Prologue

328 5 3
                                    

All characters names, event and setting are fiction
This story is purely from imaginations, any part of the story that is similar to other stories are coincidence
Reader below 18 are not suitable
Plagiarism is a crime
This story contains mature scene

***

Coleen POV

Tumakbo ako ng mabilis habang hinahabol ng kawal ni Grand Duke Lowell Windsor.

Ang aking pinakamamahal na asawa.

Sobrang sakit! Ang nadarama ko.

Dahil mas pinili niya ang step sister ko si Cindy na iligtas.

At ako?

Ngayon, hinatulan ng kamatayan dahil sa pagtangka kong patayin ang step sister ko.

Hinahabol nila ako dahil tumakas ako pagkatapos nilang makita ang ginawa kong pananakit sa stepsister ko na si Cindy.

Kaya ngayon, heto ako tumatakas sa alagad ng batas.

Napahinto ako dahil bangin na ang babagsakan ko.

Napatingin ako kay Lowell na humihingal at nag aalala ang kanyang mukha.

Nag aalala ka ba sa kin? Punong puno na ng luha ang aking mga mata.

"Coleen, please? Sumuko ka na sa batas. Kailangan mong harapin ang kasalanan mo sa iyong kapatid!" Pag mamakaawa nitong sinabi.

"Kahit kailan... Hindi mo ko pinakinggan sa mga paliwanag ko. Lowell, Siguro... Siguro nga kailangan kong mawala sa buhay ninyong dalawa ni Cindy" Nasasaktan kong sinabi.

Natahimik si Lowell sa mga sinabi ko. May bumalot na kunsensya sa kanyang mukha.

"Please? Nag susumamo ako sa iyo - pa - paano na ang mga anak natin " Nag mamakaawa niyang sinabi.

Papaano naman ako susuko. Kung kamatayan din naman ang kaparusahan ko?

"Sinasabi mo lang yan dahil gusto mo akong sumuko sa alagad ng batas" Pareho kaming nakatitig sa isa't-isa.

"Hindi - hindi mo naiintindihan!" Taranta nitong paliwanag.

Gusto kong malaman ang isang tanong na nagpapagabag sa aking isipan.

"M - minahal mo ba ako?" Bigla itong nag alinlangan sa tanong ko.

"Sa loob ng dalawang taon. Ginawa ko ang lahat para...mahalin mo din ako!" Umiiyak kong tanong.

Hindi makasagot si Lowell sa tanong ko. Halatang malalim ang iniisip.

"Ma - "

"Binigay ko ang lahat pero wala pa rin tugon mula sa iyo. Sino nga ba ako? Isa lang akong babaeng kontrabida sa buhay ninyong dalawa ni Cindy. Siguro nga mas mabuti pang mawala na lang ako para maging masaya kayong dalawa at mag sama habang buhay" Hindi ko na mapigilan na mapahagulhol.

"No! Please - Don't ever think of that. Coleen!" Takot na takot na sinabi ni Lowell. Tumingin ako sa ilalim ng bangin. Malalim ang babagsakan ko at alam ko na hindi ako maliligtas sa ilalim ng dagat.

"Good bye. Lowell, kahit siguro sa kabilang buhay. Hindi mo pa rin ako pipiliin. Patawarin mo ako kung sinira ko ang pagmamahalan ninyo ni Cindy" Pumikit ako bago inihulog ang katawan sa dagat.

"Coleennnnn!" Ang huling narinig ko kay Lowell.

***

"Coleen"

Napamulat ako ng mata.

Nandito pa rin ako sa tubig?!

"Patay na ba ako?" Tanong ko sa isip.

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon