Chapter Three

160 7 0
                                    

Flashback

Coleen POV

Nandito ang lahat ng mga estudyante ng Royal Academy. Para sa gaganaping Competition ng Axe, Sword at Archery.

Mga secondary, junior at senior student ang nandito para manood ng laban ng manlalahok sa competition.

Actually pinag babawal ang mga estudyante ng elementarya dahil wala pa kami sa wastong gulang para humawak ng weapons.

Naka focus kami sa aming pag aaral.

Kaya pinag titinginan ako ng mga secondary, junior, senior student dahil may elementary student sa competition. Ang iba napapataas ang kilay at ang iba pagtataka ang nasa mukha nila at ang iba naman natatawa. Dahil sa uniforme naming mga elementary.

Anong ginagawa ng bulinggit na ito sa competition?

Mga naririnig kong bulong nila.

Subalit wala akong pakielam. Gusto ko lang makita ang crush ko na si Lowell. Kaya ginagantihan ko sila ng irap.

Narinig kong tinawag ng host ang mga nanalo sa competition. Sina Crown Prince Andrius, Alexander, David at Lowell.

Napakagwapo nila!

Akin ka na lang Prinsipe Andrius!

Pakasalan mo ako Ginoong Lowell!

Naririnig kong tilian ng mga estudyante.

Sina Prinsipe Andrius at Lowell, David at Alexander ang nakatayo sa gitna ng entablado.

Binigyan sila ng parangal ng Mahal na Haring Darius at Reyna Danica dahil nanalo sila sa competition.

Nanatili ang titig ko kay  Lowell na hindi nakangiti.

Bakit hindi siya ngumingiti? Totoo ba ang balitang napaka suplado niya?

Pero bakit sa akin?

Lumakas ang tibok ng puso ko.

Sa batang edad ko sa kanya lang tumibok ang puso ko.

Kahit labing isang taon gulang pa lang ako. Nagkaka crush na ako sa mas ahead sa kin.

Tumingin siya sa min. Hanggang sa mabaling ang tingin niya sa akin. May gulat sa kanyang mga mata at mariin niya akong tinitigan. Kaya namula ang mga pisngi ko. Akmang ngingitian ko siya subalit nilapitan siya ng kaedad niyang babae.

Kulay brown ang buhok nito at may maganda at maamong mukha. Kaya nawala ang ngiti ko nang kinausap ito ni Lowell. Dumilim ang mukha ko at kumuyom ang kamao. Dahil sa selos na nadarama.

Sino ang babaeng iyan?! Hindi ako makakapayag na maagaw niya sa kin si Lowell! Akin lang sya!

Walang pwedeng maka agaw sa lalakeng itinatangi ko!

Kaya umalis akong masama ang loob.

***

Ngayon ang araw ng kasal ni Ina. Masaya itong nakangiti sa asawa nito. Habang nakaupo ako sa gilid ng simbahan.

Halos nandito ang kamag anak ng kanyang bagong asawa na isang duke sa Windsor.

Ang iba'y napapatingin sa akin habang nagbubulungan.

Siya ba ang anak ni Maribeth?

Ang layo ng kanilang mukha?

Mukhang maldita ang kanyang anak.

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon