LOU
Lumipas pa ang maraming araw maraming gabi maraming tanghali hapon-- nyare? Mwahaha. Ayon wala padin nagsasabi sakin kung ano ba talagang meron, kaming dalawa ni Nathan ang walang kaalam alam, pero naisip ko din na ako nga di padin nagtatapat hanggang ngayon e. -__- imbis na magtampo ako o mag isip ng kung ano inintindi ko nalang para fair diba. Wag selfish lahat ng tayo may tinatago, tulad ko 3 years kung tinago kung ano ako at hanggang ngayon sa iisang tao ko palang to nasasabi. Hayy ewan bahala na!"Oy alam mo naba yung balita?" Babae 1
Nag chichismisan nanaman tong mga to, andito kasi ako sa corridor wala lang, nag papahangin relax lang, recess naman e.
"Ano yun?" Babae 2
"Grabe dika maniniwala, talagang di kapani-kapaniwala." Babae 1 ulit. Papasok na sana ako ng room ng marinig ko yun. Ano kaya yun? Stay put muna ako dine at makikinig sa mga ito.
"Yung lalaki sa III-B. Diko lang maalala yung name nya e, si miss ngongo kasi nagkwento nun sakin diko maintindihan." Miss ngongo? Si Rea? Haha sama nito ah, like it. Lol. Teka section ko yun ah?
"Oh eh anong meron sa lalaking yun?" Babae 2
"Bakla daw! Oo akalain mo yun kilala natin syang lakaking lalaki tapos ngayon bumigay? Sayang naman no? Teka. Ayun naalala ko na sya! Si. Si --- Hi BRADLEY eheh- k-kanina ka pa andyan?" Sabi ni babae 1, ano may beki pang nagladlad bukod sakin? oh baka ako naman ang tinutukoy nila? Oh no. Wag naman sana! Pero imposibleng ako yun kasi alam ko naman na hindi madaldal si Michelle.
Tiningnan ko yung dalawang babae na natigil sa pag uusap ng dumating si Bradley, tiningnan lang sila ni Bradley at umalis na. Kainis sasabihin na kung sino yun dumating naman to!
"Hi Lou!" Bati nya tapos pumasok na sa room, hay gwapo mo talaga Papa Bradleyyyy. Hihihi. Sunod na dumating si Nathan may dala pang sandamakmak na pagkain kahit kailan napaka takaw neto.
"Huy Lou, Gusto mo? /akbay/ Subuan kita?" Landii.
"No. Thanks nalang, atsaka wag mo nga ako akbayan! Init init e." Sabi ko naman sa kanya pero di parin nya inalis, "sigee wag mong alisin ang braso mo! Naaamoy ko ang napakabango mong kili kili at ramdam na ramdam ko ang iyong muscless!" Waaahh. >3
"Nathan, tara may sasabihin ako." Ay epal naman ni Bradley, hinatak bigla si Nathan? Kita kong kausap ako! Ni hindi manlang nagpaalam sakin! Hindot.
BINABASA MO ANG
Behind The Shadow [COMPLETED]
Teen Fiction"Honesty is the best way to have a strongest relationship not with your love ones but also with your bestfriends." Short story only.