Chapter Fourteen

154 3 2
                                    

Flashback

***

Coleen POV

Napamulat ako ng mata. Dahil naramdaman ko ang bigat sa aking baywang.

Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama. Alas kwatro pa lang ng umaga. Akmang aalisin ko ang nakadagan sa akin. Nang nilingon ko ang may ari ng binti. Kaya napa awang ang labi ko sa gulat.

Lowell? Anong ginagawa niya dito?
Akala ko ba galit siya sa akin? Tanong ko sa isip.

Nakaramdam ako ng init sa aking puso.

Nakasiksik siya sa aking leeg. Habang ang kanyang isang braso nasa aking ulunan at ang isa nasa aking baywang.

Ramdam ko ang kanyang hininga na nasa aking leeg.

Napangiti ako dahil dito natulog sa aking tabi ang asawa ko.

Mahal na mahal kita, Lowell, kahit sinaktan mo ako sa unang gabi natin bilang mag asawa. Hindi pa rin napapawi ang pag mamahal ko sa iyo. Kahit anong mangyari ikaw lang ang lalakeng mamahalin ko habang buhay. Hinding-hindi ko hahayaan na may sumira sa ting dalawa bilang mag asawa.

Dahan dahan kong hinaplos ang napakagwapo niyang mukha.

Nagsalubong ang kilay nito. kaya't inalis ko agad ang aking kamay sa kanyang mukha.

Ayokong magising ang asawa ko baka masira lang ang pag kakataong kong ito na makatabi ang mahal ko.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha. Nakaramdam ako ng antok. Hanggang sa pumikit akong muli at bumalik mula sa pag tulog.

***

Naramdaman ko ang init na nagmumula sa bintana. Kaya't napabangon ako subalit napakagat ako sa labi nang maramdaman ko ang sakit sa aking pagkababae.

Napatingin ako kay Lowell na may pag aalala na baka magising ko siya mula sa masarap niyang pag tulog.

Nang hindi siya gumalaw. Dahan dahan kong inalis ang kanyang braso sa aking baywang.

Kahit masama ang aking pakiramdam. Pinilit kong tumayo mula sa higaan.

Nguni't masakit pa rin ang mga binti ko. Kaya napaupo akong muli.

Ang sakit! Piping sigaw ng isip ko.

Pinasukan ba naman ako ng malahigante niyang pagkalalake. Kung di ba naman ako masaktan.

Napabuntong hininga ako.

Ginusto ko itong kaya mag titiis ako. Sabagay nararapat lang na parusahan niya ako dahil sa pamimikot ko sa kanya.

Kahit masakit pinilit kong dahan dahan nag lakad papuntang banyo para makaligo.

Tinanggal ko ang aking kasuotan at humarap sa shower.

Nag iisip ako kung paano ko pag lingkuran at pag silbihan ang asawa ko.

Sa ngayon, naisip ko na itigil ko muna ang pag aaral. Dahil mas mahalaga sa kin na pag silbihan ko ang aking asawa. Para makuha ko ang pag mamahal niya at layuan niya ng tuluyan si Cindy.

Isang ahas ang babaeng iyon kaya kailangan kong mag ingat sa kanya.

Pag baba ko ng kwarto pinilit kong mag lakad ng maayos.

Para hindi nila mahalata na may dinaramdam ako.

Plano kong ipaghanda si Lowell ng almusal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon