Guys, check my profile for my new story entitled, The Sovereign.
[Scarlette's POV]
Alexander Aguilar sent you a friend request.
Iyan agad ang nagpop-out sa notification ko pagkadating ko sa kwarto ko. Tumaas naman ang kilay ko at clinick ang profile niya. His profile picture is a picture of him na naka-side view at ang background nito ay ang Golden Gate Bridge. Namamangha naman akong tumingin sa 4.6K likes ng picture na iyon. Tinignan ko rin ang list of followers niya at nakita kong meron siyang 39,836 followers.
Wow. Iba na talaga.
Napailing ako at agad na clinick ang confirm. Wala pang dalawang minuto ay nagchat ito.
Alexander Aguilar
Send pictures.
Sent 9:16 PM
Tumaas na naman ang kilay ko. What picture? Stolen pictures niya? Agad kong pinasa ang pictures sa camera ko papunta sa phone at sinend iyon sa kanya. Sinama ko pa iyong isang picture ko habang kumakain ng cotton candy.
Scarlette Guevarra
Don't stare at my picture too much, hm?
Sent 9:23 PM
Alexander Aguilar
Sure, cotton candy. >:D
Sent 9:24 PM
Nagsend lang ako ng inis na sticker at hindi na siya nireplyan. Pumili ako ng tatlong pictures kanina at in-edit iyon para sa instagram ko. Ang una kong pinili ay ang buong Amusement Park na kuha ko habang nasa taas kami noong sumakay kami ng Ferris Wheel. Pangalawa kong pinili ay ang picture ko sa parang ginawa kong payong ang cotton candy. Panghuli ay iyong ferris wheel na parang half lang ang makikita at napapaligiran ng mga puno.
Pagkatapos kong i-edit iyon ay mabilis kong pinost sa IG ko. Nagcheck rin ako ng mga pending follower's request at nakita kong finollow ako ni Alexander. Ano bang trip nito sa buhay? I clicked confirm at finollow ko rin siya pagkatapos ay vinisit ko ang profile niya.
@zas.aguilar started following you.
Ano iyong zas? Initials niya ba iyon? Inexit ko na ang instagram dahil wala namang interesting sa post niya doon.
Scarlette Guevarra
What do you mean by zas?
Sent 9:38 PM
Alexander Aguilar
Zachary Alexander Samuel. Nice to meet you too, Scarlette Marie.
Sent 9:40 PM
Nagsend ulit ako ng inis na sticker at nagsend siya ng tumatawa na sticker. How did he know about my second name? Iniistalk niya ba ako? I shrugged the thought off and took a shower. Alas diyes na noong makabalik ako sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at napakunot ang noo ko nung makita ko ang isang notification sa instagram.
@zas.aguilar tagged you in his photo.
I clicked it halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. It was a picture of me earlier habang nakatingin ako sa mga cotton candies. Ang laki ng ngiti sa mukha ko at nakaturo pa ako sa taas nito, ito yung time na pumili ako ng unicorn color na cotton candy. Oh my God. I really look stupid, but cute. Hehehehe.
BINABASA MO ANG
The Real Love Story
JugendliteraturWill she find the happy ending she had been looking for so long?