19

4.1K 52 5
                                    

-19-

CONSCIENCE

Halos napapaidlip na ako ng sa wakas ay makita kong palabas na ng food chain si Vesta. Sinulyapan ko ang relo sa kotse at nakita kong alas-tres na pala ng hapon. Noon na ako lumabas ng kotse para lapitan siya. Ready na ako sa mission kong BEFRIEND HER 101.

Kasalukuyan siyang may kinakalkal sa bag niya ng lumapit ako. Kaya hindi na ako magtataka ng halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita akong nakatayo sa kanyang harapan.

"Hi!" Tipid na bati ko. Ngumiti pa ako ng alam kong ngiti na hindi mareresist ng mga babae.

Nanatili siyang tulala sa harap ko. Medyo naapektuhan pa nga ako nang mapansin kong pinagmamasdan niya akong mabuti. Tinitigan niya ang kaliwa at kanan kong mata.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Para kasi siyang rebulto na tanging eyeballs lang ang gumagalaw.

Napalunok siya. "K-Kumusta?" Nabubulol na balik tanong niya. Kitang-kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo niya.

Ganyan nga, Vesta! Kinakabahan ka, hindi ba? Ganoon talaga kapag guilty ka. Halatang takot na takot siya sa sarili niyang multo ng kahapon. Gusto ko tuloy matawa.

"Okay naman. Ikaw?" Cool na sagot ko. Namulsa pa ako at dinungaw ng mabuti ang mukha niya.

Ngayon ko lang napansin na tumangkad na ako. Dati kasi ay hanggang bibig ko si Vesta. Ngunit ngayon ay halos hanggang balikat ko na lang ata siya. Sabagay, kahit kay Ivan at Frandie ay mas matangkad na ako ngayon. Napansin ko iyon ng makita ko si Frandie kahapon. Bahagya na siyang nakatingala ng konti para mahuli ang titig ko.

"A-Ayos naman, Troy." Kabadong sagot niya.

Napatingin ako sa kamay niyang ang igting ng hawak sa strap ng bag niya. Siguro ay nananalangin na siyang kainin na siya ng lupa sa mga oras na ito. Pero baka iluwa lang ng lupa ang mga paasang tulad niya.

"Will you come with me? Gusto ko lang sanang makipagkwentuhan ng konti. Since kababalik ko lang. Kaya wala akong contact sa mga iba nating kakilala."

"Naku! Eh... uuwi na ako. Madami akong gagawin sa bahay." Pagtanggi niya sabay iwas ng tingin.

Pero sadyang determinado ako. Ang tagal ko kayang naghintay dito!

"Sandali lang naman ito. Kung gusto mo, sasama na lang ako sa iyo. Naiinip kasi ako dito sa Biñan eh. Lalo na at may kanya-kanyang lakad ang mga kapatid ko. Ang parents ko ay nasa hospital namin." Pangungulit ko sa kanya.

Tumitig muna siya sa akin. Hindi naman ako umiwas ng tingin sa kanya para kunyari ay totoo sa loob ang sinabi ko. How I wish na hindi niya mapansin na I'm just lying.

"S-Sige na nga." Halatang pilit na sagot niya. Marahil ay hindi siya makatanggi dahil alam niyang malaki ang naging atraso niya sa akin dati.

Lihim akong napangisi ng sumakay na siya ng aking kotse. I'll make sure that you'll fall on my trap, Vesta. Nagkamali ka ng taong sinaktan dati!

Nagpanggap akong excited na makikila ang Ama ni Vesta. Medyo may ilan siyang kwento tungkol sa Papa Ethan niya. Halatang proud na proud siya sa pagiging mabuti daw nitong ama. Ang sabi niya ay may sakit ito ngayon kaya naman ako na mismo ang nagyaya na bumili kami ng prutas para sa tatay niya. I guess, isa ito sa mga kahinaan ni Vesta.. ang kanyang tatay. Kaya magagamit ko ito para mapalapit sa kanya.

Troy's AchillesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon