon ng ibang mga costumer. 

"Ivy?" Tawag ko sa empleyado ko at naluluha naman niya akong tinignan. "Go on and change your clothes. Sa cashier ka nalang muna," Utos ko sa kanya nung makita kong basa ang damit niya. 

"Excuse me? Didn't you heard me? I want this girl and whoever made my French press fired!" Singit ulit ng babae at napapikit naman ako sa inis. 

"Ano po bang mali sa inorder niyo?" 

"I ordered French press with 25% sugar, she served it to me with 75%! I told her that I got the wrong order at nung kinuha niya ay natapon pa sa akin! I'm sorry ha? But is it really necessary for your employees to be clumsy?" Hysteric niyang salaysay sa akin at parang pumantig naman ang tainga ko sa huling sinabi niya.

The Real Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon