Chapter Eleven

122 3 1
                                    

Beware Mild SPG Ahead

Flashback

***
Coleen POV

Nanunuri ang tingin sa kin ng mayordoma ng Windsor. Si Mayordoma Imelda.

Pagkatapos kong ibigay sa kanya ang resume ko. Tinitigan niya ako. Parang binabasa niya ang pagkatao ko.

"Sigurado ka bang servant ang position mo? Aba'y napaka ganda mo, Iha?" Inayos ko ang suot kong salamin.

"Opo, Mayordoma" Ginamit ko ang pangalan ng dati namin taga silbi ng Parker na si Laarni Martins.

"Kung gaanon maaari ka ng mag simula ngayon dahil darating mamaya ang Grand Duke ng Windsor mula sa kanyang misyon" Paliwanag nito.

Hinatid niya ako sa silid ng mga servant ng Windsor. Binigyan niya ako ng kasuotan.

Pagkatapos kong suotin ang servant uniform. Pumunta kami sa buong palasyo para I briefing ako.

Malapit na mag tanghaliang tapat nang mag yayang kumain ang Mayordoma. Pinakilala niya ako sa ibang mga serbidora. Kimi lang ako ngumiti sa kanila. Sigurado naman ako na hindi nila ako nakikilala.

Pagkatapos naming kumain.

Inutusan akong mag linis ng sala. Kahit nahihirapan akong gumamit ng walis at pamunas dahil hindi ako sanay sa gawain bahay kaya wala akong idea sa mga bagay na ito.

"Ganito ang tamang pag punas, Laarni" Mababait ang ibang servant dito ng Windsor. Lalo na ang kanilang Mayordoma. Pero si Diana na masama ang tingin sa kin.

Sinubukan kong gayahin ang ibang mga servant ng Windsor sa kanilang trabaho.

Tahimik lang ako nag mamasid sa kanila.

Hindi ako pumasok sa klase dahil dumirecho agad ako dito sa Palasyo ng Windsor para tuparin ang plano ko.

Maghahating gabi na kaya mag tataka sila na hindi pa ako umuuwi.

Sigurado akong hinahanap na nila ako.

Dahil hindi pa nila nakukuha ang ari-arian ni Ama kaya matataranta ang Duke ng Jackson.

Mas higit na mayaman si Ama kumpara kay Duke Charles Jackson na isang sakim at walang pag papahalaga sa mga taong nasa paligid niya.

Anyway sisiguraduhin ko na hindi na ako uuwi sa Mansion dahil dito na ako titira simula bukas.

Malapit nang mag dinner. Kinakabahan ako dahil dumating na ang magulang ni Lowell.

"Laarni, pakidala ito sa kanilang lamesa at manatili ka sa kanilang tabi"

Inutusan akong dalhin ang pag kain sa kumedor.

Kinakabahan ako na baka mamukhaan ako ng magulang ni Lowell kaya pinilit kong itago ang aking mukha. Subalit matiim ang titig sa akin ng ama ni Lowell. Kaya napangiti ito na parang natutuwa na nandito ako sa kanilang palasyo.

Sabay silang tahimik na kumakain ng kanyang asawa. Manaka naka silang tumitingin sa akin. Hanggang sa matapos silang mag asawa.

Tumayo ang Ama ni Lowell subalit nag taka ako dahil lumapit siya sa akin.

"Kung may plano ka sa aking anak gawin mong mas maaga. Sisiguraduhin kong sususportahan kita sa binabalak mo. Mamayang alas nuwebe darating ang aking anak" Nagulat ako sa sinabi ng Ama ni Lowell.

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon