103

2.7K 136 33
                                    

A/N:


Guys, magFOLLOW na kayo sa akin. Last 2 chapters na po tayo. Ipa-private ko ang ENDING/ EPILOGUE. Salamat nga po pala sa lahat ng walang sawang sumusuporta, bumoboto at nagko-comment sa mga chapters natin. Kaya naman kahit busy ako ng sobraaa ay isinisingit ko ito ng pilit.


Paki add naman po sa reading list ninyo ang LEE SERIES 1 - MISSION: PROTECT MY EX-BOYFRIEND?? Maraming maraming salamat sa inyong lahat! God bless us all!


85 VOTES = UPDATE!!


______________________________


-103-

VESTA'S POV 2





"Anak, stop running! Tingnan mo at pawis na pawis na si Vernis." Sermon ko kay Trevis habang pinupunasan ang likod niya. Pagkatapos niya ay isusunod ko naman ang kay Vernis.



Naandito kasi kami sa event ng mga Becher. Inimbita nila kami ng mga anak ko para sa pagbubukas ng bago nilang foundation. Ang Troy's Healthcare Foundation ay itinaguyod nila para sa mga batang kapuspalad na may mga leukemia. Ang katwiran nila, hindi man daw nila napahaba ang buhay ni Troy, at least sa foundation na ito ay matulungan nilang humaba ang buhay ng ibang bata. Magandang layunin, hindi ba?



"Nanay, masaya naman si Vernis while we're playing with the kids. Ngumingiti pa nga siya kanina eh." Nakangusong katwiran ni Trevis. 



Si Vernis? Ngumingiti? Mga bata nga naman oh.. 



Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Trevis. Alam ko naman na ang mga batang tulad ng edad nila ay malawak ang imagination. 



"Basta ingatan mong masaktan ang kapatid mo." Bilin ko at bahagyang ginulo ang buhok niya. 



Grabe ang active ng batang ito! I wonder kung ganito din kakulit si Troy noon? Gustong gusto pa naman niyang laging isinasali ang tulala niyang kapatid sa mga ginagawa niya. Hinahayaan ko naman. Umaasa kasi akong isang araw ay muling babalik sa normal ang mas masiyahin kong si Vernis tulad noon.



I watched my kids run and play. Sayang at hindi sila nakasama ni Troy ng matagal. Ni hindi niya narinig na tinawag siya ng mga bata na.. "Papa." 



Kaya hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Alam kong natakot ako noon na pagdaanan muli ang matinding sakit kaya ako natakot magtiwala. Natakot din ako na masaktan ko lang ulit si Troy. Kaya kahit gustong gusto ko na siyang tanggapin muli, hindi ko nagawa noon. I feel like this is all my fault. I'm so damn heartless for not giving him a chance.

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon