Chapter Ten

150 3 3
                                    

Flashback

***

Coleen POV

Paikot ikot ako sa loob ng aking silid. Nalalapit na ang engagement ni Cindy at Lowell sa susunod na linggo mula sa mission nito.

Kailangan kong makagawa ng paraan!

Hindi niya maaaring maagaw sa kin si Lowell. Kailangan kong makaalis sa pamamahay na ito! Dahil mapapahamak ako sa ama ni Cindy.

"Akin lang si Lowell! Kung kinakailangan na maging masama ako! Gagawin ko!" Kanina pa ako nag iisip ng paraan. Napatingin ako sa botelya ng pabango.

Biglang pumasok sa isip ko ang pag uusap ng dalawa kong kaklase habang ako tahimik lang nag babasa ng libro.

Flashback

"Narinig mo ba ang balita? Inakit ni Binibining Chloe si Ginoong Arthur dahil sa love portion na binibili sa black market ng City of Windsor"

"So, totoo nga ang balita?"

"Oo, binili niya ito sa matandang babae na nangangalang Selina, ang kilalang mangkukulam." Umiiling ang dalawang kaklase ko.

Tama! Ang babaeng mangkukulam! Kailangan ko ng gayuma para maisakatuparan ang plano kong makuha si Lowell.

Kailangan kong hanapin ang mangkukulam.

Pero saan ko ito mahahanap? Napakalaki ng City of Windsor?

Isang linggo na lang at ma e engaged na si Lowell kay Cindy.

Kailangan kong mag madali. Bago mahuli ang lahat.

Kailangan mapa sa akin ang mahal ko. Lalo na't kailangan ko makuha ang titulo ng Grand Duchess ng Windsor.

***

Pagkatapos ng klase ko. Tinakasan ko ang kutsero ng mga Jackson. Para hanapin ang matandang mangkukulam.

Nag suot ako ng itim na kapa. Para hindi ako makilala ng mga tao sa paligid.

Dala ko ang purse na may konting pera. Para mabayaran ko ang mangkukulam.

Kanina pa ako nag tatanong kung may kilala silang Selina at kung saan ko ito makikita ngunit ang iba'y hindi ako pinapansin at ang iba'y may takot sa kanilang mukha.

Halos dalawang oras na ako dito sa City of Windsor.

Napapagod na ako!

Ramdam ko ang pawis sa aking katawan subalit hindi ko pa rin makita ang mangkukulam.

Nakita ko ang isa sa pinakamagandang fountain ng lugar. Lumapit ako bago kumuha ng pera sa purse.

Sabi nila na matutupad ang kahilingan mo kung mag huhulog ka ng barya. Ibinato ko ang barya sa fountain bago humiling.

Ang aking kahilingan na mapasa akin ang lalakeng iniibig ko.

Nanghihina akong napaupo. Hanggang sa hindi ko mapigilan na mapaluha.

Napahinto ako nang marinig ang boses ng matandang babae.

"Bakit ka umiiyak, Binibini?" Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Para sana tarayan ang matandang ito sa pakikielam niya sa akin.

"Pakielam mo, Tanda! Pwede bang huwag mo akong pansinin!" Pag susungit ko.

"Alam ko ang iyong kailangan kaya mo ako hinahanap" Marahas akong tumingin sa kanya.

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon