63

2.5K 71 33
                                    

A/N:

Kapag mabilis ang participation ninyo ay mabilis ang update ng CHAPTERS. Thank you sa mga VOTES at COMMENTS! Salamat po sa COMMENTS nina: dizonkim11, mjvelasc0, yongann, glenma, RiolynneJoy, BeverlyMaeAvila, lumeirah, Paul_Samboa, maricarclim7, jjamessam, simply_neri, Kayenan_14, Athena_9, Marcus_C, Zeus_9, at relinerejardes.

30 VOTES + 25 COMMENTS = UPDATE! HAPPY NEW YEAR!

_________________________________

-63-

RESPONSIBILITY

Pagkatapos ng ilang linggong paghahanap ay natagpuan din namin si Vesta. Iniuwi ko siya ng gabing iyon sa condo ni Hestia na lasing na lasing. Bagama't ganoon ang itsura ng kambal niya ay tuwang tuwa ang huli nang buhat buhat kong ipinasok ang kakambal niya sa kanyang bahay.

"Troy, pwede bang ilipat mo si Vesta sa bahay mo? Baka kasi matiktikan siya ng mga tauhan nina Papa na naandito sa bahay ko." Ani Hestia sa akin isang umaga na dumalaw ako sa bahay niya.

Kumunot ang noo ko. "Hell! No! I don't want to be involve with her problems." Mariing tanggi ko.

Hindi na nga boto sa akin si Sir Lance para sa kanya. Paano pa kung malaman niyang itinatago ko si Vesta? Baka isumpa na niya ako habang buhay.

Ngunit nawala din ng saysay ang pagtanggi ko ng yakapin ako ni Hestia ng mahigpit. "Please, Troy! Doon din muna ako sa bahay mo hangga't hindi ko pa siya nakukumbinsi na bumalik na kina Papa." Malambing na pakiusap niya.

Makakasama ko si Hestia sa bahay? Why not, di ba?

Niyakap ko din siya at hinalikan sa noo. "Okay. But be sure that you will also stay with me." Bilin ko sa kanya.

Ayoko ng awkward moments kapag kami lang ni Vesta sa iisa bubong. Alam naman namin na hindi kami masyadong close na dalawa.

Ngumiti siya ng ubod ng ningning. "Promise!" Aniya niya sabay taas pa ng isang kamay niya.

"Fine."

"Thank you! The best ka talaga!" Masayang sabi pa niya at hinalikan ako sa lips na nagpatambol ng puso ko.

Sino ba namang hindi papayag kung ganito ka-sweet ang makikiusap sa iyo? Sana nga lang ay talagang nagbago na ang pakikitungo sa akin ng kapatid niya para walang gulo.

**

After that, the twins started living in my house. Unfortunately, whether I like it or not, they are now my responsibility. Pati tuloy ako ay nadadamay sa pagaalala kapag may mga gabing hindi umuuwi si Vesta. Hindi na kasi siya pumapasok sa trabaho at panay ang party simula ng nangyari sa kanila ng kanyang Daddy. Halatang depressed pa rin siya sa nangyari sa kasal niya sana with Frandie.

"Wala ka pa rin bang balak umuwi kina Papa?" Tanong ni Hestia isang araw na nagbe-breakfast kaming tatlo ng sabay dito sa unit ko.

Pinanuod ko lang ng marahang umiling si Vesta. "Ayaw ko pang makita ang mukha ni Lance Lao, Ate." May diing tanggi niya. Halata ang pagkamuhi niya sa kanyang tunay na ama.

Bakit nga ba nagawa iyon ni Sir Lance sa sariling anak? Ano ang dahilan niya para alukin ng pera si Frandie? Pagsubok ba niya sana iyon para kay Frandie? Siguro ay gusto niya lang proteksyonan ang nakakabatang anak. Pero tama nga ba ang naging paraan niya bilang ama?

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon