Page H [Samara?]

94 2 0
                                    

LOU

"Hi Alex my friend. Lumabas ka ng bahay nyo ngayon na! Kung gusto mo pang abutang buhay ang Mama at Papa mo. Bilisan mo huh? Ill wait you. Babye! Hahaha!"

What?? Ano to Joke?? Gabing gabi may mag jjoke ng ganito? Pwes hindi nakakatuwa! May pa friend friend patong bakulaw na to!

"Hoy kung sino ka man--- *toot* *toot* ay?! WHAT THE!!" Arg! Kainis. Bastos! Binabaan ako?! Makatulog na nga lang ulit-- teka. Teka.... number ni Mama ung gamit nya... Number ni MAMA?!! Magkasama sila ngayon?! So hindi nagbibiro yung babae na yon?!

Hala. Anong gagawin ko?! Omg. Omg!! Kumuha ako ng jacket at tumakbo palabas. Sinunod ko lang yung sinabi nya pero pag labas ko wala namang katao tao! Ako at aso lang nagkakamot ang nandito! Seriously? Bukod sa malamig ang hangin natatakot nako. Anong gagawin ko? Sabi nya aantayin nya daw ako, eh asan sya?! pano kung may ginawa na syang masama sa parents ko! Baka bago nya ako tawagan nagawa na ny-----

*PAK*

Ramdam ko ang isang matigas na bagay na hinampas sa ulo ko napatingin ako kung sino pero nanlabo na ang mga mata ko at tanging nakita ko lang ay ang isang lalaki.

"Sorry Lou."

Narininig ko mula sa isang pamilyar na boses at bigla nalang nandilim ang paningin ko....

***

Aray. Aray. Ansakit ng ulo ko! Jelibells. Where am I?? Why so dilim here! Omg. San ba ako napunta? Baka may mumu dito? Yaaahhh. I cant icant. Wait...

Naalala ko, lumabas ako ng bahay. Tapos. Tapos may nanghampas ng matigas na bagay sa ulo ko! Hala! Anong nangyayari?! Asan ako?! Teka ano to? Nakatali ako?! Nakatali ako sa upuan? Hala hostage taking bato? Kidnap? Para sa mga galit sa bakla? Hala! Anong kasalanan ko bat ako nadamay?!

Biglang bumukas yung ilaw at napapikit ako bigla kasi ang sakit sa eyes alam mo yun ang dilim tas biglang may liwanag. Tapos may babaeng niluwa ng pintuan at papunta sakin, shes sexy, makinis ang balat, maganda ang mukha pak! Palit tayo girl!!

"Hey friend ayos ka lang?" Ako ayos? Ibang kalseng tanong yan ha? Nakidnap nakatali tapos satingin nya okay ako? Tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Mukhang hindi." Sabi nya. Baliw bato? Nakakainsulto ha. "Sino kaba?! Bakit ako nandito?! Omg. Nasan ang parents ko?! ginawa mo sa kanila? Jellibellss! Pakawalan moko!!" Sigaw ko sa kanya kaya napahawak naman sya sa tenga nya, ghaaad!

"Pwede ba isa isa lang, di moko matandaan? Hindi manlang ba ako familiar sayo?" Napaisip ako sa tanong nya. Familiar? Wait... san nga ba? Ah!! Sya yung nasa picture! Yung babae!

"Ikaw yung babae sa picture!" Sabi ko bigla sa kanya, napangisi naman sya ng malapad.

"Good. Im Samara." Sabi nya sabay kuha ng upuan at umupo sa harap ko. Samara? "Anong bang atraso namin sayo ha?!" Tanong ko nanaman sa kanya. Pag ka tanong ko nun, nagbago na expression ng mukha nya.

"Good. Natanong mo nayan. Handa ka na ba makinig?" Sa halip na sumagot ako tinaasan ko nalang ulit sya ng kilay. "Mukhang ready na nga." Sabi nya ulit.

"Actually, wala ka namang atraso sakin, bait mo nga e. Pero kasi may mga utang talagang kailangang singilin. Kaya kasama ka narin dun para fair. Nasaktan ang parents ko at ako, so dapat masaktan din yung iyo at ikaw." What? Napakunot ako ng noo sa pinagsasabi nya? Anong utang? Anong nasaktan? Magsasalita na sana ako kaya lang itinaas nya yung kamay nya itinapat sa mukha ko.

"Mamaya kana magsalita! You know why?! Kasalanan ng daddy mo to e! Ng dahil sa kanila nag kanda letche letche ang buhay ko, no namin! Mababait ang parents ko pero ano?! Inabuso sila ng daddy mo!" Lalo nakong walang naintindihan sa sinasabi nya. "Ng dahil sa daddy mo namatay ang magulang ko! Ng dahil sa Daddy mo, nawalan akong magulang. Alam mo kung anong ginawa nya? Kitang kita ko yun. Kita mismo ng dalawa kong mata."

Sabi nya, nakikita ko na ang galit sa mga mata nya. Ang hindi ko maintindihan bakit? Bakit ano ba ang nagawa ni daddy?

"Walang awa nyang sinagasaan ang Daddy ko. Anong ginawa nya? Sa halip na dalhin sa hospital nagpatakbo pa sya ng mabilis palayo samin. Ansakit nun, sobrang sakit! Mamatay ang tatay mo sa harap mo." Napanganga ako sa sinabi nya. Si Daddy? Nagawang pumatay ng tao? But why? Di parin ako makapaniwala.

"Namatay din si Mommy dahil hindi kinaya ang nangyari. Inataki sya sa puso. Kasalanan to lahat ng Daddy mo! Kasalanan nyo tong lahat! At hindi ako mapapakali hanggat diko naipaghihiganti ang Daddy ko."

"Sino kaba talaga ha? Bakit? Siguro may dahilan yun? Hindi mamatay tao ang daddy ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Kaya pala napatay nya ang Mommy at Daddy ko! Yun ba ang hindi mamatay tao?! Ha?! At sino ako?! Kilalang kilala mo nako Lou. Im your close friend Lou. Im Samara. No, Hindi mo pala ako kilala sa pangalang yun. Im Michelle, Lou. Michelle Gomez."

Behind The Shadow [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon