LOU
Lumipas pa ang maraming araw at hanggang ngayon nagtataka parin ako kung sino ba talaga yung babae na yon? Kapag nga tinatanong ko si Papa kung sino ba talaga yon lagi nyang sagot? Basta. The hell! Pinag iingat nya ko don tas ayaw sabihin kung sino at ano ba talaga ang meron.
Napapadalas na rin na lagi syang may kaaway sa phone, Tinanong ko na din si Mama kung may problema ba ang lagi lang din nyang sagot ay, 'Wala naman.' Kinakabahan lang kasi ako sa nangyayare.
"Oy, Asan na yun papel? Yung listahan ng herbal plants." Tanong sakin ni Cassey, andito kasi kami sa garden at ako ay abala sa pag kuha ng pictures. May project kasi kami sa science na kailangang kuhanan ng picture ang bawat herbal plants na inaasign samin. Ang nakapartner ko sa project nato ay si Cassey.
"Andyan lang nakaipit!" Sabi ko sakanya.
Nag tingnan ko sya tinaktak nya napala yung notebook ko at ayun nagkalat yung mga nakaipit!
"Cassey! Pulutin mo lahat yan!"
"Opo! Dae da kasing nakaipit eh! Ayun nakita ko na!"
Reklamo nya, Tss.
"Lou sino to?"
"AY PALAKA! NO BA MICHELLE BIGLA KANG NASULPOT DYAAN!" Sigaw ko, ganda ganda kasi ng tayo ko dito e bigla itong nasulpot sa likuran ko! Pero nakita ko sa mukha nya parang nagulat na may halong pagtataka ng makita nya yung picture. Kilala nya?
"Abay saan mo naman napulot yan? Kilala mo ba?" Sabi ko.
"Ha? Hindi no. Kaya nga tinatanong ko kung sino to nahulog kasi galing sa notebook mo, di nakita ni Cassey kaya ako nalang pumulot." Sabi naman nya.
"Ah kala ko kilala mo. Actually diko rin kilala yan. Haha! Binigay lang sakin ng Papa ko."
"Ahhh... Bakit naman daw?" Michelle.
"Ewan! Basta sabi nya magingat daw ako sakanya. Gulo nga e." Sabi ko naman, binigay nya na sakin yung picture tapos tumingin sya sakin mata sa mata, grabe ayoko talaga ng tinitingnan to sa mata! Diko maintindihan e basta!
"Ah, Eh sige! Kukuha pako ng pictures eh! Mamaya nalang!" Sigaw ko sabay punta sa pwesto ni Cassey.
"Huy, nakakatakot yung mata ni Michelle no? Parang may gustong sabihin na ewan?" Sabi ko kay Cassey.
"Huh? Pinagsasabi mo dyan! Napapraning ka lang eh, kailan pa nagkaroon ng bibig sa mata!" What the. Sabog talaga to eh.
"Alam mo ang korni mo! Tss. Checkan mo na nga lahat ng napicturan ko na!" Sabi ko nalang sakanya. Kahit kelan e diko alam kung nasa matino paba tong pag iisip. =___=×
Pagtapos namin sa garden bumalik na kami sa room dahil tapos na ang time para sa science. Time naman ngayon para sa math. Pero ayos ah kahit papano nakakaintindi nako sa math! Hahaha. Happiness lang.
"Lou, Nagets mo?" Tanong ni Nathan. Oo naman ako pa?! Hahaha ngayon lang to!
"Hmm... Oo. Ikaw ba?"
"Wow bago yun sis ah?" Sabi naman ni Bradley, yeah kinareer nya na talaga ang pagtawag sakin na sis at ang pagiging bakla nya! Buong campus alam na, syempre panong dimo malalaman e kahit pagkilos nya beking beki na! Talaga pinakita nya na. Ako? Ganon parin. Oo bakla ako pero di naman masyadong pahalata at wala nakong pakielam kung alam na nila.
At dahil din sa mga nagyare samin, lalo pa kaming napalapit sa isat isa. Hindi na kami nagtataguan ng mga sikreto parang kapatid na yung turingan namin.
Dahil last subject namin ang math so meaning uwian na! Yess. Kailangan ko din kasing umuwi ng maaga at mag eedit pako ng pictures. Si Cassey talaga nakaasign dito eh pero sira daw yung desktop nila! Tss. Yaman yaman e. Walang pampagawa? :3 pero syempre sya pagagastusin ko sa print no. Ano ako na gumawa ako pa paparint? Swerte naman.
"Uwi nako guys! Marami pa kasing gagawin eh!" Paalam ko sakanila at nag sitanguan naman sila.
Pagkauwi ko nadatnan ko sila Mama at Papa na naguusap sa sala. Papasok na sana ako pero natigil ako sa sinabi ni Mama.
"Sabihin mo na kasi sa anak mo ung problema at yung pagkakakulong mo noon."
What?
--—---------------->
Someone's POV
Wow. So kilala na nya ko? Not exactly cause he really dont know my name at dahil iba ang mukha ko sa picture. So kailangan ko na pala gawin ng maaga ang mga plano ko.
"Pwede ba itigil na natin to Ate? Napalapit na rin naman sya satin!" Sabi ng aking kapatid. Isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya.
"At bakit?! Sila ang dahilan kaya namatay ang magulang natin!"
"Okay andun na tayo. Pero Ate wag mo naman syang idamay! Wala naman syang alam! At naging mabait sya satin sa loob ng 3taon!"
"Kahit na. Hindi naman sya madadamay dito kung hindi ko nalaman na sila pala ang magulang nya." Sabi ko
"Napakasakit nung makita ko si Papa na mamatay sa kamay ng walang hiyang yun! Kaya ngayon? Doble ang ipaparamdam kong sakit sa kanya, at ipaparamdam ko rin sakanya kung pano mawalan ng mahal sa buhay sa mismong harapan nya!" Sabi ko ulit
"Alam ko yon Ate pero...."
"Wag ka na komontra mahal kong kapatid, enjoyin mo nalang ang mga mangyayari alam ko din namang gusto mo to."
Humanda ka. Dahil sisimulan na ni Samara ang mga plano nya. *insert evil laugh here*
---------
Sino si Samara? Si Samara po yung babae sa picture. Pero sino ba talaga sya?! May binigay na kung clue!! Waaaahhh! Dito na magsisimula ang mga pasabog ni otor. Hihihi. Comment pleaseeee.. ty!
Hello APRIL! BE NICE TO ME AND TO THE OTHERS! HIHI
-asdfgpkluv♥
BINABASA MO ANG
Behind The Shadow [COMPLETED]
Genç Kurgu"Honesty is the best way to have a strongest relationship not with your love ones but also with your bestfriends." Short story only.