Page G

115 2 1
                                    

LOU

"Tutunganga ka lang ba dyan o may balak ka pang tulungan ako?"

Nagulat ako ng biglang hampasin ni Bradley ang lamesang nasa harap ko. Tumutulong naman ako ah? problema nito?

"Tumutulong naman ako a?" inosente kong sagot sa kanya.

"Ah kaya pala, kanina ka pa nakatulala dyan at hindi ka manlang kumikilos! SIS WAKE UP!!" Sabay yugyog nya sakin.

"A... ARAY! Tama na! Oo na to na!" Sigaw ko sa kanya at binitawan nya naman ako. Nag simula na akong magdikit ng mga pinaggugupit nya kanina. Yeah gumagawa kasi kami sa project sa Filipino. Pop-up. Oo nga pala? Asan sila Cassey?

"Huy, asan sila Cassey?" Tanong ko kay Bradley na nagddrawing sa harap ko. Kami nalang kasi dalawa dito alam ko kasama namin sila kanina bat diko napansin na umalis?

"Seryoso, sis?" Huh? Napatigil sya sa ginagawa nya tapos humarap sakin at nag cross arms. Kainis tong bakla nato ang gwapo padin! Hinahabol nanaman tuloy ng sampung kabayo ang beautiful heart ko! Omg. Landi.

"Nakakapagtaka ka talaga ngayon. Kanina halos mabuhos mo na kay Michelle ung tubig kasi akala mo lamesa un. Tapos hindi mo pinapansin si Nathan nung nagkukwento sya sa harap mo. Ngayon naman ganyan ka? Sila Cassey? Diba ikaw nagsabi na mauna na silang umuwi dahil may gagawin tayo? Ang weird mong bakla ka."

Napanganga ako sa sinabi nya. Tsaka ko lang naalala na pinauwi ko na nga pala sila. Ano ba nangyayari sakin? Dala siguro to sa kakaisip ko biruin mo nakulong pala si Papa noon tapos hindi ko alam? Di na sya nagkwento basta angsabi nya ayos na daw yun. Napatunayan naman daw na wala syang kasalanan. Pero bat ako kinakabahan? Nabanggit nya rin na Gomez daw ang apilido ng nagpakulong sa kanya.


Gomez? Gomez. Posible kayang kamag anak ni Michelle yun? Pero parang imposible din naman. Aish! Ang gulo. Sino rin ba kasi ung babae sa picture?! Isa pa yung nakakagulo e. Nalaman ko rin na ang laging kaaway ni papa sa phone ay yung babae sa picture. Ano ba kasing kaugnayan nya samin? Nakakainis-


"Oh tulad ngayon tulaley ka nanaman? Lou! Sabihin mo nga kung may problema ka? Gay to gay talk." May nalalaman pang gay to gay tong bruha nato. Kaloka.


"Wala! Nagugutom ako. Sa bahay nalang natin to ituloy. Ano tara?" Aya ko sa kanya. Bigla namang ngumisi ng pagkalapadlapad to. Problema?


"Buti naisip mo na yan! Gutom na rin kaya ako!" Sabi nya at nauna pang lumabas ng room sakin. Tignan mo to ni hindi man lang naligpit ung pinag gawaan namin. Sige na ako na lang. Mahal ko naman sya e. EW LOU EW. MAHAL. EWWW! gusto lang no.


***


Pagkarating namin sa bahay, hinanap ko sila Papa at Mama pero wala. Siguro ng Date yung dalawa nag aala teenagers duh. Pumunta muna akong kwarto para mag bihis ng makababa nako sa sala. Abay ang bakla! Sitting pretty pa habang kumakain ng Lay's tapos may hawak pang isang baso ng juice at nakaharap sa Tv! Yung totoo?!


"Ehem. Di ako na inform na movie marathon pala gagawin natin dito." Sabi ko sa kanya dahilan para malingon sya sakin. Grabe  lang.


"Ay sorry sis nadala lang. Haha." Nadala lang? Wow ha. Kinuha ko ung kinakain nya ako naman ang kumain. Habang gumagawa kami sinabayan nanamin ng kwentuhan para di masyadong tahimik. Nasabi ko rin sa kanya na gusto ko sya noon. Wala naman syang bonggang reaksyon. Eto lang ang sabi nya...


"Sabi na eh! Kahit lalaki maiinlove sakin. Pogi mo talaga Bradley."


"Hindi napala ngayon, isa nakong dyosa ng kagandahan. Hahaha sarap pakinggan!"

Oh diba? Hanep sa confidence. Napailing nalang ako sa kanya habang nakangisi. Proud na proud na kasi talaga sya e. Dakilang bakla! Aish. Kung mayron lang ako ganyang kataas na level ng confidence malamang dalawa na kami ngayon nag kakalat ng kabaklaan.


"Sis gabi na pala buti natapos agad natin. Wala paba parents mo?" Tanong nya. Oo nga no? Asan ba sila? Ni hindi manlang nagtext o tumawag kung asan sila? Try ko ngang tawagan si Mama.

Mamaganda

Dialling......

Nagriring naman pero di sinasagot? Sinubukan ko ring tawagan si Papa pero ganon din? Problema nila? Baka nanunuod ng sine kaya ganon? Ewan. Uuwi din yun.


"Uuwi din yun mamaya. Ikaw? Gabi na. Umuwi kana! Ako nalang magdadala nito bukas." Sabi ko kay Bradley. Pagkasabi ko non tumayo na sya at nag ayos tapos nagpaalam na. Nagpasalamat muna sya sakin saka tuluyang lumabas ng gate. Nang isara ko na ung gate tsaka ko na pansin na andito pala yung sasakyan ni Papa. Bakit naiwan? Siguro gusto lang nilang mag commute kaya iniwan nalang nila. Nakoo! Pag uwi at pag uwi nila kakansyawan ko talaga sila!


Nagluto ako ng makakain ko at pagtapos ko kumain pumanik nako sa taas para maglinis ng katawan at para makapag pahinga na. Sabog ako ngayong araw eh! Kaloka. Pagtapos kong maglinis humiga nako sa kama, pero kahit anong gawin ko di ako makatulog naikot ko na buong kama ko wala parin. At hanggang ngayon wala parin sila Mama.

Kinakabahan nanaman tuloy ako! Aish. Makababa nga at makainom ng tubig. Siguro natrapik lang yung mga yun pero bat kasi di nila magawang magtext? Pinagaalala nila ko eh!

"Ay palaka!" Ayan katangahan nga oh! Nabagsak ko ung baso. Buti nalang nakasuot ako ng tsinelas. Aish malas.Oh? Nag ring yung phone ko! Baka sila mama nayun! Tumakbo ako pataas para  sagutin kong sino tumawag.


Si Mama nga!


"Hi Alex my friend. Lumabas ka ng bahay nyo ngayon na! Kung gusto mo pang abutang buhay ang Mama at Papa mo. Bilisan mo huh? Ill wait you. Babye! Hahaha!"


--------------


Ngayon lang sinipag mag ud! Sorry guys. Hihihi comment&vote. Thank you! ^O^

Behind The Shadow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon