Chapter Twelve

114 1 1
                                    

Flashback

***

Coleen POV

Isang matinis na sigaw ang narinig ko bago ako nag mulat ng aking mga mata.

"Anong ibig sabihin nito?!" Kinusot ko ang mga mata. Pag baling ko ng paningin nakita ko ang magulang ni Lowell nakatayo sa bungad ng pinto.

Pagkasindak ang mababanaag sa kanilang mukha. Palipat lipat ang tingin nila sa min.

Biglang napabangon si Lowell.

"Ina, bakit ka -" Nahinto sa pag sasalita si Lowell nang makita niya ako sa kanyang tabi.

Umawang ang kanyang mga labi at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

Habang ako natatarantang ibinalot ang kumot sa aking katawan.

"A - ano -" Mag papaliwanag sana ako ngunit pinahinto ako ni Lowell.

"Anong ginagawa mo dito, Coleen?" May panganib sa kanyang tanong.

"Ha?...ano... Kase..." Natataranta na ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Dahil nakaramdam na ako ng takot sa bigat ng kanyang tinig parang gusto akong saktan ni Lowell lalo na nakikita ko na nakakuyom ang kanyang kamao.

"Bakit narito ka sa aking silid?" Malalim ang kanyang boses. Tataas ang balahibo mo kapag hindi mo sinagot ang tanong niya. Parang nag ibang tao si Lowell.

Bigla akong nag sisi dahil sa ginawa kong pamimikot sa kanya.

Hindi! Coleen, kailangan mong labanan ang takot mo kundi hindi mapapasa iyo si Lowell.

Lumunok muna ako bago nag lakas loob na sagutin si Lowell.

"Naparito ako d-dahil gusto kitang makasama. Mahal ko" Matapang ko siyang tinitigan.

"Hindi ka maaaring -"

Pumagitan ang kanyang ama. Mababakas mo sa kanya ang galit. Kaya bumaling ang tingin namin sa kanya. Kipkip ko pa rin ang kumot sa aking katawan.

"Kailangan mo siyang pakasalan sa lalong madaling panahon! Lowell, dahil dinungisan mo ang pagkababae ni Binibining Parker!" Maawtoridad na utos ng ama ni Lowell.

Tinignan niya ako mababakas ang mga pulang marka sa aking mga balikat at magulo ang aking buhok.

"Hi - hindi maaari dahil may kasintahan ako. Ama, naipangako ko na pakakasalan ko siya sa susunod na buwan!" Tutol nitong sagot sa ama.

"Hindi ako makakapayag na magpakasal ka sa ibang babae. Dahil nakipag talik ka sa anak ng namayapang Baron ng Parker. Kailangan mo siyang panagutan. Ngayon pa lang ihanda n'yo ang inyong sarili. Mamayang tanghali ang seremonya ng inyong kasal!" Umalis ang ama ni Lowell na galit na galit. Ang kanyang ina tinitigan muna kami bago ito sumunod na umalis.

Bumaling ang tingin sa kin ni Lowell.

"Hindi ko alam ang binabalak mo. Coleen, sisiguraduhin ko na magiging bangungot ang buhay mo. Pagkatapos ng ating kasal! " Banta niya. Umalis sa kinahihigaan si Lowell. Hindi niya alintana na nakahubad siyang tumayo.

Kaya namumula ang aking pisngi. Kahit may nangyari na sa amin kagabi ngunit nandoon pa rin ang pagkailang ko na makakita ng kasarian ng isang lalake.

Kahit isa itong bangungot. Nakahanda na ako. Ang importante sa akin mapasaakin ka lang!

"Ngayon pa lang ihanda mo na ang iyong sarili" May halong banta nitong sinabi. Umalis ito sa silid at iniwan akong mag isa.

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon