TRLS 8

814 54 4
                                    


[Scarlette's POV] 

Simula noong gabing yun ay madalang nalang kaming magpansinan ni Alexander. Kung mag-uusap man kami ay tungkol lamang iyon sa trabaho at wala ng iba pa. Hindi na rin siya nagtanong tungkol sa nangyari at labis labis kong ipinagpasalamat yun. 

"Scarlette?" Napahinto naman ako sa paglalakad nung tawagin niya ako mula sa likuran. Hindi ako lumingon at hinintay ko nalang siyang sumabay sa akin bago kami nag-lakad ulit. 

"I'm sorry for judging you last time, I think I crossed the line.." 

Bahagya pa akong napahinto sa paglalakad at tinignan siya. "It's alright, really. I should be the one apologizing for lying.. Sorry, Alexander." Medyo nakayuko kong sabi sa kanya at naramdaman ko namang iniangat niya ang ulo ko. 

"I don't know what your reasons are but I understand. Gusto ko lang malaman, why do you hate Sharmaine?" Napabuntong hininga ako dahil alam ko namang itatanong niya iyan. Hindi ko matatakasan to habang nagtatrabaho ako sa kanya. 

"Hindi kami close.." I answered him in a matter of fact tone. Gusto ko pang dagdagan at magpaliwanag pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Uhh yeah. She told me that before.." 

"She did?" Hindi ko alam kung anong meron sa boses ko dahil nakita ko siyang ngumiti but nevertheless, I don't know how to feel knowing that my sister had talked about me before. 

"Yup! She told me that she wanted to make it up to you but you were so distant to the point that you left home and stayed at your Grandma's." Napahinto ulit ako sa paglalakad at tinitigan siyang mabuti. 

Ngumiti siya. "Ever since, I've been wanting to meet you in person to know if you really match to her stories and what a small world, isn't it? The girl my ex-girlfriend had been talking about before is standing right in front of me now."

Napatitig ako sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko ay kilala niya na ako dahil sa mga kwento ng kapatid ko? Bakit parang iba ang pakiramdam ko? Paano? Kailan? Gusto ko uling magtanong sa kanya ng tungkol doon pero hindi nalang ako nagsalita hanggang sa dumating kami sa lobby ng condo niya. Tipid akong ngumiti sa kanya. 

"Pa'no? Una na ako." 

He smiled and patted my head. "Take care, see you tomorrow." 

I nodded at nagsimula nang maglakad pero tinawag niya ulit ako. "Yes?" 

"Like what I said earlier, I don't know what your reasons are. But I wish all the best for the both of you. Give her a chance, Scarlette. She wanted it so bad before.." Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti bago nagpatiunang maglakad. 

Sinundan ko siya ng tingin bago siya tuluyang mawala sa paningin ko at inalisa ang mga sinabi niya. 


Give her a chance, Scarlette. She wanted it so bad before.. 


"Manang?" Usal ko bago ako kumatok sa pinto ng kwarto niya. Rinig ko ang nagmamadaling yabag niya bago ako pinagbuksan ng pinto. 

"Oh, Dyos ko! Anong ginagawa mo dito, anak?" Ngingiting tanong niya bago ako hinila papasok ng silid. 

"Naisipan ko lang pong dumalaw. Did you eat dinner? May dala akong pagkain!" Nakangiti kong sabi sa kanya habang iniangat ko ang plastic bags na dala ko. Napailing naman siya. 

"Kaya pala wala akong ganang kumain kanina dahil aayain mo pala ako ngayon." Humalakhak siya. "O siya, tayo na't pumunta sa kusina at ipaghahain kita.." 

The Real Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon