Last Page

65 2 0
                                    


After 1 year...


 


 


"Waaaahhh! Mamimiss kita LOUU!!"


 

"Ako diiinnn!"


 

Nag sisigawan nanaman sila. Tss. Graduation kasi namin ngayon, ambilis ng panahon parang kailan lang lalaki pako ngayon babae na. Chos!


"Wag nga kayo maingay!! Nakakastress kayo huh?!" Sigaw naman ni Cassey. Matapos ang nangyari noon, Ilang araw din kaming tahimik. Tanging si Bradley lang ang nagiingay samin. Parehas kaming tulala at wala lagi sarili, takang taka na nga si Bradley nun e. Pero nakamove on din naman kami nun pagkatapos ng ilang araw. Nung handa na kami kinwento namin kay Bradley ang nangyari at ang bakla o.a kung makareact! Sinabi ko nalang na tapos na yun.


"Hayaan mo na sila.. Babe." Sabi naman ni Nathan kaya nasapak sya ni Cassey, Babe daw? Ew ha. Nathan naman di pumasok ng dalawang linggo dahil mas kailangan daw nyang tulungan si Michelle nang medyo bumuti buti na daw si Mich pumasok na sya, Syempre mas uunahin nya ang kapatid nya no. Dahil sa kalagayan ni Michelle di na sya nakakapasok, dapat kasama namin sya ngayon na gumadruate e. Pero ayos na yun, mas mahalaga gumaling na sya.


"Ang gwapo ay, ganda mo talaga Bradley!" Sabi nung kaklase naming babae. Syempre matagal na nilang alam na beki tong si Bradley kaya ayan binobola na.


"Ay! Alam ko yan te! Tignan mo mas maganda pako sayo. Diba Sis?? Hahaha! Hindi yun joke." Sabi nya sa babae habang tumatawa. Siraulo talaga to. Inirapan ko nalang sya sa ginawa nya. Grabe, gandang ganda sa sarili? Mas maganda pa kaya ako. Joke!


"Nathaaann! Libre mo kami ice creaamm." Sabi ulit ni Bradley sabay kapit sa braso ni Nathan, Nasabi ko naba na crush nya to? Crush na crush daw. Galing no? Dati crush ko sya tapos sya crush si Nathan tapos crush ni Nathan si Cassey nasabi ko naba yun noon? Oo Crush ni Nathan si Cassey noon pa! Wala namang reklamo maganda naman talaga si Cassey bungangera lang talaga.


"Ayoko nga. Si Cassey lang libre ko." Sabay akbay nya kay Cassey, Binelatan naman ni Cassey si Bradley. Teka nung nakaraang araw ko pa kasi nafifeel e. Parang may iba sa kanila?


"Kayo na ba?" Bigla kong singit sa usapan nila, Tinignan ko reaksyon ni Cassey at namumula ang gaga! Si Nathan smile smile lang, so sila na talaga?


"Kayo na talaga?!" Sigaw ko.


"Sumigaw daw? O—" Naputol sinasabi ni Nathan ng hampasin sya ni Cassey.


"Hindi. Hindi pa. Ano lang. Nanliligaw. Hehe" Sabi ni Cassey habang namumula.


"Totoo yon! Hindi pa talaga kami. Promise." Sabi ni Nathan at umakbay ulit kay Cassey.


"Kailan pa?" Sabi ni Bradley.

Behind The Shadow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon