Page I

45 2 0
                                    


LOU's POV


Teka. Di maregister sa utak ko yung pinag sasabi nito. Una, Dinala nya ako sa kung san man to. Pangalawa, Sinasabi sabi nya mamatay tao ang tatay ko? Okay, oo nakulong nga si Papa noon pero nakalaya sya dahil wala nga daw syang kasalanan diba? Pangatlo naman, Sinasabi nya na sya si Michelle? Ang mabait na si Michelle? ang layo din ng mukha nya huh? nababaliw na ata to.


"Nathan! Pasok!" Bigla nyang sigaw. Sino naman kaya ang tinatawag nito? N-Nathan?


Pagkasigaw nya, biglang bumukas ung pinto at unang pumasok si Mama sumunod si Papa at si.. si Cassey? Nathan?? Anong ginagawa nila dito? Mga nakatali rin sila katulad ko pero si Nathan hindi. Teka ang gulo?


"Alexxx!" Sigaw ni Mama, At sabay sila ni Papa pumunta sa pwesto ko tinanong nila ako kung ayos ba ako sabi ko oo kahit gulong gulong nako.


"Wow! Look, sweet family huh." Biglang sabi ni Samara na si Michelle daw!


"Pakawalan mo na kami! Hindi ako naniniwalang ikaw si Michelle di nya to magagawa!" Sabi ko, tiningnan ko si Nathan pero nakayuko lang sya. Tumingin naman ako kay Cassey na gulong gulo na rin at umiiyak. "At bakit andito si Nathan at Cassey?!"


"Oh.. I forgot. He's my brother. Diba? Hahaha! Oh Cassey, Kung nanahimik ka lang kasi di na kita idadamay dito." Sabi nya. Teka magkapatid sila?? Ano? Ano?


"Teka gulong gulo nako sa mga nangyayari! Sinasabi mo na ikaw si Michelle tapos ngayon kapatid mo si Nathan?!" Sigaw ko.


"Totoo yun, Lou. Magapatid kami. Sya talaga si Michelle." Biglang sagot ni Nathan at ngayon nakatingin lang sya sakin at walang ka ekspre-ekspresyon ang mukha.


"See?? Hindi ako nag sisinungaling! Totoo lahat ng sinabi ko. Pero pwede tama na ang tanungan. Simulan na kaya natin ang palabas?" Sabi nya sabay hatak kila Mama at nilayo sakin, Bigla naman syang humugot ng baril mula sa likuran nya at itinutok sakin,  Sakin?!


"Samara wag!! Maawa ka!" Sigaw ni Papa.


"Bakit naawa ka ba ha? Nang patayin mo si Daddy?! Naawa kaba?!" Sigaw nya at nakatutok parin sakin ang baril, Anong gagawin ko? Isang kalabit lang pwede na akong matigok dito!! Sinubukan kong tanggalin ang mga tali na nakapulupot sakin pero ang higpit ng mga ito. Pano nato!


"Wag Michelle! Kaibigan natin sya!!!" Sigaw ni Cassey. Pero di sya pinansin at pumunta sa likod ko at saka tinutok ang baril sa ulo ko, My ghad! Katapusan ko na ba talaga to?!


"Subukan nyong lumapit!" Sabi nya.


"Mich.. Pwede naman natin tong pag usapan wag sa ganito, Kaibigan moko kaibigan kita!" Sabi ko sa kanya.


"Kaibigan kita? Never kitang naging kaibigan!" Sabi nya at idiniin pa lalo ang baril sa ulo ko, Masakit ha!


"Kung may kasalanan kami sayo, pag usapan natin ng maayos wag mo tong gawin Mich! Alam kong mabait ka." Sabi ko pero hindi nya pinansin.

Behind The Shadow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon