Chapter Five

116 2 0
                                    


Flashback

Coleen POV

Tulala pa rin ako. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa amin kanina ni Lowell. Kinapa ng daliri ko ang namanaga kong labi.

Hindi ko akalain na masarap palang mahalikan.

Nabitawan ko ang lapis. Kasalukuyan akong nag re review sa takdang aralin namin para sa gaganaping pag susulit sa susunod na linggo.

Sa ngayon mine maintain ko ang mataas na marka sa buong Royal Academy.

Subalit walang pumapasok sa isip ko kundi ang naganap sa amin ni Lowell kanina.

Bakit niya ako hinalikan?

Sinabi n'ya talaga na papatay siya kung may ibang lalake ang humalik sa akin?

May kilig akong nadarama. Hindi ko namalayan na mapangiti ako mag isa sa kakaisip kay Lowell. Napalingon ako dahil naramdaman ko na bumukas ang pinto.

Si Bruhang si Cindy.

"Munti kong kapatid." Wika niya. Kaya napa angat ang kilay ko dahil hawak niya ang baso ng gatas.

"Anong kailangan mo. Cindy?" Walang emosyon kong tanong.

"May dala akong gatas para makatulog ka ng maayos at gusto kitang makakwentuhan" Nakangiti nitong sinabi.

"Hindi ka na sanang nag abala pa. Dahil wala akong ganang makipag kwentuhan sa iyo" Bumalik ako sa pag re-review.

Parang napahiya ito sa sinabi ko.

"Nguni't gusto ko lang na magkipag kasundo sa iyo dahil... Parang kapatid na ang turing ko sa iyo lalo na wala akong nakababatang kapatid" Napahinto ako sa sinabi niya.

Kapatid? I doubt!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Kapatid? Hindi ko kailangan ng kapatid at lalo wala akong interes na maging kapatid kita. Cindy" Mariin kong sinabi.

"Coleen" Mahina nitong usal. Para itong maiiyak.

Hindi niya ako maloloko sa pag arte niya.

"Kung ako sa iyo umalis ka na. Hindi ko kailangan ang isang katulad mo. Cindy" Pag papaalis ko sa kanya. Bumalik ako sa desk para simulan mag aral ng takdang aralin.

Huminga ito ng malalim. Naramdaman ko na ang pag sara ng pinto.

Buti naman at umalis si Cindy sa aking silid.

***

Papasok na ako sa gate ng Royal Academy.

Napansin ko si Stephano naka abang sa gate.

Nakayuko ito at parang may hinihintay. Nakangiti akong lumapit kay Stephano. Hindi niya napansin na nakatayo ako sa harap niya.

"Stephano!" Bigla itong napa angat ng ulo at parang gulat pa itong tumitig sa kin.

"C - Coleen" Para itong nanginginig at mamumula ang mga pisngi.

"Oh bakit namumula ka? Naiinitan ka ba?" Nagtataka kong tanong.

Nilapat ko ang kamay sa kanyang noo. Mas lalo namula ang mukha nito.

"Ang init mo? Mukhang may sakit ka ata! Tara, pumunta muna tayo sa clinic" Anyaya ko sa kanya. Inilagay ko ang kamay sa kanyang braso. Subalit para itong napapaso kaya iniwas n'ya agad ang kanyang kamay.

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon